C18 CHAPTER 18: Confused
Sa paglipas ng oras, naging madaling araw na at napagpasyahan na naming umuwi. Tahimik kaming nag-ayos ng aming mga gamit para ilagay sa van. Habang ginagawa ito, napansin kong hindi kami nagpapansinan ni Orion. Bawat kilos niya ay ibang-iba, parang lumayo siya sa akin.
Isang malalim na buntong-hininga ang aking inilabas. Hindi ko alam kung paano haharapin ang sitwasyon na ito
