C16 CHAPTER 16: MEANING BEHIND OUR NAME
"Wait, nakita ko pala kayo kanina. Nakipag bardagulan ka na naman kay Kuya, at tsaka... nalaman ko rin 'yong sinabi mo tungkol saakin"
Nagulat naman siya sa sinabi ko.
"Uh... wala 'yon ha, inaasar ko lang siya. Kasi, parang ewan siya... lagi ka nalang inaasar kaya 'yon. B-basta wala lang talaga 'yon,"
Pakunwari naman akong napangiti sa paliwanag niya