C1 PROLOGUE
ALTAIR MEDICAL INSTITUTE
"Get her on the table. Now," utos ni Dr. Falcon, matalim at direkta. Hindi siya tinatablan ng kaba, pero ramdam ang bigat ng sitwasyon.
Mabilis nilang inilipat ang pasyente sa operating table, at agad nilang kinabit ang mga monitor at IV lines. Ang dugo patuloy na umaagos, ang sugat sa kan'yang katawan ay nagbigay ng isang malupit na kwento na hindi nasabi.
"BP's critical, heart rate's dropping fast," sabi ng isang nurse.
Hindi man lang tumingin sa mga monitors ang doctor. Ang mga mata niya ay nakatutok kay sa pasyente— na hindi alam kung paano siya napunta sa ganitong sitwasyon. "Flatline," sabi ng nurse, at ang tunog na iyon ay parang isang pader na tumama sa buong kwarto.
BEEP. BEEP. BEEP. Flatline.
"Start compressions!" utos ni Dr. Falcon, agad na nagsimulang mag-CPR sa katawan ng pasyente. Malakas, mabilis—walang ibang opsyon kundi buhayin siya.
"Get me the defibrillator. Now."
Isang nurse ang mabilis na nagdala ng defibrillator. Kinuha ni Dr. Falcon ang paddles at inilapat ito sa katawan ng pasyenta.
"Charging to 200. Clear."
Napa-atras ang buong team, at ang buong kwarto ay naging tahimik. Ang katawan ng pasyente ay hindi gumagalaw, at ang mga makina lang ang ang siyang nagsasalita.
THWUMP.
Gumalaw ang katawan ni Kade, ngunit walang pagbabago sa mga monitor.
"Still, no rhythm. No response," sabi ng nurse, at ramdam ang kaba sa tono ng kan'yang boses.
Humigpit ang panga ng doctor. "Charge to 300. We're not letting her go."
Isa pang shock. Ang buong kwarto ay tahimik, tanging ang tunog ng mga machines ang naririnig.
"Clear!"
THWUMP.
Isa pang saglit ng katahimikan. Tapos—
Beep... beep... beep...
Bumalik ang heartbeat. Mahina, ngunit buhay pa.
"She's back," sabi ng nurse, ang tono ay puno ng pag-asa. "Sinus rhythm's holding."
FEW HOURS LATER
Tahimik ang kwarto ngayon. Ang mga makina lang ang maririnig—regular na beep mula sa heart monitor, mahihinang tunog ng oxygen at IV drips. Ang kaninang pasyenye ay naka-intubate, nakaratay sa kama, mukha pa ring maputla at mahina, pero buhay.
Nakatayo sa paanan ng kama si Dr. Falcon, tahimik na pinag-aaralan ang pasyente.
"Still, unconscious," sabi ng nurse na nag-aadjust ng IV. "Pero stable na po ang vitals, Doc."
Tumango lang si Dr. Falcon. Hindi siya makatingin sa nurse—hindi pa rin siya mapalagay. Habang pinagmamasdan ang pasyente, mas lalo niyang nararamdaman na may mali.
"May problema ho ba, Doc?" Tanong ng nurse sa kan'ya.
"Iyan din ang gusto kong malaman." Sagot ng Doctor. "She has no ID, no record, no nothing. Someone has to be missing this patient."
Pareho silang natigilan sa tatlong beses na katok sa pintuan. Hindi man lang 'yon tinapunan ng tingin ng Doctor, nasa pasyente lang ang kabuuan ng kan'yang atensyon.
"Doc, there are people outside. Gusto ka raw po nila kausapin, regarding the Jane Doe that was bought in hours ago."
Ang tinutukoy ay ang pasyenteng tinitignan ng Doctor. Tumango lang ang Doctor. "Susunod ako." Sagot niya.
Isang malalim na buntong hininga muna ang kan'yang pinakawalan bago maisipang lumabas sa kwarto kung saan nakahimlay ang pasyenteng walang pagkakakilanlan.
Hinarap ng Doctor ang tatlong taong nag-aantay sa kan'ya sa labas ng kwartong pinanggalingan niya. Puno ng pag-asa ang mata ng mga taong ito–
"Dr. Falcon," bati ng isa.
"How may I help you?" Tanong ng Doctor.
"Will you be able to identify if the girl inside that door– is the same girl in this picture?" Tanong ng isa. Nilabas nito ang isang litrato mula sa folder na hawak niyang may markang confidential. Nakatatak sa itaas– FEDERAL BUREAU OF INVESTIGATION - UNDERCOVER OPERATIVE.
Dahan-dahang ibinaba ng Doctor ang kan'yang paningin, mula sa mata ng kan'yang kaharap pababa sa hawak nitong litrato. Bumuntong hininga ang Doctor, sa wakas magkakaroon na ng pagkakakilanlan ang babae. Sabi ng Doctor sa isip niya.
Tumango ito sa kanila.
"Are you sure?" Paninigurado ng isa sa kanila.
"She's beaten up pretty bad, but despite her wounds, I'm certain that she's the one inside that room." Turo ng Doctor sa picture at sa pintuan ng kwarto.
Nakahinga ng maluwag ang tatlong kaharap niya, natuwa sa balitang nalaman nila. Agad silang nagpasalamat sa Doctor at nag tanong p'wede nilang makita nga pasyente na agad namang pinayagan ng Doctor.
"She almost died. Whoever did this... wasn't trying to scare her. They wanted her gone." Sambit ng Doctor makapasok sa kwarto.
Napuno ng pag-aalala ang mata ng tatlong taong kasama ng Doctor. Halos maiyak sila sa nakitang kalagayan ng babae.
"How–" hindi matuloy-tuloy ng lalaki ang kan'yang tanong dahil kada ibubuka niya ang kan'yang bibig ay nasasamid siya sa sariling laway kakapigil ng kan'yang luha. "H-how close was she– on dying?"
Bumuntong hininga ang Doctor. "She flatlined for a whole minute, nearly two."
At doon rumagasa ang luha na kanina pa nila pinipigilan.
"She did not deserve this."
All Rights Reserved.
Dreeaam_Catcher