My Boyfriend's Secret Lover/C15 Proving I'm The Right One
+ Add to Library
My Boyfriend's Secret Lover/C15 Proving I'm The Right One
+ Add to Library

C15 Proving I'm The Right One

Pagkatapos ng makapigil hiningang sabay-sabay naming pagkain nina Marc, Shaira at Charles, hinatid na ako ni Marc pauwi sa bahay. Si Shaira naman, sumabay na lang kay Charles.

Wala naman ng sagutang nangyare between Marc and Charles. Kaso buong oras katapos no'n ay tahimik na lang talaga. Kumakain pero hindi na-enjoy.

Habang nasa kotse...

"Babe?" tanong niya.

"Hmmm?" tugon ko at humarap sa kanya.

"Para sa iyo, gwapo ba si Charles?" Wth is that question?

Tiningnan ko siya at wala siyang ekspresyon.

"Ha?" Nasabi ko na lang at alanganing tumawa.

"Magsabi ka lang ng totoo."

"Ahm, oo..." Alanganin kong sagot.

"Magaling siyang mag-basketball 'no?"

"Ahm ewan," patay malisya kong sagot.

Nagkaroon ng nakabibinging katahimikan sa pagitan namin hanggang sa magsalita ulit siya.

"Do you think magugustuhan mo siya?" Wtf?

"Babe... Ikaw ang mahal ko, okay? Ikaw lang," sabi ko at hinawakan ang buhok niya.

Tumingin siya sa akin.

"Salamat..." nakangiti niyang sabi. "I love you."

"I love you too," tugon ko but this time ay diniin ko.

***

Pagdating sa bahay—

"Pakisabi na lang kina Mama at James nauna na ako," paalam niya.

"Sige, ingat!"

"Bukas ah? Sunduin kita. Tuloy 'yong sa bahay ah?" paalala niya.

"Okay babe, hihintayin kita."

Hinawakan niya bigla iyong kamay ko.

"I love you, babe."

"I love you too, Marc."

"I love you more, Celine Santos."

Iba talaga impact sa akin kapag binabanggit niya iyong buong pangalan ko.

"Oo nga pala." May kinuha siya sa bag niya, "Nalanta na ata, sorry."

Inabot niya sa akin iyong maliit na pink rose.

"Thank you!" sabi ko at ngumiti sa kanya.

Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo at niyakap ako nang mahigpit. Iyong yakap na parang miss na miss niya ako. Iyong yakap na parang ayaw niya akong pakawalan. Iyong yakap na parang ayaw niya akong mawala.

Nagpaalam na siya at umalis. Haaay, that's Marc Robert Lim. Ang lalaking pinakamamahal ko. He's finally back.

Pumasok na ako sa loob ng bahay. Nadatnan kong kumakain sina Mama at James.

"Ate, ang saya mo ata?" bungad na pang-uusisa ni James.

"Oo nga anak, ayos na ba kayo ni Marc?" tanong din ni Mama.

"Opo Ma, ayos na po kami." I smiled.

Umupo ako sa tabi ni Mama. Napansin ko na namamaga 'yong mga mata niya. Ano kayang problema? Hindi ko na siya tatanungin kase alam kong hindi rin naman niya sasabihin. Hihintayin ko na lang na sabihin niya nang kusa o gagawa na lang ako ng way para alamin.

Kung nandito lang sana si Papa. Aish! Nasaan ka na ba, Pa? Bakit hanggang ngayon wala ka pa rin?

"Ma!" Napabalikwas na lang ako nang biglang sumuka si Mama.

"Ma... ayos ka lang?" tanong ko habang hinahaplos sa likod niya.

"Ma, tubig po," sabi naman ni James na agad ding nakakuha ng inumin.

Uminom siya ng tubig.

"Ayos lang ako. Kumain na kayo para mahugasan—" Pinutol ko iyong sinasabi niya.

"Hindi, Ma. Ikaw iyong kumain tapos magpahinga. Ako nang bahala sa mga gawain, tapos uminom ka ng gamot," sabi ko.

Kahit ayaw niya ay napilit ko pa rin siya. Pagkatapos niyang kumain pinainom ko na sya ng gamot at pinatulog ko na rin si James. Haaay. Papa...

Magdamag din akong hindi nakatulog. Nag-aalala kase kay Mama eh. Haist. Aalis pa pala kami ni Marc bukas...

Napahinto ako sa pag-iisip nang mag-vibrate ang phone ko.

"Galing kay Marc." Agad kong binuksan iyong message.

"Babe, sleep well. Good night. See you tomorrow. Sweet dreams. I love you so much."

Awww. Biglang gumaan iyong pakiramdam ko... He's really back...

Nag-vibrate ulit at may message na naman siya.

"Sleep ka na ah? You need to rest. Take care. I love you ulit."

Marc... Sana talaga maging okay na ang lahat...

***

"Tao po? Babe? Ma? James?" Boses ni Marc.

Kumatok siya sa pintuan at binuksan naman ni James. Tumatayo si Mama pero pinigilan ko siya.

"Ma... magpahinga muna kayo," sabi ko.

"Anong nangyare kay Mama?" tanong ni Marc.

"Wala hijo, ayos lang ako," sagot ni Mama.

"Sigurado po ba kayo?" panigurado ni Marc.

Tumango lang si Mama.

"James, nagluto na ako ng pagkain niyo. Nandon na rin iyong isusuot mo pati panligo mo. Huwag mong hahayaang kumilos si Mama ha? Yung pinagkainan niyo, itabi mo muna at ako na lang maghuhugas mamaya," bilin ko.

"Okay po, Ate," sagot naman ni James.

"James," pinalapit ni Marc si James sa kanya at nag-abot ng pera. Lumapit din siya kay mama at nagbigay rin.

"Marc, hindi na kaila—"

Umiling siya sa akin. Nagpasalamat naman sina Mama at James.

Nagpaalam na kame... Paglabas namin.

"Maraming salamat," sabi ko kay Marc.

"Shhh, pamilya ko kayo. Okay? Here." Binigyan niya ako ng pera, "Pambili mo ng gamot ni Mama."

"Marc..."

"Celine, ano ba ako? Tulungan tayo, 'di ba? Noong pinalayas ako sa amin, sinong naghanap ng trabaho para sa akin? Sinong nagluluto ng pagkain para sa akin?"

Ngumiti lang ako sa kanya at niyakap na lang siya. Naglakad na kami papunta sa lugar kung saan naka-park ang kotse niya.

"Pagsakay mo ng kotse ko dapat nakangiti ka na, kung hindi hahalikan kita," pagbabanta ni Marc.

"Tsk," sabi ko lang.

"Hala lalong sumimangot ah. Gusto mong mahalikan?" Ngumisi sya.

"HAHAHA. Nakangiti kaya ako oh," sabi ko.

"Good. Sakay na," sabi niya at pinagbuksan ako ng pinto. Sumakay naman ako.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height