C60 Chapter 47
"Angela," tawag ni Gideon.
Umismid si Jewel at humalukipkip. Biglang nawala ang gutom niya. Ang gusto niya lang gawin ngayon ay lumabas ng bahay. Hindi niya masikmurang kumain kasama ang babaeng kaharap niya.
Umikhim siya. "Lalabas ako. I'm not hungry pala." Saka tumalikod at tinungo ang main door.
Tahimik siyang lumabas ng pinto at nagtungo sa hardin na napansin niya kanina