C14 Chapter 13
Kumalat na ang sinag ng araw nang magising siya at maghanda para sa araw na 'yon. Isang bestidang kulay puti, isang kayumangging summer hat, at boots na may takong ang isinuot niya. Malapad ang ngiti niya habang bumababa sa grand spiral staircase.
Limang araw na rin matapos i-confine sa hospital sina Dalya at Pedro. Kahapon ay nakauwi na ang dalawa at tumutulong na sa gawaing bahay. Sa katunayan