C21 Her Name Should Start With B
Sinundo ako ni Heron using his owner type jeep, pero kumain muna kami sa Cauayan. Hindi pa naman ako nagugutom pero gutom daw kasi si Heron. He really looked dashing at natatawa na lang kami kapag may napapalingon sa kanya na nakakasalubong namin.
"Pasensya ka na, nasa lahi eh." Biro nya.
Tumawa ako. "Asus. Oo na lang."
"Bakit, patay na patay ka nga kay Ram, diba?" Tapos humalakhak sya
