My Autistic Boss/C3 The Unexpected Offer
+ Add to Library
My Autistic Boss/C3 The Unexpected Offer
+ Add to Library

C3 The Unexpected Offer

Maya's POV

Dahil namugto na ang mga mata ko, nagpasya muna akong maligo para gumaan ang pakiramdam ko. Pagkatapos kong maligo, humarap ako sa salamin at nakita ko ang mga mata kong halatang kakaiyak lang. Huminga ako nang malalim. Kailangan ko 'tong puntahan. Scam man o hindi, at least sinubukan ko, sabi ko saisip ko.

Pagkatapos, nagsimula na akong mag-retouch ng mukha ko. Buti na lang talaga at may binigay sa akin na makeup ang kaibigan ko. Matapos kong mag-ayos, nagsuot ako ng formal na damit dahil Personal Assistant ang inaaplayan ko base sa nakasaad sa email.

Habang nasa jeep ako papuntang BGC, pakiramdam ko ay lalo pang bumibilis ang tibok ng puso ko. Paulit-ulit kong tiningnan ang relo ko. Alas-dose y medya na!

Lord, please naman po, huwag ninyo akong pabayaan sa trapiko, dasal ko habang mahigpit na hawak ang strap ng luma kong bag. Sakto namang lumuwag ang daloy ng trapiko kaya medyo nakahinga ako nang maluwag.

Nang makarating ako sa tapat ng napakataas at mamahaling gusali ng Alcantara Tech Solutions, napatulala ako nang ilang segundo. Ang ganda at ang linis ng building—parang hindi nababagay ang isang tulad ko dito.

Nanginig ang mga tuhod ko nang humakbang ako papasok sa grand lobby. Sobrang lamig dahil sa aircon, pero pinagpapawisan na ako nang malamig. Lumapit ako sa nakangiting receptionist sa front desk.

"G-good afternoon po. May interview po sana ako rito... kay Atty. Ben Santos po para sa Personal Assistant position," sabi ko habang pilit na pinatatag ang boses ko.

Tiningnan ako ng receptionist mula ulo hanggang paa. Sandali siyang nagtingin sa computer bago ngumiti nang pormal. "Ah, yes, Ms. Cruz. You're expected. 15th floor, Executive Suites. Go straight to the elevator over there."

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Totoo nga! Hindi ito scam!

"S-salamat po," sabi ko habang mabilis na naglakad patungo sa elevator.

Habang umaakyat ang elevator, lalong sumisikip ang dibdib ko. Hindi ko alam kung anong klaseng kumpanya o anong klaseng boss ang naghihintay sa akin sa taas. Ang importante ay matanggap ako sa kumpanyang ito... para kay Mama, bulong ko sa sarili ko.

Pagbukas ng elevator sa 15th floor, sinalubong agad ako ng katahimikan at ng mamahaling amoy ng hallway.

"Ms. Maya Cruz?" tawag ng isang lalaking naka-suit na may kalmadong ngiti.

Agad akong tumango at ngumiti nang alanganin. "O-opo, sir," utal kong sabi. Parang pamilyar ang mukha niya sa akin—parang nakita ko na siya somewhere—pero diko na lang pinansin. Hindi ako nandito para alalahanin ang mga taong pamilyar sa paningin ko.

"I'm Atty. Ben Santos," pagpapakilala niya habang nakipagkamayan. "Halika, pasok tayo sa aking opisina bago natin simulan ang interview."

Mas lalo akong kinabahan nang marinig ang pangalan niya. Siya pala mismo ang nagpadala ng email! Habang naglalakad kami patungo sa opisina, pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Nang makaupo kami sa loob, sinimulan na niya akong tanungin tungkol sa background ko.

"Deretsuhin na kita, Ms. Maya. Base sa email na pinadala ko, ang kailangan namin ay Personal Assistant. Ngayon, tanungin kita. willing ka ba magtrabaho bilang personal assistant ng CEO?"

"O-opo," utal kong sagot na may kasamang kaba.

"Kahit na sabihin ko na isa siyang autistic na CEO?" sabi niya ulit, dahilan para mapatigil ako.

"A-autistic siya?" ulit ko.

"Oo," sagot niya agad.

Nag-isip muna ako sa isasagot ko. Ilang sandali pa lang akong hindi nakakapag-decide, agad niya akong inalok ng malaking halaga.

"100k per month ang sahod mo," bungad niya sa akin, dahilan para manlaki ang mga mata ko.

"Per month... 100k? Seryoso ba kayo?"

"Seryoso ako, Ms. Maya Cruz," agad na sagot ni Atty. Ben.

Mas kinabahan ako dahil hindi ko alam kung anong klaseng autistic na CEO ang magiging amo ko. Pero biglang nag-flashback sa akin na may tatlong milyon kaming utang sa bangko at kapag hindi namin mabayaran 'yun, mawawala ang bahay namin. Tapos, naaalala ko si Mama kanina—kung paano siya kagutom habang kumakain ng isang pirasong nilagang kamote...

Huminga ako ng malalim saka nag desisyon.

"Tatanggapin ko po. Desidido na po ako," sambit ko.

"Hay salamat mabuti naman. Ngayon, may pirmahan kang kontrata," sabi niya sa akin na may ngiti sa labi at agad inilapag ang mga dokumento sa mesa. "Pwede mo munang basahin," dagdag niya.

Nabasa ko sa kontrata na 100k ang per-month salary ko, tapos may 30k pa akong allowance kada buwan at libreng insurance. Dahil sa laki ng tulong nito para sa pamilya ko, agad ko itong pinirmahan habang nanginginig ang mga kamay ko.

"Salamat at pumayag ka. Malaking tulong 'to sa 'kin; huwag kang mag-alala, gagabayan kita sa boss mo," sabi niya sa akin.

"Salamat po kung ganoon," sagot ko naman sa kanya.

"Willing ka bang magsimula agad bukas?" tanong niya.

"Opo..." sagot ko, pero bigla akong napatigil nang may iabot siyang puting sobre.

"Ano 'to, sir?" tanong ko sabay silip sa laman. Napatigil ako nang makitang pera pala ang naroon.

"20k 'yan. Bonus mo dahil tinanggap mo ang offer ko," sabi niya sa akin.

"Naku, salamat po! Laking tulong na 'to sa amin, salamat po talaga!" bulalas ko sa kanya.

Agad siyang tumayo at nakipagkamay sa akin. "See you tomorrow, Ms. Maya," sabi niya.

Agad din akong tumayo at tinanggap ang kamay niya. "Sige po."

Pagkatapos ay nagpaalam na ako at lumabas sa kanyang opisina, puno ng kaba at saya habang hawak ang sobre. Salamat, Lord... bulong ko sa isip ko.

Pagkalabas ko ng opisina ni Atty Ben, muli kong tiningnan ang perang nagkakahalaga ng dalawang libo—ay, dalawampung libo pala! Agad ko itong niyakap habang napaluha. Sa wakas, makakabili na kami ng pagkain! Pagkatapos kong mayakap ang sobre, agad ko itong inilagay nang maayos sa bag ko.

Paglabas ko ng gusali, sumakay ako ng jeep at dumiretso sa palengke para mamili ng bigas at mga uulamin namin ngayong gabi.

Pagdating ko sa bahay, agad akong sinalubong ni Mama na puno ng pagtataka at pangamba ang mga mata.

"Anak, saan mo nakuha ang perang pambili diyan? Teka, binenta mo ba ang sarili mo? O nag-nakaw ka ba?!" sunod-sunod na tanong ni Mama. Bago pa man ako makapagsalita, nagsalita ulit siya nang may nanginginig na boses, "Anak, mas gusto ko pang tumira tayo sa kalsada at mamulot na lang ng basura kaysa magnakaw ka o ibenta mo ang katawan mo!"

"Ma naman, pagpasalita-in mo muna kaya ako," pagpigil ko sa kanya habang nakangiti. "Natanggap kasi ako sa inaplayan ko bilang Personal Assistant sa Alcantara Tech Solutions, tapos binigyan pa ako ng bonus na twenty thousand!" paliwanag ko kay Mama.

Biglang nanlaki ang mga mata niya. "Twenty thousand?!" gulat na tanong niya. "At Alcantara Tech Solutions? Teka, 'yun ba 'yung napakalaking building sa BGC?"

"Opo, Ma! 'Yun na nga po," sagot ko.

Agad naman niya akong tinulungang ipasok ang mga pinamili ko. May nakita si Mama na tinapay sa cellophane, agad niya itong kinuha at kinain. Napatingin ako sa kanya—grabe ang awa ko kay Mama, talagang gutom na gutom siya kanina pa.

"Ma, may binili akong gatas. Mag-init ako ng tubig," sabi ko sabay kuha ng takuri.

"Naku, salamat, anak. Ako na sana dyan..." sabi ni Mama habang puno pa ang bibig sa pagnguya ng tinapay.

"Ma, ok pa kaya ang ref natin? Ilang buwan na nating hindi nagamit 'to, eh," tanong ko nang makitang nakatengga ito sa gilid.

"Mukhang okay pa naman yata, anak. Lilinisin ko 'yan ngayon na," sabi niya sa akin.

"Ako na po ang maglilinis, Ma. Magmeryenda muna kayo dyan," sabi ko na may ngiti sa labi.

Ngumiti rin si Mama habang patuloy pa rin sa pagsubo ng tinapay. Agad ko siyang niyakap nang mahigpit.

Simula ngayon, Ma... hindi na tayo magugutom, bulong ko sa aking sarili.

Report
Share
Comments
|
New chapter is coming soon
+ Add to Library

Write a Review

Write a Review
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height