My Boyfriend's Secret Lover/C20 Birthday, Not Happy
+ Add to Library
My Boyfriend's Secret Lover/C20 Birthday, Not Happy
+ Add to Library

C20 Birthday, Not Happy

Shaira's POV

HAPPY BIRTHDAY TO ME! It is my birthday today! I mean, tonight! I mean celebration lang pala. Celebration ng birthday ko ngayon. As usual, maraming tao, may banda, may mga gifts, may games, may flowers and of course, my favorite... FOODS! WAHAHA!

Marami akong hindi kilala, well hindi naman sila mga party crasher. Mga kilala sila ng mga parents ko. Family friends, business partners na hindi ko naman talaga kilala. Pero sanay naman akong makisalamuha dahil sinasanay ako nina mama and at the same time, nananalaytay talaga sa dugo ko iyong pagiging friendly.

Syempre maganda ako ngayon, wait erase. Take two, mas gumanda ako ngayon. Hihihi! And syempre ang ka-partner ng maganda, gwapo! Ang partner ko ngayon, si Charles. Ang gwapo! Ang hot niyang tignan kahit sa suit niya. Matangkad, mabango, matalino. Siya na!

Isa pang maganda, ang best friend ko. Ayieee. Bagay na bagay sa kanya iyong navy blue dress na pinasuot ko. Sabi kase ni Marc blue suot niya para daw pareho sila. Pero alam niyo ba? Kung hindi ko lang birthday, ayyy! Hindi ko mapipilit na mag-dress 'yang si Celine. Pero kahit anong pilit ko sa kanya sa make-up, hindi talaga pumayag. Pero kahit ganon, ang ganda pa rin niya. Ang gandang natural! Ang ganda rin ng pagkakaayos ng buhok niya. Mukha siyang model talaga kase matangkad din.

Sa kabilang side naman tayo, syempre another gwapo at hot na naman. Ang kapartner ni Celine, si Marc! What can I say, 'di ba? Kahit pa mapang-asar at mafalas niyang saktan si Celine, walang duda na sobrang gwapo niya talaga. Kahit anong suotin niya, kaya niyang dalhin. P-pero teka! Bakit may asungot sa likod niya? Isang magandang demonyita! Si Martha? Anong ginagawa niya ritoo? Aba! Bakit nakahawak siya sa braso ni Marc?

"Hey, birthday girl!" Iknew it's Charle but I did not mind him muna. Nakatingin lang ako kina Marc at Martha.

Aba? Nagyayakapan naman sila ngayon?

"Hindi namamansin oh! Sino bang tiniting—" Napatigil din si Charles nang makita niya sina Marc at Martha na nagyayakapan.

"Hi best friend, happy birthday!" Boses ni Celine!

Agad kaming humarap kay Celine at humarang ako sa bandang gawi nina Marc at Martha. Baka kase... may makita siya.

"T-thak you," utal kong sabi.

Siniko ko si Charles at mukhang na-gets naman niya kung para saan iyon.

"Hi Celine. Bagay na bagay sa iyo 'yang suot mo. You're so beautiful," sabi ni Charles kay Celine.

"Nakakahiya naman. Salamat, Charles. Ahm, nakita niyo ba si Marc?" tanong sa amin ni Celine.

"Si Marc? Hindi... Hindi! Bakit? Hindi ba kayo magkasama?" tugon ko.

Ano ba yan! Bakit ba kase hindi ako expert sa pagsisinungaling?

"Ahm, wala lang. Magkasama kami kanina kaso— Wait! Hindi ba si Martha iyon?" biglang sabi ni Celine.

Agad naman kaming lumingon ni Charles kung saan nakatingin si Celine.

"Ha? Nasaan?" sabi ko na lang. Haaay. Thank you God at hindi magkasama iyong dalawa. Whoa!

"Ha? Oo nga 'no? HAHAHA!" Alanganin akong tumawa. Nako po, I need to do something.

Pupuntahan ko sana si Martha pero bigla akong hinawakan ni Celine.

"Saan ka pupunta?" tanong nya.

"Ahm... Paaalisin ko si Martha," diretsong sabi ko.

"Ha? Bakit?" Haaay.

"Kase kanina—" - hindi tinuloy ni Charles iyong sinasabi niya kase nag-sign ako sa kanya na ako na lang ang bahala.

"Kase?" tanong ni Celine.

"Ewww! Kadiri naman dito! Ang cheap!" sigaw ni Martha.

Walang hiya itong babae na 'to, gusto ba talaga niya palagi ng spot light? 'Di man lang nahiya sa mga tao dito. Tsss.

"Aba! Wow ha? Bakit pumunta ka pa rito? Patay gutom! Papansin!" sabi ko.

Uh oh. Narinig niya iyong sinabi ko kaya lumapit siya sa amin. Ang kapal talaga ng mukha!

"Hindi naman ikaw iyong pinunta ko rito," sabi ni Martha sa akin then rolled her eyes.

Tsss! Tusukin ko mata mo eh! Demonyita talaga!

"Best, pabayaan mo na lang," sabi sa akin ni Celine at nilalayo ako kay Martha. Bakit kaya napakabuting tao ng kaibigan kong ito? Haaay.

"Yes! That's what you need to do, to shut your mouths! Cheap!" sabi nya sabay talikod. Aba!

Sasabunutan ko sana siya kaso pinigilan ako ni Celine. Nakaalis na tuloy si Martha.

"Chill ka lang best. Kukuha lang kita ng tubig ha? High blood ka na eh. Charles, ikaw muna ang bahala sa birthday girl ha? Baka sumabog eh," natatawang sabi ni Celine sabay lakad papunta sa loob ng bahay namin.

Pagkaalis ni Celine...

"Kaasar talaga iyang Martha Demonyita na iyan!"

"Hindi mo ba sasabihin kay Celine?" - tanong ni Charles. Alam ko kung anong ibig nyang sabihin.

"Haaay. Ewan! Hindi ko alam kung paano eh..." sabi ko na lang.

Sabay kaming napatingin nang marinig ang boses ni Martha na tinawag ang pangalan ni Marc.

Lumapit siya kay Marc at bigla na lang niya itong hinalikan. Natulala na lang kami ni Charles lalo na noong hindi man lang umiwas si Marc.

"Walang tubig sa—" Napahinto si Celine.

Pagtingin namin sa kanya, nakatingin na rin pala siya kina Marc at Martha.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height