C5 Ang Boss Ko, Ang Pinakamasama Kong Bangungot
Ian’s Pov
Tinalikuran ko ang nakaaway kong babae kahapon sa park—si Maya. Ang kapal talaga ng mukha niya para pag-isipan at sigawan ako ng ganoon, tapos akusahan pa akong sumusunod sa kanya? Yuck. Ang kapal ng mukha ng dugyot na 'yon. Sa lahat ng naging Personal Assistant ko, siya pa lang ang kauna-unahang babae na sumigaw sa akin nang ganoon.
Napabuntong-hininga na lang ako habang naglalakad papunta sa swivel chair ko. Ilang sandali pa, biglang bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Atty. Ben. Magtatanong pa sana ako, pero hindi ko na natuloy dahil sumunod na pumasok ang bastos kong bagong P.A.
"Ano pa ang ginawa ng babaeng 'yan dito?" malamig na tanong ko kay Atty. Ben.
"Ian, kailangan natin siya. Nakatambak na ang mga trabaho ko dahil sa sunod-sunod na pagpapalit mo ng P.A.," depensa sa akin ni Atty. Ben, dahilan para mapabuntong-hininga na naman ako sa inis.
"Sorry, boss! Promise, hindi na po mauulit," biglang sabat ni Maya sabay yuko nang mababa.
Tinitigan ko siya ng may matalim at malamig na tingin bago ako nagsalita.
"Sa susunod, kilalanin mo muna kung sino ang kinakalaban mo," seryoso kong sambit.
"O-opo, boss! Pangako, huwag mo lang akong tanggalin, gagawin ko ang lahat ng utos mo," nanginginig na sagot niya, dahilan para mapaisip ako.
Isang ideya ang biglang pumasok sa isip ko.
"Talaga? Lahat?" pag-ulit ko habang nakataas ang isang kilay.
"O-opo!" sagot niya habang nagsisimula nang tumulo ang mga luha sa mga mata niya.
"Sige. Pagbibigyan kita," malamig kong desisyon. "Pero ito ang una mong gagawin... Ayaw ko sa mga dugyot. Matuto kang mag-ayos at magbihis nang maayos. Gusto ko, lagi kang mag-a-alcohol dahil napakaraming mikrobyo at germs sa paligid," mahigpit na paliwanag ko.
Napansin ko naman na ngumiti si Atty. Ben.
"At saka, gusto ko dito ka sa loob ng opisina ko magtrabaho para mabantayan ko lahat ng galaw mo," dagdag ko pa.
"Sige, Ian, ipapatawag ko ang janitor na ilipat dito ang desk ni Maya," sabat naman ni Atty. Ben, at tumango lang ako bilang pag-ayon.
"M-maraming salamat, boss," nanginginig ang boses na sagot ni Maya.
"Pero may ipapirma ako sa iyo, Maya. Mamaya, isasabay ko ang isang dokumento kung saan nakasaad na gagawin mo ang lahat ng utos ko," sambit ko, dahilan para mapansin ko ang paglunok niya nang husto dahil sa tindi ng kaba.
Mukhang exciting 'to... bulong ko sa sarili ko.
Ilang sandali, biglang dumating ang janitor at inilipat ang desk ni Maya dito sa loob. Lumabas ako saglit ng opisina ko at nakita ko ang mga natarantang mukha ng mga empleyado ko na pabalik agad sa trabaho nang makita ako. Hindi ko na lang sila pinansin dahil pinilit kong kontrolin ang galit ko; kaya pinili ko na lang munang uminahon.
Pagkatapos mailipat ang desk ni Maya ay umupo na siya roon, samantala si Atty. Ben naman ay tumabi muna sa kanya para i-train siya.
Bumalik na rin ako sa upuan ko at tinawag si Maya.
"Maya," malamig kong tawag.
"B-boss, ano po 'yun?" agad siyang lumapit sa akin nang nanginginig.
"Nakita mo ba ang coffee maker na 'yan diyan sa gilid?" tanong ko habang itinuturo ang makina gamit ang aking hintuturo. "Gusto ko, ipagtimpla mo ako ng kape ngayon din," utos ko sa kanya.
Agad naman siyang pumunta roon at kumuha ng baso.
"Mag-disinfect ka muna ng kamay mo," galit kong dagdag.
Agad naman siyang nag-disinfect, at nakita ko ang panginginig ng kanyang mga kamay. Samantala, si Atty. Ben naman ay malungkot na nakatingin sa kanya, pero ngumisi lang ako ng palihim.
"Maya, ayaw ko ng masyadong matamis," sabi ko ulit.
"P-opo, opo," sagot naman niya habang nagmamadali.
Pagkatapos niyang magtimpla, dahan-dahan siyang pumunta sa akin para ibigay ang kape. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa bago ako nagsalita.
"Pwede mo bang iwasan ang panginginig? Baka mamaya maihi ka diyan, ayaw ko ng mabaho dito sa opisina ko," mapang-insultong sambit ko sa kanya bago siya pinabalik sa upuan niya.
Maya's POV
Nang makabalik ako sa desk ko, para akong binagsakan ng langit at lupa. Rinig na rinig ko pa ang bawat paghigop niya ng kape mula sa table niya, habang ako nakatulala sa harap ng laptop habang nanginginig pa rin ang mga kamay ko sa takot at inis.
Grabe siya! Ang sama-sama talaga ng ugali! Akala mo kung sino porket gwapo—ay este, pogi ba siya? Hindi no! Demonyo siya! singhal ko sa sarili ko habang pilit na kinakagat ang labi ko para pigilan ang pagsinghap.
Maya, pigil ka. Kailangan mo ang trabahong 'to. Tatlong milyon ang utang niyo. Si Mama... si Mama ang isipin mo.
Pero habang iniisip ko si Mama at ang mga gamot niyang paubos na, saka naman bumigat nang sabay ang dibdib ko. Parang may bumabara sa lalamunan ko na ayaw nang lumabas. Naramdaman ko na lang ang pag-init ng sulok ng mga mata ko at ang pag-unahan ng mga luhang pilit kong pinipigilan sa harap ng demonyong 'yon.
Hindi ko na kaya. Sasabog na ang dibdib ko.
Dahan-dahan akong tumayo, yumuko nang bahagya kay Atty. Ben na mukhang nag-aalala ring nakatingin sa akin, saka ako naglakas-loob na magsalita nang pabulong.
"S-sir Ian... B-boss... pwede po bang mag-cr lang mabilis?" nanginginig kong paalam kahit alam kong nakatingin siya sa akin mula sa malayo.
Hindi niya ako sinagot agad. Nanatili siyang nakaupo habang umiinom ng kape, saka malamig na tumango na parang pinagbibigyan ang isang asong ulol.
"Limang minuto lang. Kung lumagpas ka, kaltas sa suweldo," malamig na utos niya.
Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Mabilis akong tumalikod at halos takbuhin ang comfort room malapit sa executive suite. Pagpasok ko sa loob, mabilis kong isinara at ni-lock ang pinto ng cubicle.
Doon na bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Huhu... Ang sama-sama niya! Bakit ba napakamalas ko?!
Napaupo ako sa sahig ng cubicle habang mahigpit na tinakpan ng dalawang kamay ang bibig ko para hindi marinig ang pag-iyak ko. Doon ko binuhos ang lahat ng inis, pagod, at takot. Umiyak ako nang malaya—para sa pride kong tinapak-tapakan niya, para sa sweldong kailangan ko, at higit sa lahat, para kay Mama na naghihintay sa bahay.
Kainis ka, Ian Alcantara! Humanda ka rin, gaganti rin ako sa'yo balang araw!