My Boyfriend's Secret Lover/C16 Happy Not Happy
+ Add to Library
My Boyfriend's Secret Lover/C16 Happy Not Happy
+ Add to Library

C16 Happy Not Happy

Celine's POV

"Are you okay?" tanong ni Marc sa akin habang nagmamaneho siya.

Tumango ako, "Yeah, medyo kinakabahan lang or excited kase matagal-tagal na rin akong hindi nakapunta sa inyo."

"Don't worry too much. Just enjoy, okay?" Ngumiti siya sa akin, "Kailangan nating sulitin bawat oras na magkasama tayo."

Tumango naman ako at ngumiti sa kanya.

Mabilis lang kaming nakarating sa bahay nina Marc.

Ilang minuto lang pagkatapos naming pindutin ang door bell ay binuksan na ng guwardiya at mga katulong nina Marc ang gate.

Pagkapasok ng kotse niya sa loob ay pinagbuksan niya ako ng pinto at bumaba na ako.

"Oh anak. BG! Kanina ko pa kayo hinihintay!" Nakangiting salubong ni Momskie sa amin.

"Sorry Mom, medyo traffic," sabi naman niya sa mama niya at nagbeso.

Nagmano ako sa kanya at niyakap naman niya ako tapos sabay-sabay kaming pumasok sa loob. Pagdating sa sala.

"Babe, have a seat. Huwag kang mahiya, bahay natin 'to." He winked.

I chuckled pero naramdaman kong namula ako dahil sa sinabi niya. Umupo ako sa couch. Haaay. It's been a long time noong last akong pumunta rito. Almost five months? Miss ko na rin itong bahay.

"You look prettier and happy," sabi ni Momskie.

"Thank you po." Ngumiti ako sa kanya.

"It's good to see you happy. Both of you, happy." Hinawakan ni Momskie ang kamay ko.

Ilang minuto lang ay bumaba na ang papa ni Marc at lumapit sa amin.

"Hi Celine," bati sa akin ni Tito Michael nang makita ako.

"Good evening po, Tito," sabi ko sabay tayo upang magmano rin sa kanya.

"Just call me Papa," sabi niya at ngumiti sa akin.

I just smiled then nodded, "Opo, Papa."

Umupo muna kaming apat sa couch habang hinahanda pa ng mga maids iyong mga pagkain for dinner.

Mabilis lang namang nahanda kaya agad na kaming dumiretso sa hapag-kainan.

Noong nasa table na kame...

"BG, kumusta ka na pala? Si Mama mo? At iyong cute mong kapatid?" tanong ni Momskie.

"Ayos naman po kami," sabi ko.

Napatingin kami kay Marc nang mag-ring ang phone niya.

"Excuse me po for a while," paalam ni Marc then lumabas.

Natorete ako bigla. I saw who's calling and it's Martha. Bakit siya tumatawag? Haaay. Ano ba ito? Marc, hindi na talaga kita maintindihan.

"Hija?" tanong ni Tito then tapped my shoulder.

"Po?" Iyan lang ang naging tugon ko. Hays, nakatulala na pala ako.

"Are you sure you're okay?" tanong ni Momskie.

Tumango lang ako. Sakto namang pabalik na si Marc sa tabi ko. He looked irritated. Kanino naman? Kay Martha? Why?

Tumingin siya sa akin pagkatapos ay bigla na lang niya akong hinalikan sa noo.

"I'm sorry," sabi niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko na parang alam niyang nakita ko kung sinong tumawag sa kanya.

Tumango lang ako sa kanya dahil hindi ko naman alam ang gagawin at sasabihin ko. Ni hindi ko nga alam kung anong iisipin at mararamdaman ko eh.

Pagkatapos no'n ay kumuha siya ng spoon at fork para kumain. Hindi pa man siya nakakakain ay nag-ring na naman iyong phone niya.

"Tsk." Narinig kong sabi niya sabay turn off dito. Halatang halata talaga na naiinis siya.

"Sino ba iyon, anak?" tanong ni Momskie kay Marc.

"Wala po, barkada lang. Nag-aayang lumabas," tugon ni Marc.

"Bakit mo pinatay?" tanong ni Papa.

"Hindi naman po kase mahalaga yun eh. Mas mahalaga po itong dinner na 'to kase kasama ko kayo, especially Celine," sabi niya.

I don't know, pero sa bawat ginagawa, pinapakita at sinasabi ni Marc ngayon, halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. May part na masaya ako, may part din na malungkot at nagdududa ako. Parang ngayon, malungkot ako kase hindi siya nagsabi ng totoo but masaya kase alam kong mas mahalaga ako kaysa kay Martha. I hope so... Kase kung hindi talaga mahalaga, hindi niya sasagutin in the first place.

"BG! Taste it! Ako ang nagluto niyan," basag ni Momskie sa katahimikan.

May pinatikim sya sa amin, own recipe daw nya. Hmmm, masarap siya! Pangmayamang pagkain.

"Masarap ba?" excited na tanong ni Momskie.

I nodded habang nakangiti. "Opo, masarap."

"Pwede na..." nakangising sagot ni Papa.

"Pwede lang?" Nag-pout si Momskie. May pinagmanahan talaga si Marc.

"Eh para sa iyo Marc?" tanong niya.

"Mas masarap iyong luto ni Mama Sam," sabi ni Marc.

Umirap si Momskie at nagtawanan lang kame.

"Ikumusta mo na lang kame kina Samantha BG ah," paalala ni Momskie.

"Sige po Momskie," sagot ko.

Oo nga pala bago ko makalimutan, BG is short for baby girl. Only child kase si Marc at gusto nila ng anak na babae kase hindi na nasundan. Kaya ayun.

Pagkatapos ng asaran, kumain na lang kami. Kwentuhan, tawanan, we cherished the moments na magkakasama kame, lalo na kami ni Marc.

Mabilis lang na natapos ang oras. Ganoon naman ata kapag ine-enjoy mo iyong mga pangyayare eh.

Haaay... Matatawag niyo ba akong tanga? Hindi ko na talaga maintindihan si Marc. I know, masaya but I'm not really comfortable sa mga nangyayare. Parang may hindi ako alam...

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height