+ Add to Library
+ Add to Library

C13 Bipolar

Celine's POV

KINABUKASAN

"Waaah! Bespren! Anyareee?" bungad sa akin ni Shaira pagkapasok na pagkapasok ko sa room.

Hindi ko siya pinansin at umupo na lang ako.

"Bakit ganyan mata mo? Puyat plus iyak?" tanong niya.

"Obvious ba?" sabi ko na lang.

"What happened ba?"

"Wala."

"Wala na naman? Ano nga?"

"Wala nga. Promise."

"Okay!" sabi niya sabay buntong-hininga. Hala nagtampo na.

"Uy, galit ka?" tanong ko.

"Hindi!" sigaw niya.

"Galit ka eh."

"Hindi nga!"

Haaay ang bilis magtampo.

"Hmmm, magde-date nga pala kami ni Marc mamaya. Gusto mo bang—" Pinutol niya iyong sinasabi ko.

"Who cares?" mataray na sabi niya. Lagot, tampo talaga.

"Ganyanan?" sabi ko sabay pout. Nag-smirk lang siya. Sige magtiisan tayo!

"Hi babe..." Bigla na lang nandito sa room si Marc.

"'Yan! Siyang kausapin mo! Huwag ako! Hmp!" sabi niya sabay turo kay Marc tapos ay tinalikuran ako.

"Oh, Choy!" sabi ni Marc sabay sapok kay Shaira. HAHAHA mga siraulo talaga.

"Ouch! What's your problem?!" Hala, nag-english na.

"Nasabi mo na ba rito?" tanong sa akin ni Marc.

"Hindi pa. Huwag ko raw kausapin eh," tugon ko.

Napansin kong napatingin si Shaira sa akin.

"Ayyg ganon ba? Sayang naman," parinig ni Marc.

Humarap na sa akin si Shaira pero nakataas pa rin ang kilay.

"P'wede mo na akong kausapin! Ano ba 'yon?" biglang sabi ni Shaira.

"HAHAHA, ito talagang mataba mong best friend parang ewan," tawa ni Marc, natawa rin tuloy ako. Nagalit na naman si Shaira.

"'Wag na pala ulit!" sabi ni Shaira.

"Sayang HAHAHA. Ayaw mong sumama?" tanong ni Marc sa kanya.

Biglang nanlaki 'yong mga mata ni Shaira tapos lumapad 'yong ngiti.

"Sama? Saan? Kailan? Kakain? Libre? Madami? Masarap?" excited na tanong ni Shaira.

Hindi ko napigilang matawa.

"Psh! Pagkain lang pala makapagpapawala sa tampo mo," sabi ko kay Shaira.

"Tsk. Parang namang hindi mo kilala itong kaibigan mo. Matakaw— parang ikaw! WAHAHAHA!" Tumawa nang malakas si Marc.

"Awww. Ang sakit mo namang magsalita!" sabay naming sabi ni Shaira sa kanya.

"BWAHAHAHA. Truth hurts." Asar niyanpa lalo.

I gave him a tiger look tapos tumahimik ako.

"Uy! Joke lang, babe HAHAHA. So ano? Sasama natin si Choy?" tanong niya.

"Hmmm... Depende, kung gusto niya," tugon ko.

"Of course! Sasama ako! Minsan lang maging mabait 'tong boyfriend mo eh," banat ni Shaira.

"Ayyy! Minsan lang daw babe oh, isasama pa ba natin?" biro ko.

"Uy! Kayo namang dalawa, 'di mabiro! Madalas at palagi siyang mabait. Pareho kayo," bawi ni Shaira.

Nagtawanan kaming tatlo.

"Osige, kita-kita na lang mamaya ah?" sabi ni Marc at tumango naman kami.

Nagkwentuhan at asaran muna kaming tatlo. Mga ilang minuto rin si Marc sa classroom then umalis na noong malapit na mag-start iyong klase namin. Wala rin kase silang practice ng basketball ngayon, mamaya pa raw.

RECESS TIME

Pinuntahan ko si Marc sa gym. Kaso pagdating ko roon, 'di ko nadatnan si Marc. Tumingin-tingin ako at nakita ko si Charles na nakaupo sa bench. Tulala, anong mayroon?

Umupo ako sa tabi niya, sabay tapik ko sa kanya sa balikat. Medyo nagulat pa nga siya pero ngumiti rin naman agad.

"Oh Celine, ikaw pala." Ngumiti siya pero agad ding lumungkot. Hmmm, na-tempt na naman tuloy akong magtanong.

"Charles?"

"Oh?"

"Hmmm, anong ginagawa mo rito?" tanong ko muna kase humahanap ako ng tiyempo.

"Nagpapahinga lang."

"Ahhh..." sabi ko pagkatapos ay tumango-tango.

Nakabibinging katahimikan ang nangibabaw sa amin. Finally, nagkaroon na ako ng lakas ng loob na magtanong.

"Charles may problema ka ba?"

"Ha? Ako? Wala ah." Tumawa siya.

"Wew? 'Di ba sabi mo, 'Don't hesitate to approach me if you need someone to talk to. You can always count on me'? Then gano'n din ako, so tell me."

"Wala nga!" sabi niya. Hala? Mood swinger slash bipolar din pala ito eh. Haist.

"Okay, sorry! Sige mauna na ako ah." sabi ko tapos aalis na sana pero hinawakan niya bigla 'yong kamay ko.

"Joke lang. Ito naman."

"Hehe, alam ko naman eh. Pero napano ka nga?" Pero ang totoo, akala ko seryoso siya.

"Okay lang ako. Promise." He winked.

"Hmmm, hindi nga? Pansin ko kase minsan parang malungkot ka." Pangungulit ko.

"Okay lang talaga. Pagod lang siguro."

"Okay..." sabi ko habang dahan-dahan kong tinatanggal 'yong pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Ayyy, sorry," sabi niya at siya na 'yong nag-alis sa pagkakahawak sa akin. I just smiled.

"Eh ikaw? Siya? Kayo ni ano? Kumusta?" Halatang pilit na naman ang ngiti niya.

"Kami ni Marc?" Paninigurado ko.

"Yup," tipid niyang sagot at tumango.

"Okay naman ako. Hmmm, healthy naman siya. Okay naman kame. HAHAHA." Tumawa ako pero siya, seryoso pa rin.

"Ahhh," walang ganang sabi niya.

"Oo, okay na. Okay na kame. Inaayos naman lahat, so far. Ayos naman," pahabol ko.

Tumingin siya sa akin nang may blankong ekspresyon.

"Okay, sige. May gagawin pa ako. Bye," sabi niya sabay takbo palayo. Ha? Napano 'yon? Bipolar nga amp.

"Uy! Wait!"

Sinubukan ko siyang habulin. Haaay. Ang bilis tumakbo.

"Ay putik!" Napasigaw ako.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height