+ Add to Library
+ Add to Library

C8 7

3 DAYS AFTER

"May iniimbestigahan na naman kayo rito?" Kunot noong tanong sa akin ni Brea pagkalapag niya ng order ko.

Nasa coffee shop niya ako ngayon. Nasanay na 'yan na pumupunta lang ako rito kapag may kaso kaming iniimbestigahan. It's because, our focus of operations is in U.S, Virginia. Tsaka lang naman kami lalabas ng bansa kapag may official invitation kaming natanggap.

"Nope." I stated. I gave her a loop-down smile. "Evicted na ako sa team." May pagka-lungkot na anunsyo ko sa kan'ya.

She looked at me worriedly, nilapag niya ang tray na hawak niya sa katabing table at naupo siya sa harap ko. "Why?" Nag-aalalang tanong niya.

I chuckled at her softly, "Una kong inimagine na reaksyon mo ay magdidiwang ka sa sasabihin ko."

Inirapan niya lang ako, "Psh! Hindi ko gusto 'yang trabaho mo para sa 'yo, pero hindi ko rin naman matatanggal sa 'yo na 'yan ang gusto mo. Pinaghirapan mong makamit 'yang trabaho na 'yan, pinanood kitang maghirap para lang makaabot ka sa posisyon mo ngayon." Bumuntong hininga siya at inabot ang kape na inorder ko, hinalo niya 'yon bago humigop at ibaba ulit sa table ang kape.

"I mean, hindi naman sa hindi ko gusto– nag-aalala lang talaga ako. As long as nakikita naman kitang okay, ay ayos lang ako. Psh! Tignan mo ngayon, ang lungkot lungkot ng mukha mo." Pagtutuloy niya sa speech niya matapos niya higupin ang kapeng dapat ay para sa akin.

Iiling iling akong natatawa rito sa harap niya. Tamang desisyon talaga na magderetso rito kapag may pinagdadaanan ako.

"Oh e', ano ba nangyari? Ba't ka na-evict sa BNB?"

"BNB?" Kunot noong tanong ko.

"BNB! Bahay Ng Bureau hehe." Inilingan ko na lang siya. Sanay na sanay na ako sa mga corny niyang segwey. "Bakit ba kasi?" Tanong niya ulit.

Tinitigan ko siya.

Kapag inexplain ko sa kan'ya ang nangyayari mas lalo lang siyang mag-aalala. At hindi niya rin pwedeng malaman.

"Huwag mo naman ako titigan ng gan'yan! Para kang hindi magpapakita sa akin ng matagal na panahon." Reklamo niya.

I let out a soft laugh, yet sad.

I am going away, for I don't know how long. My new job requires me to cut contact along the way, and that contact means everyone important in my life. Mahirap ang sitwasyon na pinasok ko, gusto ko na lang mag back out pero I'm not a quitter.

"Na-transfer lang ako." Maikling sagot ko.

Naningkit ang mata niya at kinilatis ang buong ekspresyon ng mukha ko, "Mas safe ba 'yan?" Nangingilatis na tanong niya.

No. Mas delikado.

"Sa tingin ko naman, oo."

"Hmn, mas maayos ba oras mo riyan?" Naniningkit pa rin ang mata niya.

"Yeah, hawak ko oras ko." Real. Hawak ko talaga ang oras ko rito.

"Required mag travel ng sobrang bongga?"

"Kapag kailangan lang."

"Sa tingin mo, gaya kung gaano kayo kadalas mag-travel?"

"Nope."

Ngumiti siya sa akin at excited na pumapakpak. "Edi mabibisita mo na ako ng madalas niyan?" Natutuwang tanong niya.

Bumagsak ang balikat ko dahil sa tanong niyang 'yon. I took a deep breath. Hinablot ko ang kape ko na nasa harap niya at walang halo-halong sumimsim dito. Paano ko ba sasabihin na baka ito na ang huling bisita ko?

"Hindi ko pa rin sure e'." Nakangiwing sagot ko na lang pagkatapos sumimsim sa kape.

Nawala ang ngiti sa kan'yang mukha, napalitan ng pagkabusangot. "Psh! Wala pa ring bago." Dismayadong singhal niya.

Nginitian ko na lang siya at inabot sa kan'ya ang cake na inorder ko. "Kumain ka na nga lang."

"Sure ka bang mas maayos 'yang pinagtransferan sa 'yo?" Nangangaral na tanong niya at kinuha ang inaabot kong cake.

Hindi. "Oo naman."

Bumuntong hininga siya, "Sige, sabi mo 'yan e'." Sabi niya at nagsimulang kainin ang cake.

Pinagmasdan ko lang siyang kumain. I'm here to say goodbye sana, pero hindi ko kayang magpaalam. Baka isipin niya kasi hindi na niya ako makikita habang buhay e'. Baka siya pa maging rason para mapurnada trabaho ko– hinding hindi niya ako papaalisin dito.

MATAPOS KO makipag-kwentohan kay Brea ay nag-paalam na akong kailangan ko na mag-trabaho.

But, truthfully? Andito ako sa mall. Need ko bumili ng bagong set of clothings. I need to change a part of myself for this job, and that includes my fashion sense.

Nasa isang high-end boutique ako ngayon, nakangiwing nakatingin sa mga dress na nasa elegant section.

I'll call it hoe section– kung ako lang.

"For a woman who shops for dresses– you look unhappy." Nakangiwi akong napatingin sa lalaking nag salita. I saw Axel holding paper bags from a branded shop. "Ikaw lang nakita kong babaeng parang nandidiring nakatingin sa section na 'to." Natatawang sabi niya pa habang nakatingin sa mga slutty dresses na nasa harap namin.

Natawa ako ng bahagya at tumingin ulit sa mga bestida. "Hindi ba nakakadiri 'to?" Hindi makapaniwalang tanong ko habang natatawa.

"Hmnn... for me?" Napatingin ako sa kan'ya. "Fairly decent for me." Nakangising sagot niya. Pogi!

And this is a 'Men' moment. Of course, gusto nila ang view pag isang babae ang nakasuot ng ganito kalaswa sa harap nila.

Napailing na lang ako at tinalikuran na siya. Naglakad ako palapit sa mga pants and skirts. Naramdaman ko naman siyang sumunod sa akin.

"You shopping for yourself?" Tanong niya mula sa likod ko.

I took a glance on him, nasa likod ko siya pero nagtitingin din siya ng pants. "Yeah, you?" Balik na tanong ko.

"For a friend." Nakangiting sagot niya.

Bumaba ang tingin ko sa branded bags na bitbit niya, LV, Zara, and Dior? Napangisi na lang ako sa kan'ya at binalik ang tingin sa mga skirts.

A friend pala e'.

You don't give that to a friend. Come on? Luxury brands like that? You give that to people you're romantically attracted to.

"After mo mamili, may gagawin ka pa?" Tanong niya ulit. This time nasa tabi ko na siya.

"Kakain." Simpleng sagot ko.

From my peripheral view, nakita ko siyang tumango-tango. Ini-scan niya rin ang mga skirts sa harap namin. Balak niya rin kaya bilhan ang 'FRIEND' niya?

"Gusto mo sumama sa amin?" I gave him a side eye dahil sa tanong niya, that doesn't sound right. "To eat." Dagdag niya agad nang mapansin niyang naging defensive saglit ang pustora ko sa tanong niya.

Hindi naman siguro masama 'di ba? "Sure, saan ba?"

"Magkikita kami sa Sable & Sage, nasabi sa aming maganda raw sa restaurant na 'yon e'."

Napatango-tango naman ako. Sable & Sage is nice, kumain kami ro'n– once, kasama ko ang team. That was the time na nasa process pa lang kami ng pagbu-build ng profile ni John Bartolomeu.

"If you can wait for me over there–" turo ko sa waiting area ng boutique "I'll be done in a few minutes."

"Ok," sagot niya. Bahagya akong nagulat nang may ibigay siya sa akin skirt kaya napatingin ako sa kan'ya. "Bagay 'yan sa 'yo." Kumindat siya sa akin bago ako talikuran.

God! Bakit ang gwapo? Lord, kailan ako mabibigyan ng gano'n ka-pogi?!

Binalik ko ang tingin sa skirt na binigay niya–

High waisted, asymmetrical wrap design with a soft drape detail on one side. Is this formal? Nagbikit balikat na lang ako at kinuha ang skirt na 'yon, along with other skirts at nagtingin na sa ibang section.

MATAPOS NAMING mamili ni Axel ay nagderetso na kami rito sa Sable & Sage.

Lumapit si Axel sa front desk kaya sumunod na lang ako.

"Hi, I reserved a table for three 2 hours ago, the name is Axel."

Agad namang chineck ng front desk lady at nakangiting nag-angat ng tingin kay Axel. "Kayo pa lang po ang andito, sir."

"I know, uh– pwede ko bang palitan 'yan ng table for 4?"

"One moment, sir. I'll check po if may available na table." Tinanguan lang siya ni Axel.

Inilibot ko naman ang paningin ko, hindi gaano marami ang taong kumakain dito.

"You're in luck, may available po tayong table near the glass window po. Would you like to occupy that table, sir?" Narinig kong tanong ng babae kay Axel.

"Sure."

Kalaunan ay may tumapik sa balikat ko, sinilip ko 'yon– si Axel. "Let's go." Aya niya sa akin.

Ngumiti ako sa kan'ya tsaka sinenyas sa kan'yang mauna na siya. "Lead the way."

Nang makalapit sa table ay naupo ako sa tabi ng glass wall, naupo naman siya sa harap ko– tabi niya rin ang glass wall.

"Let's wait for them, papunta na rin sila e'." Sabi niya.

Tumango lang ako at binaling na ang tingin sa labas. Maggagabi na, by this time nasa office pa rin ako o kaya naman ay nang-aaresto, naghahanap ng nawawalang tao, nag-pa-process ng crime scene– hais.

Napabuntong hininga na lang ako. I miss my work, ilang araw pa lang akong wala sa trabaho pero ang sakit na ng pagkatao ko.

"You okay?" Napatingin ako sa nagtanong, Si Matt. Kakarating niya lang kasama si C.

Bahagya akong natawa nang makita siya. "Magkasama lang tayo sa Italy noong isang araw, tapos andito na naman tayong pareho."

Natatawa naman siyang umupo sa tabi ni Axel.

"Nagkita kayo sa Naples city?" Takhang tanong ni Axel kay Matt.

Sinide eye ko naman 'tong lalaking umupo sa tabi ko. Tahimik lang siya pero halata namang interisado siya sa nangyayari sa paligid niya this time.

Naalala ko tuloy yung last na pagkikita namin sa hotel. Ugh! Napa-irap na lang ako sa hangin.

"Yeah, nakalimutan kong i-kwento." Sagot ni Matt. Bumaling siya sa akin, "So, why are you here now?"

Nginisian ko lang siya at pinulot ang menu na kanina pa nakalapag sa table.

"Do you really wanna know?" Nakangising tanong ko habang ini-scan ang menu.

"Banta ba 'yan?" Natatawang tanong ni Matt.

Sinilip ko lang siya sa taas ng menu na hawak ko at kinindatan. Wala akong balak sagutin ang tanong niya e'. Nakangiti siyang iiling iling na binaling ang tingin sa menu na hawak niya.

"Huh? I have this feeling that our paths will cross more often." Tinapunan ko ng tingin si Axel dahil sa sinabi niya. Nakangiti siyang nakatingin sa akin.

"I hope so," sagot ko na lang at binalik na ang tingin sa menu.

I, actually, know so.

Nang maka-order kami ay kan'ya-kan'yang gawain na habang inaantay ang pagkain.

Si Matt ay tutok sa cellphone, si Axel ay busy rin sa cellphone, habang ang katabi ko namang lalaki ay...

Sinide eye ko siya–

Naka-cellphone rin.

Dapat na ba ako mag cellphone?

"Nabalitaan niyo ba?" Biglaang tanong ni Matt. Napatingin kaming tatlo sa kan'ya, nakatingin pa rin siya sa phone niya na parang may binabasa.

"Nabalitaan ang ano?" Tanong ng katabi kong lalaki.

His baritone voice never fails to amuse me. God! Don't tease me like this.

"Two weeks ago we were on Sunset Manor Hotel, right?" Tanong niya ulit at nag-taas ng tingin sa amin.

Tumaas ang kilay ko sa tinanong niya. That was the hotel– kung saan namin inaresto si John Bartolomeu.

"Oh? Ano meron do'n?" Walang interes na tanong ni Axel.

"Look at this." Pinakita niya sa amin ang screen ng phone niya, it is an article of our arrest. Ngumiwi na lang ako pero deep inside nagpa-panic na. "Can't believe there was a serial killer residing next door, nasa 205 tayo no'n."

"Really?" Kunot noong tanong ni Axel at kinuha ang phone kay Matt. Iniscroll niya ang article at nagbasa-basa saglit. Umusbong ang kaba sa sistema ko. "Bakit hindi tayo na-inform?"

"It was an undercover arrest. Of course, hindi tayo mai-inform. It's designed to not create panic around the area." Paliwanag ni C.

Sumama ang mukha ng dalawa dahil sa sinabi niya.

"Could've just said– it was an undercover arrest, man. Alam naman namin kung ano 'yon." Nakasimangot na sabi ni Matt na sinagot lang ni C sa pamamagitan ng pagkibit balikat.

Kahit na kinakabahan ay natawa ako sa itsura ni Matt. Para kasi siyang cute na bata pag gumagano'n siya.

"You know about the arrest?" Kunot noong tanong naman ni Axel.

"Yeah." Simpleng sagot naman ni C.

"At hindi mo man lang naisip na sabihin sa amin?"

"I didn't know it was important." C replied in monotone. Para siyang batang version ni Hotch.

"Tch. Come on, C. Lahat ng chismis importante." Singhal sa kan'ya ni Axel. Chismoso talaga 'to.

Ang mata ko naman ay nakatuon sa cellphone na hawak ni Axel.

"Can I see?" Tanong ko at inagaw ang cellphone. Talagang inisa-isa ko ang bawat salita sa article na 'to. I need to make sure na walang trace ng pagkatao ko sa published work na 'to. Who even published this article?! Tch. Nang makasiguro na safe ako sa article na 'yon ay nilapag ko ang cellphone sa table. "Boring." Simpleng kumento ko para hindi masyadong suspicious.

Natawa si Axel at Matt sa sinabi ko, "Pero tinapos mo?" Natatawang tanong ni Axel.

I gave him a loop-down smile at nagkibit balikat. Iiling iling namang inabot ni Matt ang phone niya tsaka ako kinindatan.

Ilang segundo ko siyang tinitigan– oo pogi siya, pero that's not why I stared at him, bakit ba siya kumikindat? Pero agad din akong natawa nang marealize kung bakit siya kumindat.

I told him it's a secret that I was a whistleblower.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height