My Autistic Boss/C2 A Last Grasp at Hope
+ Add to Library
My Autistic Boss/C2 A Last Grasp at Hope
+ Add to Library

C2 A Last Grasp at Hope

Maya's POV

Kainis, kainis... Lord, sana hindi ko na makita ang lalaking 'yun kailanman! Sobrang nakakainis talaga. Ako na nga ang tumulong, tapos kung magmaliit sa akin, akala mo isa akong... ewan! Grabe siya… sabi ko habang pauwi ako ng bahay.

Pagdating ko sa bahay, may nakita akong mga kotse sa labas. Bigla akong nakaramdam ng kaba kaya agad akong pumasok, at bumungad sa akin ang mga lalaking galing sa bangko.

"Pakiusap, bigyan niyo pa kami ng palugit..." umiiyak na pakiusap ni Mama sa mga taong kaharap niya.

"Anong nangyari dito, Ma?" tanong ko sabay lapit kay Mama na umiiyak na.

"Anak, kukunin na nila ang bahay natin," sabi ni Mama habang humihikbi.

Agad naman akong lumuhod sa harap ng mga lalaki. "Pakiusap po, sir, bigyan niyo pa po kami ng kahit isang buwan na pagkakataon. Promise, babayaran po namin. Kapag hindi po namin mabayaran, kusa na kaming aalis."

Nagkatinginan ang mga lalaki bago sumagot ang isa. "Sige, i-report ko 'to sa aming manager ang concern niyo."

"Salamat po, sir..." mahina at nanginginig kong sagot, punong-puno ng pagmamakaawa ang boses ko habang pinapanood silang tumalikod.

Pag-alis nila, sabay kaming napaupo ni Mama sa lumang silya sa sala. Tahimik ang buong paligid, tanging ang mahihinang hikbi na lamang ni Mama ang naririnig ko.

"Anak... paano na tayo ngayon? Saan tayo kukuha ng pambayad?" basag ni Mama sa katahimikan habang nakatingin sa akin nang may namumuong takot at kawalan ng pag-asa sa kanyang mga mata. "Kahit pa makahanap ka ng trabaho... hindi mo 'to mababayaran nang buo. Tatlong milyong piso ang utang natin sa bangko, Maya. Paano mo 'yan mababayaran?"

Nang narinig ko ang numerong iyon, parang may bumagsak na malamig na bato sa dibdib ko. Nanikip ang paghinga ko, pero pinilit ko itong pigilan dahil ayaw kong makita ni Mama na sumusuko na rin ako. Napabuntong-hininga na lang ako nang malalim.

"Ma, pasensya na po. Alam ko naman pong halos wala na tayong pag-asa na mabayaran 'to nang buo," mahinahon kong sabi habang pinipigilang lumabas ang mga luha ko. "Ang sa akin lang, makahanap ako ng trabaho kahit papaano. Habang dito muna tayo, mag-iipon ako para may pambayad tayo sa uupahan nating bahay."

Mahigpit ko siyang niyakap, at doon na tuluyang bumigay si Mama. Sumubsob siya sa balikat ko habang umiiyak.

"Pasensya na, anak ha... wala akong maitulong sa iyo..." basag-buhay na sabi ni Mama habang mahigpit ding gumaganti ng yakap. "Ikaw ang nagpasan ng lahat ng 'to."

Kumalas ako nang kaunti at pinunasan ang mga luha niya, sabay pilit na ngumiti kahit durog na ang puso ko. "Huwag kang mag-alala, Ma. Kaya natin 'to."

Mabuti naman at tumango si Mama at niyakap ulit ako. "Salamat, anak..." sabi ni Mama.

Pagkatapos naming mag-drama sa sala, agad akong pinaghandaan ni Mama ng pagkain para kahit paano ay gumaan ang pakiramdam namin.

"O, kainin mo na 'to, anak," sabi ni Mama habang iniabot sa akin ang isang pirasong nilagang kamote.

Umiling ako at tinulak pabalik sa kanya ang plato. "Ay, Ma, kayo na lang po ang kumain niyan. Busog pa naman po ako, eh. Sa 'yo na lang po 'yan," pilit ko kay Mama.

"Ha? Anong busog ka dyan? Ni hindi ka pa kaya nag-aagahan kanina," nag-aalalang sabi ni Mama habang ibinabalik ulit sa akin ang kamote. "Ikaw ang kumain nito, anak. Kailangan mong lumakas dahil ikaw ang maghahanap ng trabaho."

"Hindi na po, Ma. Totoo po, busog pa talaga ako. Mas kailangan niyo pong kumain para hindi kayo magkasakit," sabi ko habang ngumiti at muling iniharap sa kanya ang plato. "Sige na po, Ma. Kayo na po ang kumain."

Tinitigan ako ni Mama nang may halong lungkot at paghanga sa mga mata niya. Alam niyang nagkukunwari lang ako para masigurong may makain siya. Makalipas ang ilang sandali, wala na siyang nagawa kundi ang bumuntong-hininga at kunin ang kamote.

Nakikita ko kung gaano siya kagutom, dahilan para manikip lalo ang dibdib ko. Maya-maya pa ay nagpaalam na akong pumasok sa kwarto ko. Pagdating sa loob, hindi na ako nakapagpigil at doon na binuhos ang lahat ng luha ko.

Bakit ba kasi namatay pa si Papa? Kung nandito lang sana siya, hindi sana ganito ang buhay namin ngayon... bulong ko sa sarili habang humihikbi at yakap-yakap ang sarili.

Pero habang umiiyak ako, biglang may narinig akong tunog ng notification mula sa phone ko. Nang tiningnan ko kung ano 'yun, isang email ang sumalubong sa akin…

From: HR Recruitment Team [email protected]

To: [email protected]

Subject: Interview Invitation: Administrative Assistant / Personal Assistant Position

Dear Ms. Cruz,

Thank you for submitting your application to Alcantara Tech Solutions.

We were impressed by your background and qualifications. We would like to invite you to an initial interview for the position you applied for. The details of your interview are as follows:

Date: Today, October 2, 2026

Time: 1:00 PM (Mamayang hapon)

Location: 15th Floor, Alcantara Tech Tower, Bonifacio Global City, Taguig

Please bring a printed copy of your resume, a valid ID, and arrive at least 15 minutes prior to your scheduled time. Kindly reply to this email to confirm your attendance.

We look forward to meeting you.

Best regards,

Atty. Benjamin "Ben" Santos

Head of Human Resources & Legal Affairs

Alcantara Tech Solutions

Nang mabasa ko ang lahat, bigla akong napatulala.

Alcantara Tech Solutions?

Teka, nag-apply ba talaga ako doon? Mukhang hindi, e... napakalaking kumpanya ng Alcantara para sa isang tulad ko, sabi ko sa isip ko.

Naku, Maya, scam 'to? Imposible naman... sabi ko ulit sa sarili ko habang nanginginig ang mga kamay ko sa hawak na cellphone.

Pero baka nagpasa nga ako kanina tapos nakalimutan ko lang? sabi ko sa sarili ko. Pero paano kung pagdating doon, hindi pala totoo? Paano kung pagdating ko doon, kikidnapin ako tapos kukunin ang laman ng katawan ko? Naku, hindi, nakakatakot 'yun! sabi ko ulit sa sarili ko. Pero paano kung totoong trabaho talaga 'to? Paano kung ito na ang sagot sa problema namin?

"Maya, sino kausap mo?" tawag ni Mama mula sa labas.

"Ay, wala, Ma!" sagot ko agad habang mabilis na pinunasan ang mga luha ko at pilit na kinalma ang sarili.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height