My Boyfriend's Secret Lover/C2 Stupidity Sucks
+ Add to Library
My Boyfriend's Secret Lover/C2 Stupidity Sucks
+ Add to Library

C2 Stupidity Sucks

Celine's POV

Mabilis lang na natapos ang oras. Recess na agad! Ina-allow kaming lumabas ng building kapag recess. Ito rin 'yong time ng pagkikita namin ni Marc.

So heto ako ngayon, naglalakad. Actually, 'di ko alam kung nasaan si Marc pero kapag may nakita akong pinagkakaguluhan, si Marc iyon! Pero— dalawa silang pinagkakaguluhan eh. Isa sa right, at isa sa left. Sa right muna ako!

"Excuse me..." sabi ko at pinadaan naman ako. And I'm wrong! Hindi ang boyfriend ko ang nakita ko kun'di si Charles. He saw then smiled at me. I smiled back, nodded then left.

Nasa kaliwa siya! So pumunta ako sa kabila and boom! Speaking of kaliwa, nangangaliwa na naman siya! May kalandian na naman siya!

'Di ko na talaga ma-take na magbulag-bulagan kaya umalis na lang ako. Pumunta na lang muna ako sa garden at umupo sa harap ng mga bulaklak.

"Gano'n ba talaga ako katanga?" tanong ko sa mga flowers. Of course, hindi 'yon sasagot. Juskopo kapag sumagot 'yon baka ma-heart attack pa ako.

'Di ko na napigilan, pumatak na ang mga luha ko. Sobra na iyong bigat at confusion. Haaay.

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko.

"Are you okay?" pagtingin ko, nakita ko si Charles. Pinunasan ko agad ang mga luha ko tapos humarap at ngumiti sa kanya.

"Yes, I'm okay!" I smiled.

He sighed but then smiled.

"Don't hesitate to approach me if you need someone to talk to. You can always count on me," sabi niya pagkatapos ay tinapik ako sa balikat.

"Thank you," tugon ko naman at ngumiti. He just smiled then nagpaalam na umalis.

Ang sweet and thoughtful naman ng taong iyon. Haist! Buti pa si Charles! Eh si Marc kaya?

After kong magdrama, nag-decide na akong pumunta ng canteen. Nakakagutom eh.

Pagdating ko roon, agad akong humanap ng bakanteng table at upuan. Kauupo ko lang nang bigla na lang may yumakap sa akin mula sa likod ko.

"Hi babe, I miss you." Si Marc! I

"Flowers for you," sabi niya pagkaupo niya sa tabi ko then inabutan niya ako ng isang pink rose. Alam niya kase na favorite ko iyon at ganoon din iyong binibigay niya sa akin noong nanliligaw pa lang siya.

Ngumiti naman ako pagkatapos ay kinuha iyong bulaklak.

"Kumain ka na ba? Nag-order ako ng favorite mo," tanong niya. Tanging pag-iling lang ang naging sagot ko.

He smiled then then pinched my nose.

"Thank you pala sa flower," sabi ko.

"You're always welcome, babe."

Saglit lang ay dumating na iyong order niya. Hinapag niya sa akin iyong pagkain tapos inabot at inilapit lahat ng kailangan ko. Sinusubuan niya pa ako ng pasta. He served me everything and while I'm eating, he's just staring at me. He's very caring, hays.

After we ate, lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Babe, sorry ah? Sa mga bagay na nagawa ko sa'yo. But always remember this, I love you so much. Mahal na mahal kita," Saad niya pagkatapos ay hinalikan ako sa noo. Sinabi niya 'yon with sincerity and that's enough for me.

"I love you too," sagot ko. Ngumiti siya pagkatapos ay nag-alok na ihatid na ako sa classroom. On our way, nadaanan namin si Charles. He smiled but there's something wrong. Malungkot siya. Pero bakit naman kaya? May problema ba iyon?

***

"Hoy! Tulala ka?" Sita sa akin ni Shaira.

"Wala 'to," tugon ko.

"Tsk. Bakit magkasama nga pala kayo?!"

"Nino?"

"Nakita ko kayo!"

"Ha? Sino nga?"

"Ni Marc!"

"Aish! Maka-intriga ka naman akala ko kung sino. Magkasama po kame kase po boyfriend ko siya."

"Pagkatapos ng ginawa niya sa'yo?"

"Nag-sorry na siya."

"At pinatawad mo naman?"

"Yes, why not?"

"Celine naman! Kahit naman minsan lang, tiisin mo siya. Sabihin mo na galit ka sa kanya. Sinasaktan ka na niya eh! Ginagawa ka na niyang tanga! Do you still remember 'yong nangyare sa inyo noong Second Anniversary niyo?"

Bigla na lang nag-flasback sa utak ko.

FLASHBACK

"Sana magustuhan ni Marc itong gift ko."

Bumili ako ng T-shirt para kay Marc. Second Anniversary kase namin ngayon.

Pupunta na dapat ako sa garden kung saan kame magkikita pero napahinto ako sa nakita ko. Martha and Marc are kissing. Martha saw me, but she didn't even mind me. Ako naman parang ewan lang na umiiyak habang pinapanood sila.

Hindi ko naiwasang humikbi, and because of that Marc noticed me. He stopped then faced me.

"Babe, let me explain," agad na sambit nya.

"Explain what, Marc?! Don't waste your time for that poor, stupid girl!" inis na sabi ni Martha kay Marc.

Lumapit sa akin si Martha at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Nakita niya na may hawak akong gift.

"Ano 'to?!" She smirked then kinuha iyong gift at binuksan.

"HAHAHA! You're so cheap!" Pang-iinsulto niya. Niladlad niya iyong damit at hinawakan lang sa bandang dulo na parang nandidiri, "Mukhang bang regalo 'to? Parang basahan. Ang cheap! Parang ikaw!"

Hinulog niya sa sahig iyong damit. Napikon na ako kaya 'di ko napigilan 'yong sarili ko na sagutin siya.

"Cheap? Ako? Eh ikaw nga 'yong cheap eh! Nakikipaglandian ka sa lalaking may girlfriend na! Nakikipaglandian ka sa boyfriend ko, kaya ikaw iyongng cheap at hindi ako!" sabi ko sa kanya.

"How dare you?!" Sinampal niya ako bigla. Nakita 'yon ni Marc pero wala siyang ginawa. Yumuko lang siya. Hinayaan niya lang akong masaktan.

Umalis na lang ako at tumakbo palayo sa kanila. I'm expecting Marc to follow me, but he didn't. Kaya ang sakit. Sobrang sakit.

That day, hindi man niya ako binati sa anniversary namin. Ni hindi ko siya nakita sa school. Walang sorry, walang paramdam.

After one week, pumunta sa bahay si Marc. Saktong nagsasampay ako ng mga damit no'n.

"Babe..." pagsisimula niya.

Napatingin ako sa kanya. Suot niya 'yong gift ko na T-shirt.

Kahit miss na miss ko na siya at natuwa akong makita siya at suot niya iyong regalo ko, pinilit kong tiisin siya.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.

"I'm so sorry," malungkot niyang sabi.

Hinarap ko siya, "Sorry?"

"Babe, I miss you. I'm so sorry. Please forgive me," sabi niya tapos niyakap ako.

Napabuntong-hininga na lang ako pero niyakap ko rin siya pabalik.

"Here's a flower for you and here." Nagtungo siya sa likod ko at may sinuot sa akin na gold necklace na may rose pendant.

He leaned forward then gave me a back hug.

"I know it's too late but still, Happy Anniversary, my Celine."

Hindi ko napigilang maluha lalo na noong marinig ko iyong kasunod niyang sinabi.

"I love you." He whispered.

END OF FLASHBACK

Haaay. Ewan ko ba! Kahinaan ko talaga iyong sorry at I love you niya. Hindi ko rin siya matiis nang matagal.

Naramdaman ko rin na may tumutulong luha sa pisngi ko. Napansin ata ni Shaira na umiiyak ako.

"Halaaa, sorry. Pinaiyak na naman kita." Pagpapatahan sa akin ni Shaira.

"Ayos lang. Totoo naman eh," sabi ko sabay ngiti.

She hugged me tight.

Argh! Bat ba kase ang tanga ko?

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height