+ Add to Library
+ Add to Library

C11 Marc Is Back

Celine's POV

Naglakad na kame palayo kina Charles at Shaira. Nakaakbay pa rin sa akin si Marc.

"Tsk. 'Wag mo nga akong akbayan! Ang pawis mo!" reklamo ko.

"Okay. Edi 'wag!" sabi niya sabay layo sa akin. HAHAHA! Ang cute talaga niya magtampo.

Ilang minuto pa lang ang lumipas, hinawakan na niya ulit iyong kamay ko pero hindi tumitingin sa akin. Tampo iyan?

"Waaah! 'Yong bag ko! Bakit suot mo?! 'Yong pawis mo! Aish!" pabirong sabi ko sa kanya.

"Tss! Gusto mo rin eh! Edi 'pag wala ako sa tabi mo, yakapin mo lang itong bag mo. Alam ko namang pinagpapantasyahan mo ako eh." He grinned.

"Ang kapal ng mukha mo!" Tinulak ko siya.

"Alam ko naman na palagi mo akong nami-miss," sabi niya pa.

"Seriously?" Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Basta ako, palagi kitang nami-miss," seryoso niyang sabi.

Napahinto ako sa sinabi niya. Magkahalong emosyon eh. May parang mabigat nang marinig ko iyon pero mas nangingibabaw iyong saya.

"Ano na? Magtititigan na lang tayo?" basag ko dahil kanina pa kami nakatingin sa isa't isa.

"HAHAHA, ikaw? Mukhang nag-eenjoy kang titigan ako eh." Pang-aasar niya.

I just rolled my eyes.

"Ewww. Tara na nga! Gutom ka na, 'di ba?"

He chuckled.

"Tara na. Sakay na," sabi niya sabay gulo sa buhok ko.

Pangalawang gulo na iyan ah.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan tapos sumakay na ako. Pagkapasok niya, biglang siyang naghubad ng pantaas.

Nagtakip naman ako ng mata, "Anong ginagawa mo?"

Naaninag ko na ngumisi siya.

"Hmmm..." lumapit siya sa akin at inalis ang kamay ko sa mukha ko.

"Oy! Marc Robert Lim, binabalaan kita!" sabi ko sabay duro sa kanya.

"Bakit? Isusuot ko lang po iyong seat belt mo," sabi niya sabay ngisi.

Sinuot naman niya iyong seat belt sa akin, "Anong akala mo? Hahalikan kita?"

"May sinabi ako?"

"Tsk. Hindi kita hahalikan. Mamaya pa," sabi niya sabay kindat.

Gosh, sa tingin ko namumula ako!

Kumuha siya ng extra shirt. Nagpunas muna siya ng pawis.

"Magbibihis na ba ako o tititigan mo pa?"

"Tse!" sabi ko sabay tingin sa bintana.

Noong tapos na siyang magbihis ay nagmaneho na siya. Kahit nagmamaneho siya, 'di niya ako tinigilan sa kakaasar niya. Basta, ang saya! Masaya ako.

Bago dumiretso sa bahay, pumunta muna kami sa palengke para bumili ng sangkap sa ipapaluto raw niya.

Pagdating sa bahay, pagkahinto pa lang ng kotse—

"Mama! Mama! Si Ate tsaka si Kuya Marc nandito!" sigaw ni James. Halatang excited 'no? Miss na niya ako eh. Joke! Miss na niya si Marc.

Bumaba na ng kotse si Marc tapos binuksan niya 'yong pinto para sa akin. Pababa pa lang ako...

"Kuya Marc? Bakit 'di ka na pumupunta rito? Bakit ngayon ka lang ulit pumunta? Busy ka ba? Kumusta ka na? Kailan tayo maglalaro ulit ng basketball?" sunod-sunod na tanong ng kapatid ko.

Ti-nap lang ni Marc yung ulo ni James.

"Busy eh. Pero hayaan mo babawi ako sa iyo. Maglalaro tayo ng basketball mamaya. Okay?" sabi ni Marc kay James.

"Ayooos! Yes!" masayang sabi ni James sabay high five kay Marc.

Ngumiti lang si Marc.

"Tara na kuya! Laro na tayo! Kukunin ko lang iyong bola!" masiglang sabi ni James sabay takbo papunta sa loob ng bahay.

"Magpahinga ka muna," sabi ko kay Marc.

"HAHAHA, mahal na mahal mo talaga ako 'no?" nakangiting saad niya.

Sakto namang lumabas si Mama. Nagmano si Marc kay Mama.

"Ma, long time no see." Bati ni Marc. HAHAHA, natatawa lang ako kase parang magkabarkada lang sila eh.

"Oh Marc, buti bumisita ka?" tanong ni Mama.

"Syempre, Ma! Miss ko na po kase iyong luto niyo. Bumili nga po ako ng sangkap kaso 'di ko alam lutuin, sayang. Gutom na pa naman ako," parinig ni Marc at humawak pa nga sa t'yan niya.

"Ikaw talagang bata ka, parinig pa? Akin na. Ipagluluto ko na kayo," natatawang sabi ni Mama.

"Ayun! HAHAHA! The best ka talaga, Ma! Heto po." Binigay ni Marc 'yong mga binili naming sangkap for sinigang. Favorite kase ni Marc 'yon lalo na kapag luto ni Mama.

"Kuya! Basketball na tayo!" Aya ni James.

Tumingin sa akin si Marc.

"Sige na. Laro na kayo bago kumain. Tulungan ko na si Mama magluto," sabi ko.

"Sige babe. Pero tulong lang ha? 'Wag mong pakialaman, baka mag-iba yung lasa," nakangising sabi ni Marc.

"Grabe ka sa akin! Masarap din kaya luto ko!"

"HAHAHA, biro lang babe. Sige na laro lang kame ah." He kissed my forehead then naglaro na sila.

Ako naman, pumasok na at dumiretso sa kusina. Pagdating doon...

"Mukhang okay naman kayo," bungad ni Mama.

"Hmmm, opo," tango ko.

Habang nasa loob, 'di ko pa rin maiwasang tumingin sa labas. Napapangiti na lang ako sa nakikita ko. Siya si Marc, ang taong mahal na mahal ko... Ang taong nagpapasaya sa akin...

Bumalik na siya.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height