+ Add to Library
+ Add to Library

C18 Best Friend

Celine's POV

"Oo nga pala, binalik niya itong notebook mo," sabi niya sabay abot ng notebook ko.

Ha? Bakit nasa kanya?

"Ah ganoon ho ba. Kumain na po ba kayo?" tanong ko kay Mama.

"Oo. Tapos na kami. Ikaw ba anak?" tanong niya pabalik.

"Opo ma, kina Tita Glaiza na po ako kumain. Pinapakumusta po pala nila kayo," sabi ko.

"Ah, oh sila kumusta naman?" tanong ni Mama.

"Okay naman po sila. May pinadala rin po silang pagkain. Nasa mesa po," sabi ko.

"Eh kayo ni Kuya Marc? Okay ba?" sabat ni James. Itong batang ito talaga.

"Oo naman. Ikaw ah. Ang batang malisyoso at tsismoso!" sabi ko sabay kurot sa pisngi niya.

"Tsk," sabi niya sabay subo sa dala kong pagkain. Patay gutom. Nakuha na pala niya iyong pagkain kahit kakakain lang nila.

Shaira's POV

Hello! I'm Shaira Morales, ang prettiest and sexiest best friend ni Celine! Totoo iyon kase ako lang naman best friend niya lol.

Well, anyway naging friends kami since first day naming mag-meet. Pareho kase kaming friendly at maganda. Mabait siya at mapagmahal, 'di lang bilang kaibigan pati bilang estuyante, bilang anak, kapatid at bilang girlfriend ni Marc.

Pero sa sobrang pagmamahal nya sa amin, madalas nakalilimutan na niya iyong sarili niya at hindi maganda iyon.

Sobrang busy din niyang tao. Bukod sa pagme-maintain ng grades, iba pa iyong mga curricular activities na ginagawa niya. Halos weekly ata iyong mga quiz bee competitions na ipinapanalo niya. Isa pa siyang dakila, masipag at responsableng Supreme Student Council President ng buong school. Imagine kung paano pa siya nagkakaroon ng oras para magpakatanga este makipagkita kay Marc.

Marami na kaming pinagdaanan. Halos lahat ng tungkol sa buhay ng bawat isa sa amin, alam namin. Full of surprises and efforts din ang friendship namin. Pero syempre mas marami iyong asaran at tsismisan.

Haaay. Naalala ko tuloy nung birthday ko. Ahhh. I'm so touched. Sinurprise niya ako! Super creative kase ni Celine ah lalo na kapag mahal niya iyong mga tao.

And speaking of birthday, it's my birthday today!

Maaga akong gumising para maaga rin akong makapasok sa school. Pagkababa ko ng kotse, dumiretso ako sa canteen tapos sa room. Ngayon na lang ako nagkotse ulit. Mas gusto ko kaseng naglalakad eh, you know para ma-maintain ang pagiging sexy ko

Bumili lang ako ng chuckie sa canteen tapos dumiretso na ako sa room. Aba himala nasa room siya. Pero busy ata?

Umupo ako sa tabi niya.

"Hi best friend!" cheerful ko siyang binati.

"Marami akong ginagawa," saway niya sa akin.

Eh? Tarayan ba naman ako?

"Marami? Eh letter lang naman iyang ginagawa mo eh. Para kay Marc?" tanong ko.

"Yes and it's none of your business!" sabi niya tapos inirapan ako.

Pagkasabi niya no'n ay umalis na siya. Waaah. Ang sakit naman no'n. Ano bang problema niya? At... Nakalimutan niya ba? Huhuhu. I know okay na sila ni Marc, and I'm happy for her, for them. Pero bakitanoon? Dati-rati naman naalala niya eh. Haaay.

Nakaupo lang ako nang may maalala ako. Sinabihan niya pala akong pumunta ng Faculty kase may practice kami. Leader ko siya sa theatre act play namin.

Tumayo na ako at pumunta ng Faculty. Pagdating doon, naabutan ko iyong mga ka-group ko na nanggugupit pa rin.

"Ahm, Celine? Wala ka bang nakalimutan?" tanong ko habang nakangiti.

Nagtaka siya.

"Wala naman," sabi niya.

"Are you sure?" malungkot kong sabi.

Nag-isip siya.

"Ayyy oo nga pala!" sabi niya bigla.

"Waaah. Naalala mo na?" excited kong sabi.

"Oo. Iyong notebook na hiniram mo, buti pala na kay Charles?" tanong niya sa akin.

Oo nga, nakalimutan ko rin palang sabihin sa kanya iyong about doon.

"Ahhh oo. Hiniram niya kase may same subject. Sabi niya siya na lang maghahatid. Nabalik na ba niya sa'yo?"

Tumango lang siya.

"Wala ka ng naaalala?" malungkot kong tanong.

"Hmmm mayroon."

"Talaga?"

"Oo HAHAHA. Nasa room pala ng mga third year iyong mga props natin. Buti na lang pinaalala mo," sabi niya.

Bigla akong nalungkot. Haaay. Napabuntong-hininga na lang ako.

"Iyon lang naalala mo?" tanong ko at umaasang maalala niya.

"Yup. Wala naman ng iba. So, pwede mo bang kunin iyong mga props natin?" sabi niya sa akin.

"Ha? Ako talaga? As in ako?" tanong ko.

"Oo. Lahat kami may ginagawa oh. Ikaw lang wala," sabi niya.

Nag-pout ako.

"I'm your leader. I have the rights para utusan ka. Kaya dali na kase marami pa tayong gagawin," utos niya.

"Haaay. Okay," sabi ko pagkatapos ay bumaba na ng building. Hays. Kaasar!

Naiiyak tuloy ako. Huhuhu. Best friend ko iyon 'di ba? First time niyang makalimutan ang birthday ko.

Pumunta na ako sa building ng mga third year. Saan naman kaya sa mga room na 'to? Ihhh! Kainis talaga!

Pumasok ako sa lahat ng room at nakakahiya kase wala akong nakitang props. Okay, last room.

Ang dilim naman dito.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height