+ Add to Library
+ Add to Library

C6 5

"Matt?" Gulat na tanong nang makita kung sino ang tumawag sa akin.

"Hi" Kaswal na bati niya. He's wearing a black casual button down long sleeve, partnered with gray slacks. He looks manly.

Sinilip ko si Morgan at nakitang kunot noo siyang nakatingin sa akin, pero mula rito ay naaaninag ko ang pang-aasar sa purong itim niyang mata! Inikitan ko siya ng mata at bumaling kay Matt. "Hold, please." Paalam ko saglit at nagmadaling lumapit kay Morgan.

"Hold, please?" Rinig ko pang takhang bulong niya sa sarili pero hindi ko na siya pinansin.

"I know that look" Pangangaral ko sa kan'ya hindi pa man tuluyang nakalapit. "Kaibigan lang 'yon, okay?"

"Whatever you say, lovergirl!" Kumindat pa talaga siya sa akin habang tumatawa.

I scoffed at him at hinablot ang bag ko sa passenger seat. "Whatever you say too rin sa 'yo!"

He chuckled at sumilip kay Matt, sumaludo siya kay Matt at bumalik sa maayos na pagkakaupo sa driver's seat. "Tsk. Tsk. Gano'n ba kahirap sabihing– tama ako?" pang-aasar niya pa sa akin habang iiling-iling.

"Baliw. Mali ka, at mali ang hinala mo. Ipaalam mo na nga lang ako kay Hotch. Babalik ako mamayang tanghali, ako na bibili ng lunch."

"Copy that, lovergirl." Nang-aasar na paalam niya bago umalis sa harap ko. Nakakagigil minsan maasar nang maasar.

Bumuntong hininga ako at bumalik kay Matt.

"Boyfriend?" Tanong agad niya.

Bagsak balikat ko siyang hinarap, lahat na lang ba paghihinalaan niyong boyfriend ko? "Minsan nakakairita na" Mahinang bulong ko sa sarili.

Matt chuckled, "I'm sorry, a friend then?" bawi niya sa tanong niya kanina. Lakas naman pandinig nito. I gave him a smile as a response. Ayaw na ayaw ko mag-entertain 'pag gan'yan ang tanong.

"You busy?" Tanong ko.

"Nope, naghahanap nga ako ng magandang kakainan e'." Sagot niya habang lilinga linga sa paligid. Sa harap kasi ng tailor shop ay isang mall at maraming kakainan, iba't ibang resto and shops.

"Yeah, mahirap pumili 'pag lahat gusto mo kainan." Nakangiwing sagot ko habang lumilinga rin. Andaming options, lahat sila mukhang masarap.

I heard him chuckle again kaya napatingin ako sa kan'ya. "Tama ka, parang gusto ko isa-isahin lahat dito."

Natawa ako sa kan'ya at inirapan na lang siya ng pabiro, "Come. May umagaw ng atensyon ko." Aya ko sa kan'ya at nauna na maglakad.

Naagaw ng atensyon ko ang restaurant na may pangalang Stella Notte. Ewan ko, parang ang ganda e'.

Pagpasok namin ay napa-wow talaga ako sa interior ng restaurant. We were welcomed by a warm lighting with hanging pendant lamps that resembles starburst. Walls in charcoal with gold accent.

Jazz in the background and a gentle scent of basil and fresh-baked bread in the air.

"You pick good" nakangiting sambit ni Matt.

"S'yempre, hindi nambibigo ang mata ko." Kinandatan ko siya at lumapit sa isang server. "A table for two, please." Nakangiting sabi ko.

She smiled at me at isinenyas na sunda ko siya. Lumingon naman ako kay Matt at sinenyasan na sumunod siya sa akin.

Nang makaupo kami ay agad kaming nilapagan ng menu no'ng server na naghatid sa amin dito. Nag-order na kami at binalik ang menu. Nang maka-alis ang server ay maingat kong pinagmamasdan si Matt.

"Nasa pilipinas ka lang noong isang araw ah" Panimula ko.

Nag-angat siya ng tingin sa akin at ngumiti, "Well, business" kibit balikat niyang sagot. "May chineck lang kaming business proposal, not far from here."

Tumango tango ako sa kan'ya "C.E.O?" tanong ko.

"Obvious ba?" Natatawang tanong niya.

"Nahh, I wouldn't question it." Natatawa namang sumbat ko. Halata naman kasi sa pananamit pa lang niya. "What company?" Tanong ko ulit.

Nangunot ang noo niya habang nakangiti. "Luciero Leisure Co." Sagot niya pa rin kahit na halatang nagtataka na siya sa pagiging matanong ko.

"You've got a pretty big company there." Taas noong kumento ko. LL Co. Is like, one of the most biggest company all around. They cover all types of leisure, at nagkalat ang industry nila all over the world.

"You know LL Co.?" Gulat na tanong niya.

Bahagya ko siyang tinawanan. "Sino ba namang hindi. Sa bigatin ng pangalan ng kumpanya na 'yan? Bulag na bingi na lang siguro hindi nakakaalam."

Natawa naman siya sa sinabi ko. "Well, it's not mine alone. Me and my bud handles it fairly."

Si C.

Tumango tango na lang ako sa kan'ya at hindi na nagsalita. Dumating na order namin e'.

Ineenjoy ko lang ang pagkain ko nang bigla siyang tumikhim.

"How about you? Nasa pilipinas ka lang din noong isang araw." Nag-angat ako ng tingin sa kan'ya. Nakangiti siya sa akin habang ngumunguya.

"Psh, work is work. Gaya lang din sa 'yo" Kapiranggot na ngiti lang ang ibinigay ko ngayon.

"What work?"

Inayos ko ang upo ko at nginitian siya, hindi 'to pwede manghinala 'no! "I don't really share this part of my life, pero promise me hindi mo ipagkakalat?"

Kumurap siya muna siya ng isang beses bago marahang tumango. Inilapit ko ang mukha ko sa kan'ya sinenyasan siyang lumapit.

"I work as an informant for the media. I heard that there's been a series of murder here, I needed to snoop on every file any authorities have."

Kumurap kurap siya sa akin at kunot noong umayos ng upo. "Why is that a secret? Pwede mo namang tawagin ang sarili mong journalist."

Ngumisi ako sa kan'ya at sumubo ng pastang kinakain ko. "I told you, I work as an informant. Malayo 'yan sa pagiging journalist." Nagtataka pa rin siyang nakatingin sa akin, why can't they understand the difference of informant and journalist? Hais. I, mockingly, rolled my eyes on him and chuckled, "Whistleblower."

Napa-oww naman siya sa sinabi ko. Sa wakas naintindihan na niya.

"That's not too bad." Comment niya at bumalik sa pagkain. Kunot noo ko siyang tinignan. "Sometimes, exposing things are the best way to do." Dagdag niya pa.

"Yeah," sagot ko na lang at ngumiting bumalik sa pagkain.

MATAPOS NAMIN kumain ay nagpaalam na kami sa isa't isa. Babalik na raw siya sa kumpanya nila, ako naman ay babalik na sa police station.

Hawak ko ang take outs na binili ko para sa team habang nakaupo sa bus. Iniisip kung tapos na ba ang kaso or wala pa sila masyadong progress. I'm sure meron na, at meron na ring profile.

Bumuntong hininga ako at ipitanong ang ulo sa bintana.

Ang ganda ng Naples City.

Habang nakatingin sa labas hindi ko maiwasang isipin ang mga salita ni Matt sa akin.

"I wouldn't call you a liar. You expose things, right?"

May kaunting halong lungkot ang ngisi na sumilay sa aking labi.

Truth is– I am a liar.

Let's see how long it takes you to figure out that I'm lying.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height