C11 Kabanata 11.
ELIHA
Nang imulat ko ang mga mata ko ay katabi ko si Keegan habang tulog. Nang tumingin ako sa bintana ay nakita ko si Pluma na nakasilip.
Kaagad kong binuksan ang bintana. "Ano ang ginagawa mo rito?"
Gumalaw lamang ang buntot niya.
"Hintayin mo ako." Dumiretso ako sa banyo para maligo at para magbihis.
Nang matapos ako ay nandoon pa rin si Pluma habang naghihintay sa akin
