Mr. CEO is my Secret Husband/C19 Chapter 19 The Unexpected Visitor
+ Add to Library
Mr. CEO is my Secret Husband/C19 Chapter 19 The Unexpected Visitor
+ Add to Library

C19 Chapter 19 The Unexpected Visitor

" Ano ba talaga ang nangyari iha, bigla na lamang tumawag si Shai kaninang tanghali. Nagulat pa nga ako nung sabihin niya na sunduin daw kita dito. Akala ko pa naman ay sabay kayong kakain ng tanghalian. " mahabang usisa sa akin ni Yaya lourdes pagbalik namin ng mansion. Kasalukuyan na akong nasa kwarto naming mag asawa at nakaupo sa kama.

" Maghahatid lang po sana ako ng tanghalian kay Shai at para sabay na rin kami kumain, pero bigla pong dumating si Charlotte. " paliwanag ko kay yaya. Bigla itong napahawak sa aking braso dahil sa narinig.

" Si Charlotte ? Hindi ba at nasa Paris siya at matagal na rin silang hiwalay ni Shai. Bakit, anong nangyari?" Naguguluhan ding tanong sa akin nito.

" Hindi ko rin po alam. Kahit naman po si Shai nagulat din sa pagdating ni Charlotte. Hindi ko po alam kung anong mangyayari." Sagot ko pa dito.

" Nag usap na ba kayo ni Shai kanina?" Tanong nito sa akin. Umiling lamang ako sa tanong nito.

Narinig ko ang malakas na buntong hininga ni Yaya " pag usapan nyo ng maayos yan. At wag mo masyadong pakaisipin, baka kung mapaano pa ang baby mo sa tiyan." Pag aalo sa akin ni yaya.

" Natatakot po ako Yaya" wika ko dito.

" Aba,ay bakit ka naman matatakot iha? Legal ang kasal ninyo ni Shai. At sinabi na rin ng asawa mo na mahal ka niya at hindi niya kayo iiwan. Magtiwala ka lang iha sa iyong asawa. Oh sya, lalabas na muna ako. Magpahinga ka at matulog. " bilin sa akin ni Yaya. Humiga na ako at inayos pa nito ang aking kumot bago tuluyang lumabas ng aming kwarto.

Naalimpungatan lamang ako ng maramdaman ko ang mga brasong nakapulupot sa aking baywang at ang mainit na hininga na tumatama sa aking leeg. Dahan dahan akong nagmulat ng aking mga mata at nasilayan ko ang mukha ng aking asawa na mahimbing na natutulog sa aking tabi. Maingat kong hinaplos ang kanyang mukha at dinampian ng halik ang kanyang noo.

" I love You hubby. Mahal ko kayo ng anak natin " bulong ko dito at muling ipinikit ang aking mga mata.

Mahimbing ang naging pagtulog ko at nagising lamang ako ng maramdaman ko ang mga mumunting halik sa aking mukha.

" Good Morning my wife." Malambing na bati sa akin ni Shai at siniil ako nito ng halik sa aking labi.

" Ano ka ba naman, kakagising ko lang. Hindi pa ako nakapag toothbrush." Reklamo ko dito. Napatawa lamang ito at muling isiniksik ang mukha sa aking leeg.

" You still taste so sweet, my wife. How was your sleep? " paglalambing nito sa akin habang nakalapat ang isang palad nito sa aking impis pang tiyan.

" I'm ok. Hindi na kita nahintay na dumating kagabi. Napasarap yata ang tulog ko. " nakangiti kong wika dito. Muli ako nitong hinalikan sa aking pisngi bago nagsalita.

" Mahimbing ang tulog mo kagabi kaya hindi na kita ginising. How about our baby? Tanong nito na ang tinutukoy ay ang aking tiyan.

Napatawa ako sa tanong nito " i'm ok daddy " biro ko ding sagot dito.

At hindi pa muna kami bumangon sa higaan at nagkwentuhan pa kami hanggang makaramdam kaming pareho ng gutom.

Nauna nang bumaba si Shai dahil gusto nitong siya ang maghahanda ng kakainin namin. Nagyayaya din itong mag movie marathon mamaya pagkatapos kumain. Naalala ko na araw pala ngayon ng sabado kaya wala itong opisina ngayon. Sana nga ay palaging ganito ang pagsasama namin. Masaya at maayos. Sana ay wala nang problema pa ang dumating.

Ngunit talagang hindi matatapos ang araw na hindi darating ang problema.

Alas singko na nang hapon at kasalukuyan kaming nanonood ng movie ng makatanggap ng tawag si Shai. Habang nakayakap sa akin ay sinagot nito ang tawag sa cellphone nito.

" Hello ?" Tanong nito habang nakatutok pa rin ang mga mata nito sa pinapanuod.

Habang ang mga kamay nito ay nakayakap sa akin.

" Babe, I'm on my way. Andyan ka ba sa mansion? Dyan na lang ako kakain ng dinner, namimiss ko na rin ang luto ni Yaya eh. Wait for me ok, bye. " at naputol na ang tawag nito. Nakita kong natigilan si Shai at tumingin pa sa akin.

" She's on the way here, my wife." Wika nito sa akin.

Agad akong napayuko at hindi ko alam ang sasabihin. Ano ba ang dapat kong gawin? Magtatago ba ako? Aalis kaya ? Mga katanungan ko sa aking isip.

" I'm sorry, hindi ko parin nasasabi sa kanya na we're married at magkaka baby na tayo. Please give me some time. I hope you understand my wife. " mahabang wika nito sa akin. Nanatili akong nakayuko at hindi ko alam ang aking sasabihin. " please look at me." Sabi pa rin nito at hinawakan na ang aking baba upang iangat at magpantay ang aming mga mata.

" Saan ako pupunta ?" Wala sa sarili na tanong ko dito. Mahigpit ako nitong niyakap at mariin na hinalikan.

" Just stay here, ok ? Dito ka lang, kakausapin ko narin si Charlotte about us. Don't think too much,hmm?" Tumango lamang ako sa sinabi nito. Parang bigla akong nanghina dahil sa biglang pagpunta dito ni Charlotte.

" Baka pumasok siya dito." Halos pabulong ko ng sabi dito na ikinalingon ni Shai sa akin.

Umiling ito sa akin " no, i will not allow her to go inside our room. Bababa na ako hah, papadalhan na lamang kita ng pagkain kay Yaya,ok?" sabi nito at muli ako nitong hinalikan.

Paglabas ni Shai ng aming kwarto ay siyang pagdating ng sasakyan ni Charlotte. Agad akong tumayo at sumilip sa bintana. Nakita kong bumaba si Charlotte sa sasakyan nito at nakangiting naglakad palapit sa pintuan. Napaka sexy nito sa suot nitong mini red dress na umabot lamang hanggang kalahati ng hita nito. Spaghetti strap ito at litaw na litaw ang mayaman nitong dibdib. Muli kong isinara ang kurtina at naglakad pabalik sa aming kama. Napabuntong hininga ako at nagpasya na lamang na humiga upang makatulog na lamang.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height