Mr. CEO is my Secret Husband/C34 Chapter 34 The Moment of Truth
+ Add to Library
Mr. CEO is my Secret Husband/C34 Chapter 34 The Moment of Truth
+ Add to Library

C34 Chapter 34 The Moment of Truth

Malungkot na tumingin sa akin si Shai bago nagsalita.

" May bf ka ? May iba ka nang mahal?" Tanong nito na nakapag paisip sa akin. Sa loob ng pitong taon ay iyon ang itinatak ko sa aking isip at puso. Hindi ko na mahal si Shai, ngunit kanina ng nagkalapit kaming dalawa ay hindi ko napigilang umasa na sana dumating ang panahon na pwede pa kaming dalawa.

" Mahal ko ang bf ko at ayokong mag away lang kami dahil sayo. " seryosong wika ko dito.

" Alam ba niyang kasal ka na at may asawa?" Tanong pa nito.

" Oo, at tanggap niya kung ano ako." kailangan kong ipakita at iparamdam dito na hindi na siya ang mahal ko. Maya maya pa ay narinig ko ang mahaba nitong buntong hininga. Malaya ko itong napagmasdan habang nakayuko ito. Bigla ko itong namiss yakapin at halikan. Kung hindi nga lamang triple ang sakit na ibinigay nito sa akin, malamang ay napatawad ko na ito. Pero hindi, dahil kong may natitira man akong pagmamahal pa dito, mas malaki ang itinanim kong galit para dito. Dahan dahan itong sumandal at tumingin sa akin.

" Please, let me explain. At pagkatapos ay hindi na kita guguluhin pa." Mahinang pakiusap nito na halos hindi ko na marinig. Umupo ako sa katapat na upuan nito.

" Ok, pero sana pagkatapos nito, wag ka na ulit magpapakita pa sa akin. Tapos na tayong dalawa. " matigas kong wika dito.

" I'm sorry " panimula nito." patawarin mo ako na sinaktan kita. Patawarin mo ako na hindi ko kayo naalagaan mag ina. Ako man hanggang ngayon ay hindi ko mapatawad ang aking sarili. Totoo ang sinabi ko sayo na naghiwalay na kami ni Charlotte nung huli ko siyang pinuntahan sa Paris. Kaya maging ako man ay nagulat nang bigla siyang umuwi na parang walang nangyari. Sinabi ko dito na tapos na kami at wag na akong guluhin pa dahil may iba na akong mahal pero nagalit siya. Sinabi niyang guguluhin ang pagsasama natin lalo na ang buhay mo. Natakot ako hindi para sa sarili ko kundi para sayo. Ang sabi niya ay sandali lamang siya dito at aalis na rin ngunit maging ako man ay niloko nito. Wala akong alam sa mga plano nito. Huli ko lang nalaman na pinuntahan ka pala niya sa mansion at pinagsalitaan ng masama. Nalaman pala niyang mag asawa tayo. At yun ang ginamit niya para i black mail ako. Nagtangka siyang magpakamatay nung gabi na hindi ako nakauwi." Saglit itong huminto at tumingin sa akin. Napayuko ako dahil hindi ko kayang salubungin ang mga titig nito sa akin.

" gusto niyang ipa annual ko ang kasal natin pero hindi ako pumayag." Sabi pa nito na ikinatingin ko dito. " hindi ako pumayag na masira ang tanging bagay na nag uugnay sa ating dalawa." Isang taon pagkatapos mong mawala ay lumapit sa akin si Charlotte at humingi ng tawad. Hindi ako ang ama ng ipinagbubuntis niya kundi sa isa naming kaibigan. At dun ko lang din nalaman na nagplano pala siyang patayin ka ngunit nakalimutan niya na buntis ka ng panahon na iyon. " napayuko ako at muli kong naalala nung mga panahon na malaman kong nawala na ang anak ko. Hindi ko mapigilan na mapahikbi. Naramdaman kong tumabi ng upo sa akin si Shai at hinawakan ang dalawa kong kamay.

" Patawarin mo ako sa lahat ng nagawa kong kasalanan sayo. Hinanap kita ng bigla kang nawala. Ang sabi ni Yaya ay pupuntahan mo daw ako sa opisina dahil yun daw ang sabi ko, pero hindi. May meeting ako ng oras na iyon at hindi ko alam na ganun na pala ang nangyayari. Inamin din sa akin ni Charlotte na tumawag ka daw at humihingi ng tulong at pinalabas niya na sa condo niya ako natulog. Im so sorry my wife. Hindi ko alam na ganun na pala ang ginawa sayo ni Charlotte. Hinanap kita kung saan saan pero hindi na kita nakita pa. " masuyo nitong hinawakan ang aking mukha at pinalis ang mga luha na walang tigil sa pag agos sa aking pisngi. Niyakap niya ako ng mahigpit at bumulong sa aking kanang taynga " Im so sorry. Mahal na mahal pa rin kita my wife, please come back to me."

Kumawala ako sa yakap nito at tiningnan ito sa kanyang mga mata " hindi ko alam kung kaya kong ibigay ang hinihingi mong kapatawaran sa akin. Nung maaksidente ako, wala akong kalaban laban. Hindi ako natakot para sa sarili ko kundi para sa anak natin. Kahit na anong gawin kong pagmamakaawa sa kumuha sa akin, naging matigas siya at sinabing sinusunod lamang niya ang utos ng boss niya na hindi ko alam kung sino. Nung mahulog ako sa bangin nawalan na ako ng pag asa na mabubuhay pa. Pero mabait pa rin ang dyos, binuhay nya ako, pero hindi ang anak natin." Tumigil ako sa pagsasalita dahil halos hindi na ako makahinga sa sobrang pag iyak.

" Na comatose ako ng anim na buwan at nang magkamalay ay wala na ang anak natin sa aking sinapupunan. Ang sakit Shai, bakit kailangan kunin siya sa akin. Halos hindi ko matanggap ang lahat. Muntik na akong sumuko. Isang taon akong nagpagaling ng aking mga paa at sugat sa buo kong katawan pero ang sugat ng pagkawala ng aking anak ay kailan man hinding hindi na mawawala pa dito. " turo ko sa aking kaliwang dibdib. Nasapo ko ang mukha ko at muli ay hindi ko napigilan pa ang mapahagulhol ng malakas.

" Ang sakit Shai, hanggang ngayon hindi ko matanggap na wala na ang anak natin." Muli akong tumingin dito bago nagsalita " kaya kung sasabihin mo na ibigay ko ang kapatawaran na hinihingi mo, pasensya na pero sa ngayon ay hindi ko kayang ibigay yun sayo. " seryoso kong wika dito.

Malungkot itong tumingin sa akin at nakita ko ang luha nito na nalaglag buhat sa kanyang mga mata " patawarin mo ako, patawarin mo ako na hindi ko kayo natulungan nang anak natin. Sa lahat ng mga napag daanan mo, hindi na ako umaasa na mapapatawad mo pa ako. Pero sana, dumating ang araw na maibigay mo yun sa akin. " tumayo na ito mula sa pagkakaupo at lumapit sa may pintuan. Muli itong humarap sa akin " mahal na mahal kita Ruth, my wife. " at tuluyan na itong lumabas ng pinto at pagkatapos ay sinaraduhan din.

Pag alis nito ay hindi ko na napigilan pang umiyak ng umiyak. Ang bigat sa dibdib, sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Alam ko na mahal ko pa rin si Shai, pero sa tuwing naiisip ko ang anak ko, natatabunan ang pagmamahal ko ng galit para dito.

Report
Share
Comments
|
New chapter is coming soon
+ Add to Library

Write a Review

Write a Review
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height