C43 Chapter 39-A
It was an awkward morning. Pagmulat niya kasi ay kulay abo ang kisame ng kuwarto. May malapad na study table sa gilid, may abuhing aparador, at may nakatayo sa paanan ng kama. Nakahalukipkip at seryosong nakatingin sa kaniya. Si Gideon. Napakurap siya.
Mabilis siyang nagtalukbong pero may humila sa kumot kaya nawala ang nakatabon sa kaniya. Pikit-mata siyang umupo saka ngumuso
