+ Add to Library
+ Add to Library

C19 Surprise!

Shaira's POV

Ang dilim naman dito!

I turned on the light, then...

"Surprise!"

Haish. Nagulat na lang ako nang bigla na lang may yumakap sa akin sa likod. I knew it, it is Celine.

"I thought you've..." Pinutol niya iyong sinasabi ko.

"I've forgot? Of course not! Pwede ba iyon?" sabi niya at kumindat sa akin.

Humarap ako sa kanya pagkatapos ay niyakap siya nang mahigpit.

Haaay, talagang... Ihhh! Kaiyak! Huhuhu. Pagharap ko sa loob ng room, nakita ko iyong ilan sa mga kaibigan namin. May hawak na mga banners si Charles na may nakasulat na 'Happy birthday to my sexiest and prettiest best friend! From: Celine'.

Tapos ang dami ring balloons, flowers at pagkain. May hawak ding mga pictures si Marc, mga pictures ko at mga pictures namin ni Celine. Naipon rin iyong mga iba naming classmates na may mga gifts at letters pa para sa akin.

"Thank you guys..." sabi ko at ngumiti sa kanila.

"At dahil may mga gifts kayo sa akin, may gift din ako sa inyo! Invitation card! Next week iyan ah! See yah!" sabi ko tapos pinamigay iyong mga invitation cards.

Halos lahat nabigyan ko na nang mapansin kong dalawa na lang iyong natira.

Lumapit ako kina Celine.

"Charles, Celine oh." Binigay ko sa kanila iyong natirang invitation cards.

Nahalata kong nalungkot si Celine kase wala pa palang invitation card si Marc.

"Syempre dapat nandoon din iyong boyfriend ng best friend ko!" sabi ko sabay bigay ng last invitation card na naiwan lang pala sa bulsa ko.

"Akala ko nakalimutan na ako Choy eh," biglang sabi ni Marc. Kainis ito, namumuro na sa pagtawag sa akin ng Choy.

"Gusto mong bawiin ko iyan?" sabi ko at tinaasan siya ng kilay.

Tumawa lang silang tatlo. Niyakap ko ulit si Celine nang mas mahigpit.

"Hoy, baka ma-suffocate iyong girlfriend ko, pakakasalan ko pa iyan!" pang-aasar ni Marc.

"Hmp!" sabi ko lang sa kanya at humarap na ako kay Celine.

Binigay niya iyong mga letters na ginagawa niya kanina. Akala ko para kay Marc iyong mga iyon eh para sa akin pala.

"May sasabihin ako," sabi ni Celine.

"Ano iyon?" tanong ko.

"I LOVE YOU BEST FRIEND!" sigaw niya.

"I love you too!" sabi ko naman sabay yakap ulit sa kanya.

After that, I decided to read her letter.

"Hi Best Friend! Happy birthday! Thank you sa lahat-lahat. Sa pagtawag mo sa akin ng 'Tanga'. I mean, salamat sa pagiging totoo sa akin at sa paggising sa akin. Basta sana 'wag kang magsawa sa akin ha? Sana intindihin mo na lang ako. Sana hindi mo ako iiwan. Okay ang drama HAHAHA. Basta, I love you! I want you to know that I'm always here for you and I love you so much! - Celine."

"Awww. Salamat." Niyakap ko siya ulit.

"Tama na nga muna 'yan, kain na muna tayo," sita ni Marc.

"Takaw ah?" sabi ni Celine sa kanya. May hawak na kase siyang pagkain.

"Hindi ah. Gusto ko lang na ako naman yakapin mo," sabi ni Marc sabay yakap kay Celine.

"Ayieee," sabi ng mga malisyoso kong mga classmates.

"Tama na iyan, akala ko ba kakain na?" biglang sabi ni Charles.

Nagkatinginan kami ni Celine. Iba talaga ang tensyon sa pagitan ng dalawang 'to eh.

Hindi naman pinansin ni Marc si Charles at ngumiti lang sa kanya.

"Sige lang, kain na kayo," sabi ko para mabasag ang tensyon.

Kinuha ko iyong mga pictures kay Marc at tiningnan muna namin ni Celine.

"Ayos ka lang?" tanong ko kay Celine.

"Celine, ice cream oh."

"Babe, ice cream oh."

Oh... Sabay pa sina Marc at Charles. Haba ng hair ng best friend ko! Chos!

Kitang kita ko iyong kaba sa mukha ni Celine. Kilala ko kase 'tong best friend ko eh, ayaw niya na may napapahiya. Pero syempre, boyfriend niya iyong isa at ayaw niyang may isipin.

Hanggang ngayon wala pa siyang kinukuha sa mga ice creams. Naghihintay lang din sina Marc at Charles. Malapit na matunaw iyong ice cream.

"Ano ba iyan, ako iyong may birthday, ako iyong walang ice cream?" Syempre to the rescue naman ako.

"Here," sabi naman ni Charles at inabot sa akin iyong ice cream na dapat ay para kay Celine talaga.

"Thank you!" sabi ko naman at kinuha sa kanya.

"Thank you, babe," ngumiti si Celine.

Nakita ko iyong relief sa mukha ni Celine at kinuha na iyong ice cream kay Marc. Pero iyong dalawa? May something talaga sa tinginan at ngitian nila. Grabe iyong tension!

"Pupunta kayo ah? Hihintayin ko kayo," sabi ko para naman mabawasan nang kaunti iyong nakabibinging katahimikan.

"Oo naman! Sabay kaming pupunta ni Celine, syempre akong partner niya," banat ni Marc.

Nakita kong umismid si Charles. Hmmm ano kayang mayroon?

"Ayyy teka," sabi ni Celine at biglang pumunta sa harapan.

Ilang saglit lang ay bumalik na siya dala-dala ang isang chocolate cake.

"Syempre hindi kumpleto ang surprise kung walang cake." Ngumiti siya sa akin.

Awww, nakaka-touch naman. Sabay na lumapit si Marc at Charles sa kanya. Si Marc kase ang may dala ng kandila at si Charles naman sa torch.

Sinindihan na nila iyong kandila at sabay-sabay silang kumanta ng Birthday Song para sa akin.

"Happy Birthday to you... Make a wish." Lumapit si Celine sa akin.

Pumikit ako, made a wish then blew the candle.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height