MAGDALENA/C17 Biyahe pa Ilocos
+ Add to Library
MAGDALENA/C17 Biyahe pa Ilocos
+ Add to Library

C17 Biyahe pa Ilocos

Sa tagal ng biyahe namin at nakaramdam ako ng antok kaya umidlip ako. Nagising ako ng maramdaman kung huminto nag kotse.

"Let's go girl, mag almusal muna tayo,"

"Okay, nagugutom narin ako eh," sabi naman ni Monic

Bumaba na kami sa kotse at pumasok sa restaurant. Agad may lumapit sa amin na waitress at nag bigay ng menu. Tumingin naman ako kung ano ang menu nila, nakita ko may pancit canton sila kaya iyon ang inorder ko at coffee kapuchino. Ang mga kasama ko naman ay pumili din ng saka nila. Kumain na rin kami ng dumating ang mga order namin na pagkain. Nagtagal muna kami sa restaurant na iyon dahil nagpapatunaw kami ng kinain. Ilang minuto ang lumipas ay naisipan na naming mag biyahe. Sinagot ni tita ang pagkain namin kaya wala kaming binayaran at isa pa ipapa refund naman daw niya sa amo namin ang gastos namin.

Nagsimula na naman kaming mag biyahe, dahil nakaramdam ako ng pagod dahil sa ilang oras na nakaupo kaya na isipan ko na lang na matulog muna sa biyahe, ganoon din sila Monica at tita Joan. Lumipas ang mga oras huminto kami sa isang restaurant dahil nakaramdam na kami ng gutom dahil alas kwatro ng hapun iyon na rin ang lunch namin. Mahaba-haba ba ang byahe namin kaya kailangan naming kumain. Bumaba na kami sa kotse at pumasok sa na sa restaurant. May agad namang lumapit sa amin na waitress ng makaupo na kami.

"Good evening ma'am ito po menu namin." Sabay bigay nito.

Tumingin naman kami kung ano ang masa menu nila.

"Beef steak and ice tea sa akin," sabi ko

"Calamari fritti and pineapple sa akin," sabi naman ni Monica

"Spring roll chicken and mango juice sa akin," saad ni tita Joan.

"Beef curry and water lang sa akin," sabi naman ng kasama naming driver.

"Okay po ma'am, noted po, pa antay nalang po ng order ninyo."

"Okay!" Sabi naman ni tita Joan.

Umalis na ang waitress pagkatapos mag salita ni tita Joan.

Ilang minuto ang inantay namin bago dumating ang order namin. Nagsimula narin kaming kumain eninjoy namin ang pagkain sa mga oras na iyon. Nang matapos na kaming kumain ay naisipan na naming mag biyahe na ulit.

"Kuya gusto mo palitan kita mag drive?" Sabi ko.

Para makapag pahinga din si kuya dahil kaninang madaling araw pa siya ng da-drive.

"Marunong ka ma'am?" tanong nito ng hindi siya makapaniwala na marunong ako mag drive.

"Oo naman,"

"Sige po."

Agad na akong pumasok sa driver seat. Siya naman sa likuran katabi si Monica. Nagpalit din ng upo sina tita Joan at Monica. Sinimulan ko na mag drive pero gumamit kami ng way map dahil hindi ko alam ang daan papunta sa pupuntahan namin.

Lumipas ang mga oras at narating din namin ang lugar na nasa way map. Namangha ako sa aking nakita dahil sobrang laki ng building na iyon at high-class ang dating halatang mga mayayaman ang mga pomupunta sa casino na iyon.

"Kuya tama po ba tong lugar na ito?" Tanong ko ng magising na ito, dahil ginising ko sila.

"Yes po ma'am,"

Bumaba na ako at pumalit na si kuya sa driver seat at pina andar niya ito ulit dahil sa parking area kami pupunta. Nang maka parking na ay lumabas na kami sa kotse, at kanya-kanyang bit-bit ng mga bagahi. Pagkatapos ay pumasok na kami sa elevator ng makapasok na kami ay sinarado na ito ni Monica. Six floor ang nakita ko bago bumukas ang pinto, lumabas na kami at nakita ko ang daming kwarto sa lugar na iyon parang hotel ang itsura nito. Pumasok kami sa room number eighteen,medyo maluwag ang kwarto na iyon at completo sa gamit.

"Ito ang iyong kwarto, wag kang mag alala libre lang ang pag tira mo dito. Libre din ang pagkain, tubig at kuryente, kaya wala kang alalahanin lahat." Sabay bigay ng key card saakin.

"Ganoon ba, ang bait naman ng boss natin,"

"Yes, pero wag mo siyang galitin halimaw iyon pag nagalit."

"Okay po"

"Siya pahinga kana bukas din umaga magsisimula kana,"

Ngumiti naman ako rito pati kay Monica.

"Welcome aboard," sabi naman ni Monica, at ngumiti naman ito.

"Thanks," sabi ko.

Umalis na silang dalawa, ako naman ay ng linis muna ng katawan at nag palit ng damit pantulog. Hihiga na sana ako ng may kumatok sa pinto, nilapitan ko ito para buksan baka si tita Joan iyon. Nang pag bukas ko ay lalaki ang dumating may dalang food cart.

"Hello po ma'am, ito po ang pagkain mo." Sabi nito. Sabay bigay ng plastic bag sabay umalis.

Kinuha ko naman ito at sinarado na ang pinto. Nilagay ko sa mesa ang plastic bag at humiga ako sa kama. Hindi muna ako kumain dahil hindi pa naman ako nakaramdam ng gutom. Hanggang sa hindi ko namalayan na naka tulog pala ako.

Kinabukasan nagising ako ng may ng doorbell kaya bumangon ako para buksan ito. Nakita ko ang dilivery food at si tita Joan. Inabot sa aking ng lalaki ang pagkain pagkatapos ay umalis na ito. Pumasok naman si tita Joan may dala itong maraming paper bag.

"Ito pala bigay ni boss,"

"Hindi nga? Para ba talaga yan?"

"Oo naman, oh diba ang bait ng boss natin hindi ka magsisisi na sumama ka sa akin, basta kung ano ang gusto niya sundin mo lang." Sabay abot ng gamit.

"Okay tita Jo,"

"Ikaw na bahala diyan, tatawag ako mamaya saiyo. Kumain kana at mag bihis narin dahil isasalang kana mamaya."

"Okay po"

Umalis na si tita Joan pagkatapos naming mag usap. Inayos ko ang mga gamit ko ni lagay ko sa kabinit ang mga damit ko at ibang grocery na meron ako at mga personal na gamit. Pagkatapos ay kumain narin ako dahil nakaramdam ako ng gutom dahil hindi ako nakakain ng hapunan kagabe. Pagkatapos kung kumain ay naligo na ako, pagkatapos maligo ay nagsuot ng damit. Puting dress napili kung suotin. Dahil wala pang tawag sa akin ay naisipan kung tingnan ang mga laman ng paper bag. Nakita ko sa isang paper bag na may box iyon ng cell phone. Binuksan ko naman ito nakita kung totoong cellphone nga iyon. Sa ibang bag naman ay mga dress at makeup may sandals pa. Sinukat ko ang sandal at saktong sakto lang iyon sa akin. Isinuot ko na agad ang sandal ang mga damit at makeup naman ay nilagay ko sa cabinet. Ginamit ko naman agad ang cellphone at sandals.

"Napakaswerte ko naman sa trabaho ko. Siguro mag-e-enjoy ako sa aking trabaho at tuluyan ko ng makakalimutan si Dexter," bulong ko sa aking isipan.

Nagising ang diwa ko ng tumonug ang cellphone, agad ko naman ito sinagot lalo na ng makita ko ang naka pop up na pangala ni tita Joan.

"Hello tita,"

"Hi pwede kana lumabas diyan andito ako sa labas ng pinto."

"Okay," agad naman akong tumayo at pumunta sa pinto. Lumabas na ako at nakita ko si tita Joan.

"Wow, hindi nga ako nagkamali sayo, ang ganda-ganda mo talaga. Hali ka may pupuntahan tayo," hinila niya ako at nag lakad kami papunta sa elevator.

Pinindot niya ang G at number three. Pagkarating namin sa third floor ay lumabas na kami pagkabukas nito. Pumasok kami sa isang kwarto dahil iyon lang ang pintuan na meron doon. Pagpasok namin ay nakita ko ang mga babae, ang dami nila at magaganda rin. Ang tawag nila sa lugar na iyon ay dressing room. Iyong iba ay ng sariling make up. Yong iba naman ay minimik apan ng mga baklang make up artist sa dressing room na iyon.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height