C3 2
1 WEEK AFTER
"Alam mo, bagay na bagay sa 'yo maging barista."
Nagugulat siyang lumingon sa akin. Nanlalaki ang mga mata at bahagyang nakabukas ang bunganga. Lumapit ako sa kan'ya at nakangiting hinawakan ang panga niya at bahagyang tinulak pataas para isara ang bibig niya.
"Close your mouth. May tinitimpla kang kape, hindi ikakasaya ng customers mo kung mag se-serve ka sa kanila ng contaminated coffee." Natatawang pang-aasar ko sa kan'ya.
Nang ma-realize niyang andito talaga ako ay lumawak ang ngiti sa kan'yang mukha "OMGGG!!!" Sobrang tuwa na tili niya at tatalon-talong yumakap sa akin. Agad kong niyakap siya pabalik, hinawakan ang kan'yang likod para alalaayan siya sa pag talon-talon niya.
"Kalma, girl. Ako lang 'to."
"Yeaahh, rightttt! I can't believe you're here!" Masiglang bati niya sa akin. Kumawala siya sa yakap at mahigpit na hiniwakan ako sa magkabilang braso– sobra sobra ang tuwa sa kan'yang mukha. "You're real, right?" Hindi makapaniwalang tanong niya at bahagya akong pinipilig pilig.
I scoffed at her at tinapik ang dalawang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa braso ko. "Syempre, totoo ako. Andito nga ako e'."
"Sa ilang buwan ka ba namang hindi nagpakita e'!" Nakangusong reklamo niya sa akin.
I pat her head at nginisian siya. "Huwag ka na magpa-cute riyan, come sit with me." Aya ko sa kan'ya at nauna na sa table na pina-reserve ko kanina. Nang maka-upo ako ay saglit lang no'n tsaka siya sumunod sa upuang nasa harap ko.
She's much calmer now.
"Na-miss kita grabe" Pauna niya habang nakatitig sa akin. Naningkit ang mata niya nang makitang may galos ako sa mukha. "Ano 'yan?" Mataray na tanong niya.
Ambilis talaga magbago mood ng babaitang 'to.
Iniwas ko ang mukha ko habang nakatungo. "Wala 'yan" Maikling sagot ko.
Narinig ko ang marahas niyang pagsinghot at pagbuga ng hangin. Tinaas ko ang tingin sa kan'ya at nakita ang nakabusangot niyang mukha. Nagpigil ako ng ngiti– dahil alam kong pag nakita niyang ngumiti ako ay lalo lang siyang sasabog sa galit.
"Ano? Nagpaka-bayani ka na naman. Nag-ala super woman ka na naman na magpatumba ng mamamatay tao– mag-isa? Sige, sabihin mong mali ako!" Pangangaral niya sa akin.
Brea, she is my childhood friend. Mula bata pa lang ay pangarap na niya magpatayo ng coffee shop– bakery ang una, to be honest. At ngayon ay nagmamay-ari na siya ng isang coffee shop na may iba't ibang branch nationwide. She's pretty successful now.
But she's always reluctant about my choice of work. Sometimes she's proud, sometimes she's against it. At galit siya sa akin dahil sa parehong rason na 'yan.
"Come on, Perse! Hindi na tayo bumabata. Wouldn't it be nice to have some fun for a little while?"
"Nag-e-enjoy naman ako sa trabaho ko" Kibit balikat na sagot ko sa kan'ya at sumipsip sa kape na inorder ko kanina.
"Hindi naman 'yan ang ibig kong sabihin e'. Look at you! You're turning twenty three, you deserve a normal life." She's persistent. Napabuntong hininga ako, kada nagkikita kami ay hindi talaga mawawala sa usapan naming paalisin ako sa trabaho ko.
"Normal naman ang buhay ko ah"
She scoffed at me, "Pfft. If you call your life surrounded by monsters and mutilated bodies– normal!" puno ng sarkasmong singhal niya sa akin. "Ugh– Perse! A quiet life, na walang iniisip na kahit ano? S'yempre, may nobyong nag-aalaga sa 'yo. Ayaw mo ba no'n?"
Napangiwi ako sa tanong niya. My job is to deal with sick people who kill others– the most brutal way possible, and most of them are men who targets woman. I mean– no thanks, I'm pretty sure I can handle myself.
"Masaya na ako sa trabaho ko, thank you" Nakangiwing ko sa kan'ya. Binalik niya sa akin ang pagkakangiwi ko tsaka siya umiling-iling.
Marahas siyang bumuntong hininga at umiiling-iling pa ring inabot ang kape niya at sumimsim dito. Napailing na lang ako sa kan'ya at bahagyang natawa.
"I'm proud of you" Maya-maya ay sabi niya. Napataas ang tingin ko sa kan'ya, she's smiling at me. "Nahuli niyo yung pumapatay rito, last week." Iwas tingin na dugtong niya.
Sumilay ang matatamis na ngiti sa aking labi. See? She wants me out, pero she still can't hide the fact na proud siya sa lahat ng accomplishments na nagagawa ng team ko.
"Pero, ang delikado pa rin talaga para sa 'yo." Kalaunan ay sabi niya habang nakabusangot.
"Maingat naman ako"
"Aba dapat lang! Sinasabi ko sa 'yo, pag ikaw nadatnan ko sa hospital, dederetso ka sa ICU– makita mo!" Dinuro niya ako ng tinidor at nanlalaki ang mata niyang banta sa akin.
Itinaas ko naman ang mga kamay ko sa ere, na para bang sumusuko na ako. "I promise" pinanlakihan niya lang ako ng mata at bumalik na siya sa pagkain ng cake niya.
ILANG ORAS din kaming nag-kwentuhan ni Brea. Alas sais na ng gabi nang maisipan kong umuwi. Maaga rin kasi ang byahe namin pabalik sa U.S.
Tahimik kong tinatahak ang madilim na daan papunta sa hotel kung saan ako nag-i-stay, nang mapansin kong may tatlong lalaking parang nag-tatalo sa gilid ng daan. Nang mapansin nila ang ilaw ng sasakyan ko ay agad na pinara ako ng isa sa kanila.
I saw their car na umuusok, nakabangga sa isang puno ng saging. Tss. One of them is a reckless driver, siguro lasing ang mga 'to. Balak ko na sila lagpasan nang marinig ko ang sigaw ng lalaking pumapara sa akin.
"Please, Help!"
I rolled my eyes at marahas na bumuntong hininga. Pagkatapat sa kanila ay tinigil ko ang sasakyan. Agad na lumapit sa akin ang lalaking pumapara at nakangiting sumilip sa bintana ko.
Inantay kong kumatok siya sa binata bago ito buksan.
"Hi! 'name's Axel," Pakilala niya sa akin. Tinignan ko lang siya. "Look, we have a situation here. Will you be able to give us a ride? Hanggang sa pinaka-malapit na gas station lang, kung p'wede." He explained– clearly in distress.
Bakit ba ako tumigil? Dahil ba noong naaninag ko silang tatlo ay naguumapaw ang kagwapuhan nila? Tss.
At dahil tumigil ka, alangan namang iiwan mo sila? Bumuntong hininga ako at binigyan siya ng maliit na ngiti.
"Sure, kunin niyo na lang ang mga importanteng gamit niyo. I'll open the trunk if needed."
"No need, we just need our wallets." Nakangiting sabi niya at mabilis na umalis sa harap ko para tawagin ang dalawa niyang kasama.
Damn those deep brown eyes! You can't blame me, ang pogi niya e'– nila, ang pogi nila.
Ilang minuto pa ay may kumatok sa bintana, I unlocked the door and let them come in. Damn! Masasabi niyo sigurong jackpot ako sa lagay na 'to. Tangina, gods and goddesses ba magulang ng tatlong 'to? Hulmang hulma Lord ah.
I started the car and started driving. Medyo awkward ng hangin sa loob, kaya naisip kong ibukas ang Infotainment at pinindot ang play– hindi na inisip kung ano ang last na naka-play sa system ko.
My pussy taste like pepsi-cola–
Mas mabilis pa kay flash na pinatay ko ang system dahil sa unang song na nag-play. Gusto kong iumpog ang ulo ko sa manubela ngayon din!
Tuod kong sinilip ang nasa tabi ko– sa passenger seat, at rear view mirror na hindi ginagalaw ang kahit na anong parte ng katawan ko. Halatang nagpipigil ng ngiti ang nagpakilala sa aking Axel.
Ramdam ko ang panginginit ng buong mukha ko ngayon! Fuck you, Lana! Mahal na mahal kita tapos gaganitohin mo lang ako!
"Uhm" Tumikhim ako at nagkunwaring walang nangyari. Inayos ko ang upo ko at finucos ang mata sa daan. "So, ano ba nangyari sa inyo?" Tanong ko na hindi sila tinitignan.
Ramdam ko pa rin sa mukha ko ang init, feeling ko nag ba-blush pa rin ako. I mean– what are the odds? Na Cola ni Lana ang unang mag-pe-play when you least expect it.
"May foul play sa gulong namin, wala na kaming nagawa nang mabangga kami sa puno ng saging" Malumanay na paliwanag ni Axel.
Tumango-tango naman ako. "E' ba't parang nagtatalo kayo sa gilid ng daan?"
"Napansin mo 'yon?" Gulat na tanong ni Axel. Napapansin ko lahat. Hindi ko na lang siya sinagot. "Tsk. That jackass– sorry" Oh hon, no need to apologize for your language. "'Tong isang 'to kasi–" for sure ay tinuro niya ang isa sa kasama niya sa backseat. Hindi ko sila tinapunan ng tingin. "Imbes na makatawag kami agad ng tulong, he broke the last sane phone that we have– para raw fair sa situation since nasira yung phone niya sa pagkakabangga ng sasakyan."
That's pretty dumb if you ask me.
"That's called being fair" Depensa naman ng isa sa dalawa sa back seat. Bahagya akong natawa dahil sa sinabi niya.
"Look, even her finds your way incongruent" Axel sounds pissed. Sino ba namang hindi maiinis 'no? HAHAHAHA
"You can't possibly tell that just by her laugh. Besides, we're safe. That's what matters" Pagtatapos ng isa sa back seat sa usapan.
I can't believe they stood there, arguing with each other, dahil lang nasira ang last resort nila for calling for help.
"Tss" Napatingin ako sa rear view mirror nang marinig ang ekspresyon na 'yon. Galing iyon sa lalaking nasa kanan sa back seat, tapat ng passenger seat.
Walang interes siyang nakatingin sa labas ng bintana, halatang wala siyang pakialam sa nangyayari sa paligid niya.
Kung ikukumpara silang tatlo, masasabi kong siya ang pinaka-gwapo. Axel has a playboy heartthrob look, the one na nasa likuran ko naman ay halatang good boy. He has the typical– good guy– heartthrob look. While, the one na nasa likuran ni Axel? He has this look na talagang hindi mo maikukumpara sa kahit na ano. He's dazzling, captivating, alluring, he's all and all handsome.
And, for the record, he looks italian to me.
"Anyway, thank you so much for stopping" mabilis na lumipat kay Axel ang paningin ko dahil sa sinabi niya. And, masyado na kasi akong nawiwili na pagtitig sa lalaking 'yon, I'm driving! Baka ma-2.0 ang mga lalaking 'to sa nangyari sa kanila kanina kung hindi ako mag-iingat.
Tumango ako at ngumiti tsaka binaling ang tingin sa daan. "No worries, minsan lang ako mapagka- knight in shining armor"
Natawa naman si Axel. "Wow. Hindi ako na-inform na nag-switch na sila ng gender?"
I, mockingly, scoffed at him at sinulyapan siya. "That's stereotypical" I mockingly said.
He just smiled at me and gestured na 'you win'. "Saan ba kayo papunta? Baka madaanan ko." Tanong ko ulit.
Ang paningin ko ay nakatuon sa lalaking italyano sa likuran ni Axel. For some reason, I want to hear him speak.
"We're currently staying at Ferrero Vista, kung sakali mang madaanan mo– doon na lang kami bababa."
Gumuhit ang maliit na ngiti sa aking mga labi nang tapatan ni italyano ang tingin ko. Pero agad din akong nag-iwas dahil nagda-drive ako. Those hazel eyes...
"Good" sagot ko kay Axel.
"Huh?"
"Sorry, I meant to say– that's good then. Sa Ferrero Vista rin ang tungo ko."
"Hmn, what a coincidence."
Yeah, I don't think this is a coincidence.