C34 Chapter 31
Kinabukasan, pumasok siya sa Unibersidad. Nakakapanibago nga. Hindi siya sanay na pumasok sa UDM campus gate sa regular school day. Namulatan niya kasi sa halos dalawang taon na sa dormitoryo magbihis ng uniporme.
Pero, hindi na masama. At least, hindi sila magtatagpo ng maaga ni Sheena. Hindi nga lang siya sigurado na walang Sheena na mararatnan sa College of Engineering
