Make Me Feel/C5 Kubli
+ Add to Library
Make Me Feel/C5 Kubli
+ Add to Library

C5 Kubli

Pagabi na kami nakauwi ni Ram dahil kung saan saan nya pa ako sinama. At lahat ng iyon, puro sya kilala sa lugar. Everyone was like "Hey, Ram!" or something alike. Pinakilala nya naman ako at naging busy rin ako kumuha ng iba pang pictures kahit wala sa intenirary.

"Salamat pala."

"Sa pag sama o sa halik?" Pilyong sabi nya.

Sabay kami maglakad papasok sa main house.

Hindi ko napigilan bumungisngis. "Ikaw, ah. Nagnanakaw ka ng halik."

"Gusto mo pa nga ng isa, eh." Ngumisi sya.

I just grinned on him.

Hindi ko alam kung dapat na ba talaga ako maging comfortable sa kanya pero kinikilig talaga ako. I have had my crushes before after ko makipag break sa ex ko, pero iba talaga ang kilig ko kay Ram. Ang sarap maging dreamy.

I washed up nang makarating na ako sa kwarto. Binilisan ko ang pag process ng pictures at pagtatype para ma send ko na ang files in one go bago mag dinner. I always look forward in seeing Ram. Malakas ang tama ko sa lalaki na kinainisan ko pa before.

Sa hapag kainan na kami nagkita ulit ni Raisa. Nag empake na raw sya dahil bukas na ang balik nya sa Manila.

Nag kwentuhan kami sa gilid ng pool after kumain while Ram went to the library, may mga tatawagan daw sya.

"Bakit pala ayaw ng tito mo ng english? I mean.."

Tumawa si Raisa. "Hindi naman, naiirita lang sya. Kaya sanay na ako. Kapag umuuwi ako rito, it's like I would switch to a different person. Pulos mga shirts rin lang ang mga dinadala ko na damit, pajamas or capri pants. Pinapagalitan nya ako kapag naka shorts o sando ako."

"Ang weird." Kibit balikat na sabi ko.

"Kaya nga eh. You should hear him speak in English though. Last summer, when I bought my bestfriends here, para silang mga baliw na kilig na kilig kay tito Ram." Natatawa na kwento ni Raisa.

"Eh gwapo naman kasi, hot pa." Wala sa sarili na sabi ko.

"Uyyy.. Crush mo si tito Ram, no?" Kinalabit ako ni Raisa sa tagiliran at napa urong ako.

"H-hindi naman sa ganon.. Mga ganon lang type ko." Palusot ko.

Tinawanan lang ako ni Raisa. "He's everyone's type. Mayaman, gwapo at macho. Strict nga lang."

"Asus. Makakahanap rin yan ng katapat nya. Yung taon na imbes na i tame nya, sya pa ang susunod. He would be tamed." Dreamy na sabi ko.

"Speaking of, Bee. I won't mind kung ikaw ang magiging tita ko. You're cool for a twenty five year old." She grinned at me.

Hindi ko alam kung bakit pero tumawa ako. "Kung i seduce ko na kaya tito mo, no? Para wala na kawala?" Biro ko sa kanya.

"Wow. Marunong ka mang seduce?" Parang gulat na tanong nya.

"Sira ka. Biro lang. Parang mahirap pakisamahan ng tito mo, pero crush ko sya." Tapos humalakhak ako. Parang hindi ako napagod kanina.

"Sayang naman, hindi ko masasaksihan ang pangseseduce mo sa kanya. Aalis na ako bukas. Pero pwede siguro tayo mag girl date kapag nasa Manila ka na rin, no? Say yes?" Pinagsalikop nya pa ang mga kamay nya.

"Why not?" Sang ayon ko naman. "Lalo akong magiging isip bata pag nakasama kita ng nakasama."

Maaga ako nakatulog that night dahil na rin sa kulang ang tulog ko the other night because of Ram's kiss. Well, sulit naman ang nine hours na tulog ko dahil kinabukasan ay nangako sa akin si Ram na isasama na ako sa falls. Hindi na nga lang kasama si Raisa dahil ihinatid na ito nung driver bago kami umalis.

Outside Ilagan na ang mga pinuntahan namin and honestly, it feels more than just a job now. First time ko mapunta sa field work and I am loving it. Might as well ask Via to send me to filed works like this from time to time.. lalo na kung may hunk na makakasama kagaya ni Ram.

"May nakakatawa ba?"

Kunot ang noo na liningon ko si Ram. We're driving back to Hacienda.

"Ha?"

"Ngumingiti ka mag isa." Kibit balikat na sabi nya.

"Ah." Bahagya akong tumalikod sa kanya dahil hindi ko mapigil ang ngiti ko. Amoy na amoy sa buong sasakyan ang amoy ng pabango nya. Napapapikit pa ako.

"Beatriz."

"Oh?" Hindi pa rin ako humaharap sa kanya.

"Nakikita kita sa salamin ng bintana."

Nilingon ko sya agad at naka ngisi sya. Ngumuso naman ako.

Tinawanan nya lang ako.

"Pwede naman maligo doon diba? Wala namang ibang tao?" Matapos namin makabalik ay nagmerienda lang kami at inaya nya na ako. Pasado alas tres pa lang at gagamitin naman namin yung silverado nya.

"Pwede. May kubo doon na pwede pagbihisan." His hands on his pockets again at kinikilig na naman ako.

Naka bukas lang ang bintana ng sasakyan habang papunta sa falls. Sa bandang likod ng main house ang daan. After ng madaming puno ng mangga at iba pang puno, may bamboo fences na may mga bahay bahay.

"Dito nakatira mga nagtatrabaho dito sa Hacienda mo?" Nakapatong sa bintana ang braso ko at feel na feel ko ang hangin na hinahangin ang buhok ko.

"Oo."

Lalo ako'ng namangha sa laki ng field na dinaanan namin. Sobrang lawak ng lupa ng Hacienda Esquillo. Ngayon ako ulit nakaramdam ng pagka hiya. Ram's so damn rich, pero hindi sya mayabang. Never ko sya narinig pinagyabang kung gaano sya kayaman.

"May tanong ako.."

"Ano?"

"Bakit nasa Cauayan ka nung nakita mo'ng bukas zipper ko tapos sa Green Valley at nagbubuhat ng sako?" Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya. Hindi ko maalis ang tingin ko sa green fields na nasa harap ko. Medyo malubak yung daan pero ayos lang naman.

"Lingguhan ako pumupunta sa Cauayan para bisitahin yung pwesto sa palengke doon. At sa Green Valley naman.. pagbubuhat na ng sako ang ehersisyo ko."

Tumawa ako. "Wow. Seryoso ka?" Hindi kasi sya ngumingiti.

"Oo. Bukod sa ibang gawain dito sa Hacienda. Hindi ko ugali na mag utos ng mag utos at tumayo na lamang habang ang mga trabahador ay napapagod."Diretso lang ang tingin nya sa daan.

Lalo ako'ng humahanga sa kanya. It's my third day here at naiisip ko pa lang na aalis na ako bukas ng hapon ay parang bigla ko'ng mami-miss na ang Isabela.. at si Ram. Nilingon ko sya ulit bago muling tumingin sa daan.

Tama ang sinabi ni Raisa. Medyo matataas ang talahib sa dinaanan namin. May mga lupa pa kasi na puro damo lang sa daanan. Siguro hindi pa nila alam ang gagawin doon.

"Malapit na tayo."

Kita ko na may tatlong kumpol ng bahay na kubo sa malapit. He stopped the car in front of one of the houses.

"Kaninong bahay to'ng mga ito?" Tanong ko habang pababa na kami.

"Dito nakatira yung mga namamahala sa mga tanim sa paligid." He locked the car at kita ko na bumukas ang mga pinto ng bahay at isa isang lumabas ang mga tao.

"Sir, ngayon ka na lang nagawi rito. Magandang hapon po." Sabi ng isang ginang. Naka duster lang sya at may kipkip na bata.

Isa isa silang lumapit kay Ram. May mag asawa, may binatilyo at may isa pang lalaki na middle aged. Halatang batak ang buto nila sa pagtatrabaho at bilad sa araw. Thinking how hard they have been working makes me feel thankful for my job.

"Magandang hapon po. Ipapakita ko lang po sana sa kasama ko yung Kubli."

Malumanay at magalang makipag usap si Ram. Hindi yata ako mauubusan ng pagka mangha sa lalaking ito. He's just so adorable. Matatanda sa kanya yung kausap nya at halatang ginagalang sya, pero ginagalang nya rin sila. I was so damn fascinated.

"Beatriz!"

"P-po?" Gulat na tanong ko. Lumapit ako sa kumpol nila. Kanina pa pala ako naka idle at nakatingin sa kanila.

"Si Beatriz ho, bisita sa Hacienda. Beatriz, sila mga namamahala rito pati na sa Kubli."

"Magandang hapon po." Magiliw na bati ko sa kanila.

"Ang puti puti nyo naman po Miss Beatriz. Ang ganda ganda." Sabi nung Ginang na may dalang bata.

"Ay, s-salamat po." Awkward na naman. Hinawakan pa ako ng bata na karga ng Ginang, tapos tumawa yung bata.

"Pasensya ka na, ngayon lang nakakita ng Dyosa ang anak ko." Sabi nya pa.

Nagtawanan sila lahat kaya natawa na rin ako.

"Hindi naman po." Nahihiyang sabi ko.

"Oh, Pitong. Dapat ganyan kaganda ang mapangasawa mo kapag pumunta ka na sa Maynila. Mukha pang mabait." Sabi ng isang matanda.

Nagkamot ng ulo yung binatilyo, marahil sya si Pitong.

"Aba'y oo nga ano? Magandang lahi magiging apo nyo, Ka Istoy." Sabi nung isa naman.

Muling nagtawanan. Halatang nahihiya si Pitong.

Tiningala ko si Ram when I heard him cleared his throat. "Mauna na po kami sa Kubli. Pakitingnan na lang po ang sasakyan." Seryosong sabi nya.

Nagulat na lang ako ng bigla nya akong hinawakan sa kamay at marahan na hinila. Hindi na ako nagkaroon ng chance makapagpaalam sa kanila. Sumunod na lang ako kay Ram.

May parang gubat kami na dinaanan, pero doon pa lang ay rinig ko na ang ragasa ng tubig. Na excite ako dahil doon. Hindi pa rin ako binibitawan ni Ram at nang maratin na namin ang bukana ng falls, bigla ko naramdaman na humigpit ang hawak nya.

Nilingon ko sya. He looked pissed.

"M-may problema ba?" Gulat na tanong ko. Nag iba kasi ang aura nya.

Liningon nya ako at tama ang hinala ko. Kahit seryoso ang mukha nya, malalaman mo pa rin na kalmado sya. But now, there's really something wrong. Marahas nya ako'ng binitawan.

"Wala."

"Ram-"

"Maligo ka na at kumuha ng litrato." Ang tanging sinabi nya at naglakad pabalik.

Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa maupo sya sa malaking ugat na naka usli ng isang puno di kalayuan. Pinuntahan ko sya. I stood in front of him.

"Galit ka ba? Anong problema?" Hindi pa rin nagbabago ang reaction nya.

"Beatriz.." Tiningala nya ako. "Maligo ka na."

Umupo ako sa harap nya at humawak sa mga tuhod nya. "Ano bang problema?"

Huminga sya ng malalim. "May naisip lang ako. Sige na, wag mo na ako intindihin."

Tumayo na lang ako at hinayaan sya. Naisip ko na dalawang gabi at tatlong araw ko pa lang syang kasama, at baka naman kahit na medyo ilang beses na akong naka tsansing ng kiss sa kanya, hindi ko pa rin sya ganoon kakilala at well, it felt surreal to be close to someone as high and wealthy as Ram.

Kahit pa nagpiflirt back sya sa akin.

Naglakad na lang ako pabalik sa harap ng falls. Tinitigan ko ang tubig. Halatang palalim na doon sa mismong tapat ng falls. Maliit lang ang circumference ng mismong pwede liguan at medyo tago nga ang lugar, kaya siguro Kubli ang tawag.

I started to undress. I was wearing my other bikini when I heard Ram came rushing into me. Nahubad ko na ang t shirt ko.

"Bakit?" Nagtataka na tanong ko.

"B-bakit ka naghuhubad? Anong ginagawa mo?" Nagpapalipat lipat ang tingin nya sa katawan ko at sa mukha ko. Kita ko rin na napalunok sya.

"Maliligo ako! Edi naghuhubad!"

Napa atras sya ng dalawang hakbang. "A-akala ko maliligo ka ng may damit.."

"Ang old school mo. Since wala naman tayo sa bahay nyo, pwede siguro ako rito mag English at mag suot ng bikini." Litanya ko sa kanya.

Gusto kong matawa. Ram's so obvious that she's checking me out.

"Ram." Tawag ko.

Inangat nya ang tingin nya sa mukha ko. Naka awang ang labi nya. "B-bakit?"

"Maligo ka na rin. Tara." I bit my lower lip and started to unbutton my capri pants.

Napalunok lang sya. He was just standing there, looking at me habang hinuhubad ko ang capri pants ko. Pinagsama ko sila ng tshirt ko at lumapit sa kanya. Napa atras pa sya ng dalawang hakbang ulit nang abutin ko ang tshirt nya. I clutched the soft fabric into my hand at tumingala sa kanta.

"Tara na."

"I-ikaw na lang." Umiwas sya ng tingin.

"Tara na kasi. Ang arte mo naman eh." Inangat ko ang laylayan ng damit nya at automatic naman na tumaas ang mga kamay nya. Successful ko na nahubad ang tshirt nya at agad na dumapo sa tight abs nya ang tingin ko.

"Beatriz.." Mahinang tawag nya. There was a warning in his voice but I chose to ignore it.

I was smiling nang tingalain ko sya. Unti unting nawala ang ngiti ko nang makita ko ang lamlam ng tingin nya sa akin. His eyes are full of lust, sure na sure ako roon. Ako naman ang napalunok. Ngayon ko narealize na naglalaro ako ng apoy. Para ako'ng binuhusan ng malamig na tubig.

Inangat ko na ang kamay ko na may hawak ng tshirt nya para sana iabot pabalik sa kanya nang mabilis nya akong hinapit sa bewang. Bago ko pa malaman ay magkalapat na ang mga labi namin. Unti unti na akong napapikit nang dumaloy na ang pamilyar na kuryente na katawan ko.

Ramdam ko ang gigil nya sa paraan ng paghalik nya. I kissed him back as he squeezed my waist and pulled me closer. Inilagay ko na ang mga braso ko sa balikat nya and pulled him closer too.

Ramdam na ramam ko ang init ng katawan namin. I am almost naked with my gray bikinis and he's half naked. His tongue was teasing me, filling me in.

Nagpakawala ako ng ungol.

I really have the hots for this guy. He's so damn perfect in every way imaginable. And I kissed him a lot! Talk about luck.

Naghiwalay kami na kapwa humihingal. He was still holding me, pero magkalayo na ang katawan namin. Our chests heaving from the heavy kissing that made us breatheless.

magkatitigan kami at walang nagsasalita. I bit my lower lip dahil pakiramdam ko ay nasa labi ko pa rin ang mga labi nya. I can still feel and taste him kahit na magkatitigan na kami ngayon. I caressed his face, pero hinuli nya ang kamay ko at inilayo sa mukha nya.

"Now I really need to splash." Anas nya bago ako binitawan at umalis.

Ilang segundo pa akong nag idle bago ko na realize na nagsalita sya in English at kasabay noon ay ang pag splash ng katawan nya sa malinaw na tubig.

Natawa ako at mabilis rin na tumalon sa tubig.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height