Mr. CEO is my Secret Husband/C14 Chapter 14 The Sweetiest Morning
+ Add to Library
Mr. CEO is my Secret Husband/C14 Chapter 14 The Sweetiest Morning
+ Add to Library

C14 Chapter 14 The Sweetiest Morning

" Rest for now my wife , sleep well and dream of me. " bulong nito sa akin at muli akong hinalikan sa noo at pagkatapos ay niyakap ako ng mahigpit. Pumikit akong may ngiti sa aking mga labi at gumanti ng mahigpit na yakap dito.

Nagising ako kinabukasan na mag isa na lamang sa higaan. Napatingin ako sa orasan na nasa gilid at nakitang alas sais na ng umaga. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nandito sa loob ng kanyang kwarto. Napaupo ako sa kama at napansin na may suot na akong white shirt at boxer short na siguradong pagmamay ari ni Shai Napangiti ako at bumangon na sa higaan. Niligpit ko muna ang kumot at nakita ang pulang mantsa ng dugo tanda ng pagsuko ko ng aking pagkababae dito. Dumiretso ako sa banyo at doon ay nagtoothbrush ako. Naligo na rin ako at maghahanap na lamang muli ng damit ni Shai para may maisuot pagkatapos.

Kasalukuyan akong nagsusuklay ng aking mahabang buhok ng bumukas ang pintuan at pumasok ang nakangiting si Shai. May bitbit itong supot na may tatak ng isang sikat na fast food chain. Nagutom ako bigla ng maamoy ang dala nitong kape.

" Good morning my wife, " bati nito sa akin. Inilapag lang nito ang mga dala sa maliit na table bago ito lumapit sa akin. Naramdaman ko ang pagyakap nito buhat sa aking likuran. Hinawi nito ang aking buhok at inamoy ang aking batok. " hhmmm " ungol nito at bahagya pang kinagat ang aking balat.

" Shai !" Saway ko dito. " nakikiliti ako dyan "

" oh really.?" At muli ako nitong hinalikan sa batok ko. Napatawa ako ng mahina ng maramdaman ang hininga nito doon

" Tama na please, nakikiliti ako . Kumain na lang tayo, nagugutom na ako eh " sabi ko dito. Naglakad ito ng dahan dahan habang nakayakap pa rin sa aking likuran. Umupo ito at hinila ako dahilan para mapaupo din ako sa kandungan nito

" ayyyy.. ano ka ba shai, paano tayo kakain nito? " tanong ko dito habang nakayapos sa batok nito ang dalawa kong braso.hindi ko alam kung bakit nag iba ang pakikitungo nito sa akin. Akala ko mahihirapan akong akitin ang asawa ko pero sa nangyayari ay ako ang inaakit nito.

" Parang iba ang gusto kong almusal my wife " bulong nito sa akin sabay kagat sa aking tainga. Napapikit ako, hindi ba ito napapagod, hindi ko na nga alam kung nakakain kami kahapon at kagabi tapos ito na naman sya.

" Shai, gutom na talaga ako. " wika ko dito. Naramdaman kong lumuwag ang yakap nito sa akin at inabot ang nakasupot na pagkain. Tinulungan ko ito at nagsimula na kaming kumain. Madalas ako nitong subuan at kahit sa pag inum ng kape ay nakaalalay ito. Ano kayang nakain nito at napakalambing naman ngayon.

Hindi na ako nito pinayagan pumasok pa ng araw na yun. Pagkatapos kumain ng almusal ay nagpahinga lang kami saglit at nagyaya na itong umuwi sa mansyon. Kung panaginip lang ang lahat ng ito sana hindi muna ako magising pa. Ang tagal kong hinintay ang ganitong pagkakataon na maging maayos kami at gagawin ko ang lahat upang hindi kami umabot sa annulment na gusto nito

Isang linggo akong hindi pinapasok nito, gustuhin ko man ay wala na akong nagawa. Gumigising na lang ako ng maaga para ako na ang maghanda ng mga isusuot nito at pagkain nito. Madalas narin itong pumunta sa aking kwarto at minsan pa nga ay nagmo movie marathon lang kami lalo na kung wala itong pasok kinabukasan.

Kasalukuyan akong nagluluto ng babaunin ni Shai ng puntahan ako ni Yaya lourdes sa kusina. Napalingon ako dito at nakangiti itong lumapit sa akin.

" Almusal na ba yan ni Shai iha?" Tanong nito sa akin.

" Opo yaya, dinagdagan ko narin para may baunin sya sa trabaho. " nakangiti kong sagot dito.

" Natutuwa ako at maayos na ang pagsasama nyo ni Shai. Hangga't kaya ninyo, gawin nyo ang lahat upang hindi kayo maghiwalay. Mabait na bata kayong pareho at alam kong magiging masaya kayo lalo kung magkakaroon na ng mga makukulit na bata dito. "

" Sana nga po yaya. " wika ko dito. Kasalukuyan kong inihahanda ang baon ni Shai ng makita namin tong papasok sa komedor.

"Gising ka na pala Shai, o sya, maiwan ko na kayo dyan " wika nito sa amin at dumiretso na ito ng labas at naiwan kaming dalawa sa loob. Nagulat na lamang ako ng bigla akong yakapin ni Shai buhat sa likod at pagkatapos ay hinawi ang aking buhok at humalik sa aking batok. Agad na nag tayuan ang lahat ng balahibo sa aking katawan dulot ng mainit nitong hininga na tumatama sa aking balat. Sobrang bilis ng tibok ng aking puso at bahagya pa akong napanganga sa ginawa nito.

" Sh- shai..., amoy pawis na ako." Halos pabulong kong wika dito..

" hhmm? " patuloy ito sa paghalik sa aking batok at umabot pa sa aking balikat.

" Ba-baka may dumating " pigil ko dito kahit na malapit na rin akong madala sa ginagawa nito. " may pasok ka pa baka ma-late ka. "

" Dito na lang ako, bukas na ako papasok " wika pa nito at bahagya pang kinagat ang aking tainga. Ano ba naman ito, nasobrahan naman yata sa lambing.

" Hindi pwede, sige na, maupo ka na dyan. Ikukuha lang kita ng pagkain mo " sabi ko dito. Parang bata itong sumunod at umupo na. Halos subuan ko na ito, ngayon ko lang nalaman na napaka clingy pala nitong lalaking ito. Pagkatapos kumain ay sinamahan ko pa ito sa kanyang kwarto . Ako narin ang nagbihis dito ng polo nito at halos pilitin ko pa ito na lumabas ng kwarto nito para pumasok sa trabaho.

" Hintayin mo ako mamayang dinner, sabay tayong kumain hah. Uuwi akong maaga mamaya. " wika nito sa akin at pinulupot na naman ang mga braso sa aking baywang. Wala na itong pakialam sa mga kasama sa bahay. At oo, alam na sa buong mansion na mag asawa kami kaya ang loko, kahit saang parte ng bahay ay naglalambing.

" Opo, sige na , sumakay ka na ng kotse. Late ka na talaga. Mag ingat ka hah. " at nauna na akong humalik dito sa pisngi pero hindi ito nagpatalo at agad akong siniil ng halik sa aking labi. Matagal, at kung hindi pa kami parehong kinapos ng hangin ay hindi nito ako titigilan.

Humalik pa ito sa aking buhok bago sumakay ng kanyang kotse " my wife .. " tawag nito sa akin. Pagtingin ko dito ay agad ako nitong kinindatan na ikinakilig ko ng husto. Dyos Ko, kapag ganito kami araw araw , dadami ang mga langgam dito sa bahay. Nakangiti akong kumaway dito hanggang tuluyan na itong makaalis.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height