+ Add to Library
+ Add to Library

C17 Doubts

Celine's POV

Pagkatapos naming kumain ay bumalik kami sa sala at nagkwentuhan muna para makapagpahinga.

"Momskie, Papa. Mauuna na po ako," paalam ko sa parents ni Marc.

"Osige hija. Mag-iingat ka," sabi ni Papa.

"Pahatid ka na kay Marc. Gabi na oh. Baka mapano ka," sabi ni Momskie.

"Syempre Mom ihahatid ko. Kaya pumayag ka na. Gabi na tapos gusto mo mag-isa ka," pilit ni Marc.

"Oo na po," sabi ko naman at tumango.

"Alis na po kame," paalam ni Marc.

Pagkatapos naming magpaalam, sumakay na ako sa kotse niya. Haaay. Ayaw ko muna kase sanang magpahatid sa kanya kase gusto ko munang mapag-isa.

Habang nag-dadrive siya...

"Babe, tahimik ka. Is there something wrong?" tanong nya.

"Nothing. I'm okay," sabi ko.

Inihinto niya ang kotse.

"I am sorry..." biglang sabi niya.

"Ha? Wala ka namang nagawa ah," sabi ko na lang at ngumiti sa kanya.

Humarap siya sa akin.

"Baka kase may nagawa na naman ako nang hindi ko nalalaman eh. Ano bang iniisip mo?" tanong nya.

"Wala 'to. Iniisip ko lang iyong... birthday ni Shaira," sabi ko.

Gumawa na lang ako ng dahilan. Pero totoo naman, sa Monday na iyong birthday ni Shaira.

"Are you sure?" Hinawakan niya iyong kamay ko.

Tumango ako at ngumiti. Bumalik na siya sa pagmamaneho.

"Ahhh!"

Agad na inihinto ni Marc ang kotse.

"Are you okay?" tanong niya.

Bigla na lang kaseng may mabilis na kotse na dumaan sa harap namin habang bumubusina nang malakas. Muntik na kaming mabangga!

Wait... Familiar iyong kotse naa iyon. Si Charles! Iyon iyong kotseng gamit niya noong nagkita-kita kami sa restaurant. Anong ginagawa niya rito at bakit ganon siya magmaneho? Lasing ba siya?

"Siraulo iyon ah!" galit na sabi ni Marc. Hindi niya ata nakilala. "Babe, okay ka lang ba?"

"O-oo, ayos lang ako. Ikaw?" tanong ko.

"Ayos lang din ako. Tsss. Hindi ayusin pagmamaneho. Kapag nakilala ko iyon, makikita niya" sabi niya.

Nang masigurong ayos lang ako ay nagmaneho na siya ulit. Mga ilang minuto lang, nasa bahay na kami. Pagbaba namin.

"Babe..." Nagbuntong-hininga siya, "I know may doubts ka kung bakit ko ginagawa ang lahat ng ito. Pero sana 'wag mong pagdudahan kase 'di ba sinabi ko naman sa'yo na babawi ako?" sabi niya habang hawak ang mukha ko.

Tiningnan niya ako nang diretso.

"Alam ko na marami ka nang iniisip. Ayaw ko na problemahin mo pa ako. Ayaw ko na makaragdag pa ako," sabi niya pagkatapos ay niyakap ako.

"I know ang dami ko ng nagawa sa'yo and I'm sorry. Ang gusto ko lang ngayon is makabawi sa'yo. Spend more time with you. Make you happy and secure."

Nawala bigla iyong mga duda ko. Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang gumaan iyong pakiramdam ko. Nakita ko kung gaano siya ka-sincere. Iyong concern niya, iyong care, iyong love. Nakikita ko iyon effort niya na bumawi at magbago.

Tanga na kung tanga, pero mahal ko siya. Niyakap ko siya ulit nang mahigpit.

"I love you babe," bulong niya.

Kumawala ako sa yakap niya at hinarap siya.

"I love you more babe. Forever," nakangiti kong sabi.

Hinalikan niya ako sa noo then bigla na lang niyang hinaplos iyong pisngi ko. I was shocked. Umiiyak na pala ako.

"Ayaw ko na ulit nakikitang tumutulo 'yang mga luhang 'yan mula sa mga mata mo," sabi niya na parang nagbabanta pero may care.

"Kung hindi mo na ako sasaktan, hindi na ulit tutulo iyang mga 'yan." Iyan ang gusto kong sabihin sa kanya pero hindi ko kaya.

"Shhh, srop crying now," sabi niya at pinaningkitan ako ng mata.

Tumango ako at ngumiti sa kanya.

"Good. Oh sige na, I need to go now. Take care ha? Magpahinga ka na. I love you," sabi niya sabay pisil sa ilong ko.

"Bye. I love you too," tugon ko naman.

Pagkatapos no'n ay sumakay na siya sa kotse at nagsimula nang magmaneho.

I decided na pumasok na sa bahay.

"Ma?! Bakit kumikilos na naman kayo?! 'Di ba sabi ko magpahinga kayo?" sabi ko kay Mama sabay kuhang tasang hinuhugasan niya.

Pagkakita ko sa tasa...

"Nagkape kayo? 'Di ba bawal kayo ni James sa kape?" sabi ko habang hinuhugasan iyong tasa.

"Hindi kami ang nagkape anak," sabi nya.

Tatanungin ko sana kung sino nang may napansin akong nakaplastik. Tinignan ko iyong laman.

"Prutas 'to Ma ah. Kanino galing?" tanong ko.

"Kay Kuya Charles Ate!" sabat ni James.

"Charles?" tanong ko.

"Oo, galing siya rito," sabi ni James.

Paano niya nalaman iyong bahay namin?

"Bakit daw?" tanong ko.

"Hinahanap ka niya," sabi ni Mama.

"Hindi po sinabi kung bakit?"

"Hindi man eh. Noong sinabi ko na pumunta kayo ni Marc sa bahay nila, agad na siyang nagpaalam. Bumalik lang siya tapos dinala iyang mga prutas na iyan kaya sabi ko magkape muna siya."

Hinahanap? Bakit naman kaya? So dito pala siya galing kaninang nakita namin siya?

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height