C7 Ang Pagkatok na Sablay
Ian's POV
Ang sarap talaga pag-tripan ang babaeng 'yun, lalo na kapag manginginig ang mga tuhod niya sa takot.Katatapos ko lang kumain at papunta na ako pabalik sa opisina. Pagdating ko doon, si Atty. Ben lang ang nakita ko. "Teka, nasaan si Maya?" tanong ko.Hindi ko alam kung bakit ko siya biglang hinanap. Wala naman akong pakialam sa mga tao dito, lalo na sa mga P.A.Biglang napatingin si Atty. Ben sa akin.
"Hindi pa, baka papunta na," sagot ni Atty. Ben sa akin.
"Papunta na, o baka umuwi na?" sagot ko na may ngisi, sabay upo sa desk ko at ipinatong ang mga paa ko rito.
"Don't worry, babalik 'yun," sagot ni Atty. Ben na may kakaibang ngiti kaya hindi ko nalang pinansin.
Ilang saglit pa, biglang bumukas ang pinto.
"Good afternoon, Atty. Ben and Boss Ian," bati ni Maya na may pulang pisngi—halatang nag-makeup.
"Di ka ba marunong kumatok?" inis kong tanong.
"A-ay, so-sorry, Boss Ian," utal niyang sabi.Wait lang. Sambit niya agad sabay labas pabalik ng pinto, dahilan para kumunot ang noo ko. Napansin ko rin si Atty. Ben na nakakunot din ang noo.Pagkalabas niya, ilang sandali lang ay may kumatok na. Napakamot ako ng ulo; hindi ko alam kung inasar ba ako ng babaeng 'to o sadyang may pagkatanga siya.
Samantala, si Atty. Ben ay napatawa na lang ng mahina habang tinatakpan ang bibig.
"Sige, pasok," sabi ko.Agad namang pumasok si Maya. "Good afternoon, Atty. Ben and Boss Ian," sabi niya ulit.
ngunit Tinaasan ko lang siya ng kilay. Agad naman siyang tumalikod sa akin at naupo sa tabi ni Atty. Ben. Ako naman, hindi ko napigilang sundan siya ng tingin.
Maya's POV
Akala ko sisigawan na naman ako ni Boss, buti na lang at inis lang ang ibinigay niyang tanong. Bakit ko ba kasi nakalimutang kumatok? Hayst! Kaya naman lumabas ulit ako para kumatok nang maayos dahil hindi ko na alam ang gagawin ko—yun na lang ang tanging naisip ko.
Nang pumasok ako ulit, tinaasan niya lang ako ng kilay kaya dahan-dahan akong naglakad papunta sa desk ko. Buti na lang nandito si Atty. Ben, kundi baka nahimatay na ako dito sa kaba! busog na busog pa naman ako sa kinain namin kanina, bahala na—ang importante, hindi niya ako sinigawan nang grabe.
Pagka-upo ko, agad na kaming nagsimula sa pagtatrabaho. Ang dami kong notes para hindi ko makalimutan ang itinuro ni Atty ni Ben.
Makalipas ang ilang oras sa pagtatrabaho—mga 4:50 PM na—kada minuto na akong tumitingin sa orasan dahil gusto ko na talagang umuwi. Sinubukan ko ring tingnan si Boss. Pagtingin ko, nakatingin pala siya sa akin, dahilan para magtagpo ang mga mata namin. Agad naman niya akong inirapan at nag-iwas ng tingin, kaya napayuko ako bigla. Pagkatapos ay palihim ulit akong tumingin sa orasan. Hay, salamat, malapit na, bulong ko sa sarili ko.
Ilang sandali pa, nagpaalam na si Atty. Ben. "Oh, Maya, ikaw muna rito ha, may ayusin lang ako. Mga 5:00 PM pwede ka na ring umuwi," sabi sa akin ni Atty. Ben.
Napalunok ako ng laway. Seryoso? iiwan niya ako rito kasama ang masungit kong boss?!
"Si-sige po, Atty.," sagot ko na lang.
Pagkaalis ni Atty. Ben, naging awkward at napakatahimik ng buong opisina.
Pagsapit ng 5:00 PM, sobrang saya ko dahil uwian na! Matapos kong i-arrange ang mga gamit ko, bigla akong tinawag ni Boss Ian.
"Maya, linisin mo ang mesa ko. Dapat malinis, ha!" utos niya.
"S-sige po, Boss," sagot ko at sinimulan ko na ngang maglinis.
Pero sa di-inaasahang pagkakataon, habang nagpupunas ako, biglang natapilok ang heels ko sa gilid ng desk niya, dahilan para madulas ako at halos mapasubsob! Mabuti na lang at mabilis siyang kumilos at nasalo niya ako—nakahawak siya nang mahigpit sa baywang ko.
"Hay naku, ang clumsy mo!" inis na sambit ni Boss.
Agad naman akong tumayo at humiwalay sa kanya, at nakita ko agad siyang nag-spray ng alcohol sa mga kamay niya.
"Umalis ka na nga, ako na ang maglilinis dito!" galit niyang utos.
Agad naman akong lumabas ng opisina niya. Paglabas ko, napabuntong-hininga ako nang malalim.
"Hoy! Anong nangyari sa'yo? Kaya pa ba?" tanong agad ni Ariel na kasama si Olah, kaya nagulat ako nang bahagya.
"Ayy, teka, grabe 'to! Multo ba kami?" biro ni Ariel habang itinuturo ang sarili niya.
"Sorry naman!" agad kong sagot.
Si Olah naman, agad akong hinawakan sa braso. "Beshy, bar tayo!" aya niya sa akin.
"Oo nga, beshy!" sabat naman ni Ariel.
"Beshy?" ulit ko.
"Oo, simula ngayon, beshy na ang tawagan nating tatlo!" masayang sambit ni Olah habang sabay pa silang nagpapacute ng ngiti sa akin.
"Ok, beshy!" masayang sagot ko, dahilan para kahit paano ay makalimutan ko ang nakaka-stress na mukha at kasungitan ni Ian.
Pagkatapos ay naglakad na nga kami papunta sa elevator.
"Ano, sasama ka ba?" tanong sa akin ni Olah.
"Sino kasama natin mag-bar?" tanong ko.
"Tayong tatlo!" sagot agad ni Olah.
"Sige, pero uuwi muna ako sa bahay, magpapaalam muna ako kay Mama," sagot ko.
"Ayy, ilang taon ka na ba?" tanong ni Ariel.
"27," sagot ko agad.
"27 ka na pala, bakit kailangan mo pa magpaalam?" hirit ni Ariel sabay tawa.
"Ganun kasi ako, ayaw ko mag-alala ang Mama ko lalo na't kami na lang dalawa ang magkasama," sagot ko naman.
Bigla namang tumahimik ang paligid habang seryoso silang nakinig sa sinabi ko, hanggang sa nakarating kami sa labas ng building.
"Sige, basta tatawag ka ha! Magtatampo talaga kami sa'yo o kaya hindi ka na namin papansinin," banta ni Ariel na may halong biro.
"Promise!" sagot ko.
"Yehey!" sabay na sabi ng dalawa.
"Pero kailangan din nating umuwi muna para magbihis, no? Kasi kahit na naka-aircon tayo buong araw, siguradong amoy-pawis at amoy-trabaho pa rin tayo," sabi naman ni Olah habang inaamoy ang sarili niya.
"Paano naman kung may makilala tayong cute na guy mamaya?" kinikilig na dagdag ni Olah sabay pa-cute sa kawalan at nagpapaypay pa gamit ang kamay niya.
"Ay, oo nga noh! Sayang naman ang ganda natin kung mukha tayong basang sisiw sa bar," segunda agad ni Ariel na nagniningning din ang mga mata habang naiisip ang mga lalaki.
Natawa na lang ako nang mahina habang pinapanood silang dalawa na sabay pang pumapalakpak habang nagde-daydream tungkol sa mga makikilala nilang pogi.
Grabe, literal na iisang utak lang ang ginagamit ng dalawang 'to pagdating sa mga lalaki at sa gimik! Kahit papaano, nawala ang takot ko kay Boss Ian dahil sa kulit nila.
