My Boyfriend's Secret Lover/C12 I'm Willing To Set You Free
+ Add to Library
My Boyfriend's Secret Lover/C12 I'm Willing To Set You Free
+ Add to Library

C12 I'm Willing To Set You Free

Celine's POV

"Luto na!" masigla kong sabi pagkalabas ko ng bahay.

Kahit na naglalaro pa sila ay agad na tumakbo si Marc diretso sa kusina at kumuha agad ng kutsara tapos tumikim.

"Ayos! Ang sarap talaga. The best ka talaga, Ma!" sabi niya kay Mama.

"Basketball player ka nga. Bolero kang bata ka," tatawa-tawang tugon ni Mama.

"Totoo naman, Ma eh. Walang halong biro at pambobola. Tara na! Gutom na ako. Pinagod ako ni James eh. Tara, doon tayo sa labas! Presko roon!" Anyaya ni Marc tapos nauna ng lumabas dala-dala 'yong pagkain.

Halatang excited siya eh HAHAHA.

Sinundan namin siya at nagdala ng mga kubyertos. Sabay-sabay kaming kumain. Si Marc, ayon sinusubuan pa ako. Tss mainit kaya huhuhu. Ito namang si James, kabata-bata pa eh sobrang malisyoso na.

"Kuya Marc, bakit ang galing mong mag-basketball?" biglang tanong ni James kay Marc.

"Hmmm, bakit nga ba? Syempre practice lang 'yan James tsaka dapat may inspirasyon ka," sabi ni Marc sabay sulyap sa akin.

"Ahhh, edi may inspirasyon ka?" inosente pero malisyoso niyang tanong.

"Oo naman! Ang ate mo," nakangiting sabi niya.

"Ayiee, edi iniisip mo pala si Ate kapag naglalaro ka? Hmp. Ako kase kapag si Ate iniisip ko, nadi-distract ako eh. Nawawala ako sa focus. Ang panget kase," panirang sabi ni James.

"Loko kang bata ka ah. Hindi ka marunong rumespeto sa ate mo," biro ko sa kanya.

"HAHAHAHA!" malakas na tawa ni Marc. Tsk.

"Maiba ako hijo, bakit ngayon ka na lang nadalaw dito?" tanong ni Mama kay Marc.

"Ahhh..." Tumingin siya sa akin pero umiwas ako.

"Medyo busy po kase eh," tipid na sagot niya.

"Akala ko kase..." Tiningnan ako ni mama. "Wala ba kayong problema nitong si Celine?" diretsong tanong ni Mama. Errr ano ba 'yan?

Napatingin ako kay Marc at alam kong titingin din siya sa akin kaya umiwas na ako ulit.

"Wala po, Ma. Maayos po ang pagsasama namin ni Celine. May problema man minsan, inaayos naman po namin agad," sabi ni Marc sabay hawak sa kamay ko.

Matagal na katahimikan ang bumalot sa amin. Natigil ang mga asaran tapos nagpatuloy na lang kame sa pagkain. Pagkatapos kumain, nagpahinga lang siya nang kaunti tapos nagpaalam na kina Mama at James.

"Babe..."

Nandito kami ngayon sa labas ng bahay namin para ihati siya papunta sa kotse niya.

"Hmmm?" tugon ko.

"Sorry ah?" sabi niya sabay hawak sa kamay ko at yumuko.

"Hmmm..." 'Yan lang ang naging tugon ko.

"Nasasaktan na ba kita? Hays sorry talaga ah?" Nagbuntong-hininga siya. "Kung hindi mo na kaya at ayaw mo na, sabihin mo lang sa akin ah? Pakakawalan na kita..."

Nabigla ako sa narinig ko. As in hindi ko in-expect na sasabihin niya iyon... Ang mas nagpabigla pa sa akin ay noong magsimula siyang umiyak. After almost two years, nakita ko ulit siyang umiyak. Parang may kumurot sa puso ko na hindi ko mawari. I touched his face then wiped his tears.

"Hinding hindi ako magsasawa. Hinding hindi ako bibitaw. Hanggat kailangan mo pa ako, hindi ako susuko. Hanggat mahal mo pa ako..." Kahit na sinasaktan mo ako. Hays.

He smiled then said..

"Babe, mahal na mahal na mahal na mahal kita na mahal na mahal kita. Ikaw lang 'yong babaeng minahal ko nang ganito. Ikaw lang iyong nag-iisang babaeng minahal ko ng ganito. Babawi ako sa iyo. Babawi ako, promise," saad niya habang nakangiti at hawak ang kamay ko.

"Mahal din kita," tugon ko.

"I am really sorry kung nasasaktan ka nang dahil sa akin. Sorry kung nahihirapan ka, kung napapagod ka. Sorry kung kailangan mong maramdaman lahat ng iyon samantalang wala ka namang ibang ginawa kung hindi mahalin ako," malungkot na sabi niya.

Ngiti lang ang naging sagot ko sa kanya.

"Hindi ako madalas magpasalamat pero gusto kong malaman mo na I really appreciate all of your love and care para sa akin. Your support, appreciation. Thank you for always believing in me and for not giving up on us. Sorry kung sakit 'yong sinusukli ko." Patuloy lang iyong pagluha niya.

"But I promise, babawi talaga ako sa iyo. Promise iyan," aniya tapos ay niyakap ako.

Hindi ako sumasagot. Tanging ngiti, tango at tingin lang nagiging tugon ko sa bawat sinasabi niya. Hindi dahil sa wala akong maisagot kung hindi dahil ayaw ko talagang sumagot. Hindi ko alam kung paano magsalita at kung ano ang dapat kong sabihin kaya nakinig lang ako at naniwala.

Matagal kaming nanatiling magkayakap at pagkatapos ng madrama naming pag-uusap, umalis na siya. With goodbye kiss pa hmp.

Napabuntong-hininga na lang ako pag-andar ng kotse niya.

Haaay0, ewan ko ba. Parang masaya ako na malungkot na ewan. Masaya kase nag-thank you at nag-sorry siya na hindi naman niya talagang ginagawa. Naiintindihan niya 'yong nararamdaman ko, na-appreciate lahat ng ginagawa ko at sinabi at pinaramdam niya sa akin na mahal noya ako.

Pero malungkot kase... Hindi ko in-expect na sasabihin niya sa akin na handa niya akong pakawalan, na handa niya akong bitawan. Dapat ba akong matuwa do'n o hindi? Pakawalan?

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height