My Boyfriend's Secret Lover/C10 Charles' Eyes
+ Add to Library
My Boyfriend's Secret Lover/C10 Charles' Eyes
+ Add to Library

C10 Charles' Eyes

Celine's POV

Paglapit ni Marc sa amin ay agad niya akong niyakap.

"I miss you babe," sabi niya habang lalong humigpit iyong pagkakayakap niya.

"Babe errr— Amoy pawis ka!" Biro ko sa kanya habang tinutulak siya para kumawala sa pagkakayakap niya.

Agad naman niya akong pinaningkitan ng mata.

"Tsk. Mabango naman, 'di ba? Paborito mo ngang inaamoy eh." Ngumisi siya habang nakatingin sa akin.

"Ewww. Ewan ko sayo." Tumawa lang ako sabay hampas sa braso niya.

"Hmf!" Ngumuso siya.

Dumadalas pagpapa-cute ng boyfriend ko ah. Huwag ganyan, marupok ako!

"Anyway, congrats pala!" Ngumiti ako at kumindat sa kanya.

"Hindi ko naman maipapanalo 'yong game kung wala ka eh." Ngumiti siya pabalik.

"Tsk. Bolero." I pinched his nose.

"Haaay, ewan ko ba sa iyo. Ang tagal na noong last mong pinanood 'yong mga games ko."

Napatigil ako at nagkatinginan kami ni Shaira sa sinabi ni Marc. Wala kase akong pinalalampas na games niya. Sadyang 'di lang ako lumalapit at nagpapakita dahil ayaw kong ma-istorbo siya kasama 'yong mga babae niya.

"Ahem. Congrats!" Binasag ni Shaira ang katahimikan at ngumiti kay Marc.

"Choy! Ikaw pala! Salamat!" Kinurot ni Marc iyong pisngi niya.

"Don't call me Choy! At huwag mo nga akong kurutin! Hindi tayo close!" Maktol ni Shaira. HAHAHA 'Choy' short for Tabachoy.

Natigil iyong asaran namin nang...

"Ahm, hi," nakangiting bati ni Charles sa amin.

"Congrats!" sabi ni Charles kay Marc sabay alok ng kamay niya.

"Salamat. Congrats din, malakas ang team natin this year. Good game!" sabi naman ni Marc at kinamayan si Charles.

Ewan ko ba, pero sa t'wing magkaharap sina Charles at Marc parang ang awkward na ewan. Lalo na ngayon kase kanina sa court ang init nila at medyo nagkakapikunan.

"Oo nga! Ang galing mo Charles!" sabi ko at ngumiti kay Charles.

Ngumiti naman pabalik si Charles sa akin.

"Ahem." Napatingin ako kay Marc.

"Lalo na iyong captain niyo! Sobrang galing!" Pahabol ko.

This time, si Marc naman ang may malapad na ngiti.

"Hanggat nandito ka, talagang magaling ako," banat ni Marc.

"Haaay. Ang daming langgam." Parinig ni Shaira.

"Inggit ka lang kase Choy! Puro ka kase pagkain, ang taba mo tuloy." Pang-aasar ni Marc.

"Bad ka! Charles oh! Mataba raw ako huhuhu!" Maktol ni Shaira at nagsumbong pa kay Charles.

"Totoo naman eh. HAHAHA." Tumawa lang si Charles.

"Hala ganyan? Kampihan? Tulungan? Huhuhu. Best friend oh, pinagtutulungan ako! Huhuhu, protect me! Defend me!" Sumbong niya sakin.

"HAHAHA, hindi naman siya mataba eh" Sabi ko.

Lumapad iyong ngiti ni Shaira.

"Chubby lang. HAHAHA." Nagtawanan kame, habang si Shaira naman nagdadabog.

"Gutom na ako," putol ni Marc.

"Tingnan mo iyang boyfriend mo! Sasabihan akong mahilig sa pagkain eh siya naman pala 'yong patay gutom!" biglang sabi ni Shaira.

"At least 'di ako mataba. HAHAHA!" sagot ni Marc.

"I hate you all! Isusumbong ko kayo! Isusumpa ko kayo!" parang batang sabi ni Marc.

Tumawa lang ako tapos niyakap si Shaira.

"You're still pretty, okay?" sabi ko.

"Hmmm sige na nga! Pinapatawad ko na kayo!" sabi niya.

Napatingin ako kay Marc nang marinig ko ang tiyan niya.

"Gutom ka na? Punta tayo sa canteen?" tanong ko.

"Hmmm, ayaw ko ro'n," tugon ni Marc.

"Restaurant?"

"Ayaw rin..."

"Eh saan mo gusto?"

"Sa bahay niyo."

"Sa bahay namin?!"

"Oo, bakit?"

"Wala. Sure ka?"

"Oo naman. Bakit? Ayaw mo na ba akong pumunta ro'n kase may iba ng dumadalaw sa iyo?" .

"Para kang sira! Sige sa bahay na."

"Yes! Tsaka para mas matagal pa kitang makasama," sabi niya sabay kindat.

"Ahem." Basag ni Charles.

Napatingin kame kay Charles.

"Sorry. Natuyuan ata ako ng pawis eh kaya inuubo ako," pangangatwiran niya.

"Ayyy oo nga! Ikaw babe, palit ka agad ha? Baka ikaw yung ubuhin," sabi ko sabay abot ng towel kay Marc.

Napatingin lang sa akin si Charles.

"Ouch!" sabi ni Shaira. This time, sa kanya naman kame napatingin.

"Nakagat ako ng langgam. Hehe, ang sweet niyo kase eh," sabi niya sa amin.

"Hmmm sama kayo?" tanong ko kina Shaira at Charles.

Nagkatinginan silang tatlo.

"Eh miss ka na rin kase sa amin, best. Tsaka ikaw naman Charles, para makilala ka rin nina mama. Masarap magluto si mama!" dagdag ko.

"Oo nga! Maraming puno at halaman sa kanila, makakapag-relax kayo," sabat naman ni Marc.

"Hmmm, ako hindi na best. May gagawin pa ako, tsaka baka makasira ako ng moment niyo. Sa susunod na lang," tugon ni Shaira.

"Hindi rin ako pwede. May gagawin ako," saad ni Charles.

"Sure kayo?" tanong ko ulit.

Tumango sila.

"Hmmm oki! So, bye. See you na lang. Ingat kayo!" sabi ko.

"Sige ingat kayo. Ingatan mo iyang best friend ko ah! Dadaganan kita kapag sinaktan mo iyan!" biro ni Shaira.

"Oo naman. Ako pa? Love ko kaya ito," sabi naman ni Marc at ginulo ang buhok ko.

Napansin kong biglang naging tahimik si Charles. Noong napansin niyang nakatingin ako sa kanya, yumuko siya.

"Sige bro, choy. Alis na kame," paalam ni Marc, sabay akbay sa akin.

"Bye Best! Bye Charles!" paalam ko.

Kinuha ni Marc 'yung mga gamit ko. Then nag-wave ako ulit kina Charles at Shaira. Nag-smile sila pero as usual, malungkot ang mata ni Charles. Bakit kaya? Hmmm pagod lang siguro siya.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height