C9 8
"It was nice of you to drive me back to my hotel." Pasasalamat ko kay C.
Yes. Si C ang kasama ko. Hindi ko rin inexpect na siya ang magiging kasama ko ngayon. After namin kumain sa Sable & Sage ay kan'ya-kan'yang alis na dapat. Axel went back to his so-called friend. Matt was needed for work. And, this man? Ewan ko ba sa taong 'to.
Out of nowhere he asked if I'm going home, so s'yempre sinabi kong– oo. He said he'll take me home, I was hesitant at first pero wala naman sa itsura niyang gawan ako ng masama.
"When you said home, akala ko normal na bahay. You live off hotel?" Tanong niya habang nakatingin sa pangalan ng hotel sa itaas.
Stellan Hotel.
"I don't reside permanently." Simpleng sagot ko sa kan'ya at sinulyapan ang tinitignan niya.
"Why? Afraid of setting roots?" Nang ibalik ko ang tingin sa kan'ya ay nakatitig na siya sa akin.
I frowned at him, "Maybe?" Hindi siguradong sagot ko. Nakatitig lang siya sa akin na wala man lang emosyon ang mukha, hindi ko malaman kung ano ang iniisip niya. Hindi ko mabasa.
"Maybe?" Pag-uulit niya sa tanong ko in a very monotone voice.
Nagkibit balikat ako, "I like the way I live," sabi ko at nginitian siya.
He just blinked at me.
I think that's the first time I saw him blink!
"Would you like to come in?" Tanong ko na lang to not make the situation awkward. I can sense na naman kasi na magtititigan lang kami kapag hindi ako nagsalita.
He glances over his watch, "Or not," sabi ko. Baka busy siya e'. "Thank you, again, for driving me back here. You didn't have to, but–"
"I have an hour." Putol nito sa sinasabi ko at nauna nang pumasok sa hotel. Taka ko siyang nilingon at napa-huh?
"Ako ba nagbayad ng hotel dito o siya?" takang tanong ko sa sarili ko at iiling iling na sumunod sa kan'ya papasok.
Naabutan ko lang siya sa elevator. Nakapamulsa siyang nakatayo sa harap ng elevator door, ang tingin ay nasa pintuan, kung iisipin mo– parang nakikipag eye-to-eye contests siya sa pintuan ng elevator. He looks uninterested though.
NANG MAKAPASOK sa hotel room ko ay pinaupo ko siya sa sofa.
"Do you want something to drink?" Tanong ko.
Nilapag ko ang bag sa bed at nagderetso ako sa mini fridge.
"I have apple cider soda and cobra energy drink." Nakangiwing sabi ko.
"You drink lame." He commented. Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya at nakapamaywang na hinarap siya. Nagkibit balikat lang siya sa akin bago ilibot ang tingin sa kabuuan ng kwarto.
I scoffed at naglakad papunta sa sofa na kaharap niya, doon ko binagsak ang sarili ko. "It's not lame." Depensa ko sa sinabi niya.
"It is to me." Walang interes na sagot niya.
Inirapan ko na lang siya, I calmed myself down– baka bigla kong dambahin 'tong lalaking 'to sa inis. Walang pogi-pogi rito, kahit mukha pa siyang anak ni Adonis wala akong pake!
Sana hindi ko na lang siya inimbitahan dito. E' akala ko rin hihindi siya, kasalanan niya 'to.
"Wala kang trabaho?" Tanong ko nang makalma ko na ang sarili ko.
"Meron, I have my free time." Sagot niya.
Tumango tango na lang ako. This is my time para makilala ang lalaking 'to. Puro si Axel at Matt lang ang madada e'. I'm sure may tinatagong pagkamadada rin 'to, his friends are chismoso– it means he is too.
"Why do Axel and Matt calls you C?"
Ilang segundo niya akong tinitigan bago ngumisi. Fuck, ang pogi talaga.
"Kaya ba inimbihatan mo ako rito? Gusto mo akong makilala?"
Huwag ka magpapatalo sa pagkapilyo niya!
Ngumisi rin ako sa kan'ya, "Siguro." Nakangising sagot ko. Tatapatan ko 'tong poging mokong na 'to.
"My name is Cairus, mas madali lang talagang banggitin ang C."
Ah, kaya pala. Napangiti ako ng malaman ang pangalan niya, believe it or not? Nakukulangan ako sa pangalan niyang C e'.
"You came up with that nickname?" Tanong ko ulit tsaka ko sinandal ang likod sa back rest ng sofa.
"They did." Maikling sagot niya. "I think, I'm gonna have that drink now. Mukhang marami-rami kang tatanungin." Nakangising sambit niya sa akin.
Goddamn your features! So fucking ethereal and ravishing.
I, mockingly, rolled my eyes on him, "Soda or Energy drink?" natatawang tanong ko sa kan'ya.
"I'll have the soda, thank you."
Tinanguan ko lang siya at tumayo. Bumalik ako sa may mini-fridge at binuksan 'to.
"How about you?" Biglang tanong niya.
"What about me?" Tanong ko habang kinukuha ang dalawang apple cider soda.
"Kade lang pangalan mo?"
Napangisi ako tsaka ko sinara ang mini-fridge. "Just Kade." Sagot ko at naglakad na palapit sa kan'ya.
"No surname?" Now he sounds interested. Although, very vague lang sa tono ng boses niya, but I can feel na he's interested.
Inabot ko sa kan'ya ang isang soda at nginisian siya, "Tsaka na tayo mag second name basis pag close na tayo." Sabi ko at bumalik na sa inuupuan ko kanina nang abutin niya ang soda.
"Fair." He answered in his usual monotone. "What about work?" Tanong niya pa.
Napakurap na lang ako sa tanong niya. Ano isasagot ko riyan? Should I tell him the same work na sinabi ko kay Matt? The Whistleblower story. No, let's align it sa storyline ko.
I softly chuckled at binuksan ang soda na hawak ko, "I got fired." Sagot ko at uminom ng soda.
Again, he blinked. For the whole time na magkasama kami, this is his second time– SECOND time, that he blinked. Or, baka kumukurap siya kapag nakatalikod ako?
"How so?" Tanong niya habang binubuksan ang soda na binigay ko.
Ugh– nagsisimula na akong ma-frustrate! Well, I did this to myself. Kaya wala akong karapatang magreklamo.
"Sabihin na lang nating, when they cut offed our budget– kinailangan din nilang magtanggal ng trabahador." Paliwanag ko tsaka ulit uminom ng soda.
Lying is tiring as well.
"You were one of the layoffs." Tatango-tangong kumento niya.
"It sucks." Dismayadong sagot ko. Dismayado talaga ako, nilayo nila sa akin ang trabahong gusto ko.
"What was your work?"
Tinitigan ko siya ng ilang segundo, "Bakit mo natanong?" Naniningkit ang matang tanong ko sa kan'ya.
"Baka sakali makatulong ako?" Kibit balikat na sagot niya.
"And, why would you help me?"
"Because I can." Simpleng sagot niya sa akin. His face is so emotionless, hindi ko mabasa kung sincere ba siya o ginagago ako sa sitwasyon ko.
He tsked at me nang hindi ko siya sinagot, he reached to his suit's inner pocket at may kinuhang card. Nilapag niya sa coffee table ang card na 'yon at walang emosyong tinignan ako.
"Come to me, or email me your resume. My address and contact is written there. Think of this as a payback noong tinulungan mo kami sa gilid ng daan." Sabi niya at tumayo na. "I appreciate your time, and I enjoyed talking to you." Tokis ka, hindi kita sa ekpresyon ng mukha mo na nag-enjoy ka.
Tumayo na lang din ako at nakipag shake hands sa kan'ya. "I need to go. Thank you," pasasalamat niya sa akin bago higitin ang kamay niya at naglakad na patungo sa pintuan.
Sinundan ko lang siya ng tingin. He stopped nang mahawakan niya ang door knob at saka bahagyang lumingon sa akin.
"I hope to see you soon." Sabi niya bago tuluyang lumabas ng kwarto ko.
Naramdaman ko ang umusbong na kaba sa pagkatao ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung excitement ba 'to or ano, basta hindi mapakali ang tiyan ko sa sinabi niya!
Marahas akong bumuntong hininga at binaling ang tingin sa card na iniwan niya. You have a very strange effect on me, Mr. Cairus. I don't know if I like this or not.
Kukunin ko na sana ang card ni Cairus nang biglang mag ring ang cellphone ko. Nababagot akong nagtungo sa kama upang kunin ang phone, I'm pretty sure kapamilya ko na naman 'to.
Nang makuha ang phone ay walang tinginan ko itong sinagot.
"Yes?" Nawawalan ng pasensyang bungad ko.
"Agent." Bati sa akin ng isang boses babae. Boses na kilalang kilala naming lahat. Minsan lang siya makipag-usap sa amin, pero kapag nakipag-usap siya ay talagang importante lang ang sasabihin niya.
"Ma'am?" Nawawalan pa rin ng pasensyang paggalang ko. Naiinis ako sa kan'ya at hindi ko 'yon kayang itago.
"I'm just calling to ask for an update."
I scoffed, "Update? What do you think of me– superhuman?" Inis na bulalas ko sa kan'ya.
"We have eyes on you, agent." She firmly said.
"I'm not stupid. I know." Matigas na sagot ko. "I, respectfully, ask you to stop calling me. I will call you, myself, when I have an update."
"I know you're pissed–"
"Damn right, I am!" Putol ko sa sasabihin niya. "I trusted your words. You assured me something you did not uphold. I was taken away from my family, from the job that I love. You've taken away my anchor– so yeah! I am pissed, more than pissed." Galit na bulalas ko.
Buntong hininga lang ang narinig ko mula sa kabilang linya.
"You didn't even give me time to, at least, bid my farewell to my team." Patuloy ko.
"I understand that–"
"What the hell do you understand?" Galit na putol ko sa sasabihin niya. "As far as I know, ever since I have known you, you did nothing but to find holes and gun our team to an edge." Sumasabog na talaga ang galit ko. I know she's still my boss, she can take this mission away from me– but I doubt it. Wala na silang agent na makukuha para sa misyon na 'to. "What? Taking people's power makes you feel in control?" Walang galang na singhal ko.
"I do not appreciate you questioning what I do, Agent." She firmly said. There it is, her authority. "I acknowledge that our actions may not have been entirely in line with protocol, but that does not justify the level of disrespect shown towards us. By agreeing to take on this mission, you consented to operate within the established guidelines. Now, you have two options: either see this mission through to completion or consider your retirement."
Marahas akong napabuntong hininga. Marahas kong ipinikit ang mata ko sa sobrang inis. Kung pwede ko lang siyang sakalin, isang sakal lang then p'wede ko na i-process retirement ko.
"Add this to your guidelines, I'll call you myself if I have an update." And I ended the call.
Sa sobrang inis ay ibinagsak ko na lang ang katawan ko sa kama. Hindi talaga ako natutuwa sa kan'ya. Kahit siguro bigyan niya ako ng isang candy hinding hindi ako matutuwa sa kan'ya.
Nasa gano'ng posisyon ako nang may ma receive akong message, It's from her number.
FROM: Director.
We will designate a day for you to visit your team, ensuring all necessary arrangements are made for your security. Please select a date.
Tsk. May konsensya ka rin naman pala.