My Boyfriend's Secret Lover/C14 Who's Mr. Right?
+ Add to Library
My Boyfriend's Secret Lover/C14 Who's Mr. Right?
+ Add to Library

C14 Who's Mr. Right?

Celine's POV

"Ay putik!" Napasigaw ako nang bigla na lang humalik sa pisngi ko.

"Oh babe, ikaw pala," nasabi ko na lang.

"Tsk. Sino bang hinahanap mo? Si Charles?" He smirked.

"Selos ka naman?" sabat ni Tony, member din ng basketball team namin.

"Tsk! Ako magseselos? Sa gwapo kong 'to?" tugon niya sabay tulak kay Tony.

Ang cute nya magselos HAHAHA.

"Sabi mo eh," natatawang sabi ni Tony habang umiiling-iling.

"Babe, hindi mo ako pinapansin. Siya nga iyong hinahanap mo 'no?" Biglang lumungkot ang mukha niya.

"Hindi naman sa gano'n... Kausap ko kase siya kanina, parang may problema siya eh."

"Iyon lang?"

"'Yon lang po," natatawa kong sagot.

Tiningnan niya ako nang masama.

"Iyon nga lang talaga. Promise!" Ngumiti ako sa kanya.

"Okay. Tara, kain na tayo," sabi niya sabay akbay sa akin.

This time, sa canteen kami kumain. Nag-order lang siya pagkatapos ay kumain na kami. Katulad ng dati na masaya, nagkukulitan, asaran at selos. Sweet! Parang bang 'back to normal' na ulit ang lahat. Haaay, I'm so happy!

After naming kumain, hinatid na niya ako sa room. Wala namang masyadong special na nangyare ngayong araw na 'to. Wala rin namang masamang nangyare. Natural lang, normal. Or baka hindi ko lang napapansin kase wala akong ibang ginawa. Hinihintay ko lang 'yong date namin ni Marc mamaya kasama si Shai.

Pero hindi rin talaga maalis sa isip ko si Charles. Ano kayang problema no'n? Alam ko hindi pa naman kami ganoon katagal magkakilala pero naninibago ako eh.

"Hi babe, hi Choy! Tara na!" anyaya ni Marc. Tingnan mo nga oh, dahil lumilipad ang isip ko, hindi ko namalayan na dismissal na pala.

"Tara!" masiglang sabi ni Shaira.

Tumayo lang ako, tapos inakbayan ako ni Marc palabas ng room.

"Are you okay?" biglang tanong niya sa akin.

"Yeah, nandito ka eh," sabi ko na lang at ngumiti.

Pinisil niya 'yong ilong ko.

"I love you," sabi niya habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko.

"I love you too," tugon ko naman pabalik.

"Hoy mamaya na 'yan. I'm hungry!" reklamo ni Shaira. Tsk panira ng moment.

Sumakay na kami sa isang kotse ni Marc. Nasabi kong isang kotse kase iba-iba iyong kotse niya. Ngayon, isang red na Honda Civic ang dala niya sa school.

Nasa harap kami ni Marc tapos nasa likod si Shaira. Mga ilang minuto lang, nasa restaurant na kame.

"Ako na oorder! Alam ko naman mga gusto niyo!" excited na sabi ni Shaira.

"HAHAHA sige lang," natatawang sabi ni Marc.

Naghanap na kami ng vacant table ni Marc at umupo.

"Iniisip mo pa rin ba si Charles?" biglang tanong ni Marc.

"Ha?" Narinig ko iyong sinabi niya pero nagulat ako sa tanong niya.

"HAHAHA wala babe." Tumawa siya pero napansin kong nalungkot siya.

Medyo natahimik kaming dalawa at hindj komportable kaya nagsalita na ako.

"Babe..."

"Yes?" Tumingin siya sa akin.

"May sasabihin ako."

"Ano 'yon?"

"I love you," sabi ko sabay hawak sa baba niya.

Napangiti siya.

"Ikaw lang laman nito," sabi ko sabay point out sa puso ko.

"I love you more," sabi nuya sabay halik sa kamay ko.

"Ahem, kain na tayo?" biglang sabat ni Shaira na kanina pa pala nandito.

"Kanina ka pa kaya kumakain!" natatawang sabi ko.

"Sus parang napansin mo ako ah? Edi... 'Ahem, kain na kayo?' Ayan, na-rephrase na," sabi niya sabay kain ulit ng cake.

"Babe..."

Napanganga na lang ako nang subuan niya ako ng cake.

"Babe huwag kang masyadong kumain nang marami, baka maging kasingtaba mo 'tong si Choy HAHAHA." Nagsimula na namang mang-asar si Marc.

"Hmf. Hayaan mo ako. Kumain ka na lang! Kapag ba mataba na ako, 'di mo na ako mahal?" pagtatampo ko.

"Syempre mahal na mahal pa rin," sabi niya at pinitik ang ilong ko.

"Ano ba 'yan. Mas sweet pa kayo rito sa cake eh," sabat na naman ni Shaira.

Nagtawanan kame at nagsimula ng kumain pero nagpatuloy pa rin sa pagiging sweet at pang-aasar si Marc. Parang noong nanliligaw pa lang siya.

"Waaah! 'Di ba si Charles iyonn?" biglang sabi ni Shaira habang nakaturo sa isang lalaki.

Hmmm? Si Charles nga? Ha? 'Di ba may restaurant sila? 'Di naman siguro sa kanila rin 'to, ano? Napatingin ako kay Marc, medyo sumama 'yong tingin niya kay Charles.

"Charles! Dito ka na lang!" sigaw ni Shaira nang maglakad si Charles malapit sa amin.

Napansin siya ni Charles at naglakad papunta sa table namin. Uh oh...

Paglapit niya ngumiti siya sa aming tatlo.

"Hi. May I?" tanong niya.

"Sige lang." Si Marc 'yong sumagot.

Ano ba 'to, pinagpapawisan ako! Sakto akong kukuha ng tissue, kumuha rin si Charles. So ang result, nakapatong 'yong kamay niya sa kamay ko... Nagkatinginan kami ni Charles. Parang may gusto talagang sabihin 'yong mga mata niya eh.

Nagulat na lang ako nang biglang kinuha ni Marc yung kamay ko at siya na iyong kumuha ng tissue para sa akin. Ayt oo nga pala tsk.

Kumain na lang ako. Ano ba iyan? Ang dami kong kinakain parang 'di ako nabubusog. Parang may kuryente sa dalawang to eh. Alam kong nakahalata na si Shaira, kaya parang nagui-guilty siya.

"Tsk... 'Di ba sabi ko 'wag masyadong madami ang kakainin. Non-stop na subo eh HAHAHA," natatawang sabi ni Marc.

Hinampas ko siya at nagtawanan kaming lahat maliban kay Charles.

"Bakit mo naman siya pinagbabawalang kumain? 'Di ba mas maganda nga kung kumain siya nang mabuti? Mas mabuti para sa kanya 'yon," biglang sabi ni Charles habang nakatingin nang diretso kay Marc.

Naramdaman kong nainis si Marc.

"Nagbibiro lang naman ako kapag sinasabi ko 'yon sa kanya. Kahit naman kase tumaba siya, mahal ko siya. Kahit anong mangyare, AKIN SIYA at HINDING HINDI SIYA MAPUPUNTA SA IBA," matigas na sabi ni Marc.

Ngumiti lang si Charles at bumalik na sa pagkain. Kami naman ni Shaira tahimik lang...

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height