My Boyfriend's Secret Lover/C21 Stupidity At Its Finest
+ Add to Library
My Boyfriend's Secret Lover/C21 Stupidity At Its Finest
+ Add to Library

C21 Stupidity At Its Finest

Shaira's POV

"Celine..." nasabi ko na lang.

Nakita niyang naghahalikan sina Marc at Martha. Pero sa halip na magalit, bigla siyang ngumiti but tears began to fall from her eyes as well.

Now Playing: Tunay na Mahal by Lani Misalucha

~'Di bat ang pangako mo sa akin

Ako lamang ang iibigin

Ngunit bakit ngayo'y hindi mo man lang mapansin.

Twina sa aking ala-ala

Ay palagi kitang kasama

Ngunit bakit ngayon ay may mahal ka ng iba.~

Bigla siyang nagsalita habang nakatulala kita Martha.

"Baka naman... friendly kiss lang iyon?" sabi niya habang umiiyak.

Humarap siya sa amin.

"'Di ba? Baka?" tanong niya sa aming dalawa ni Charles.

Hays. Kaawa-awa siyang tingnan. Alam naman niya iyong totoo pero pinapaniwala niya pa rin iyong sarili niya na wala lang iyong nakita niya.

Kung makikita niyo lang siya ngayon, iyong mata niya ay parang mata ng mga batang naghihintay ng candy sa Mama niya. Gusto niyang marinig iyong sagot namin kahit alam naman niya iyong totoo sa sarili niya. Hay nako.

Noong hindi kami sumagot, ngumiti na lang siya ulit habang nakatingin kina Marc at Martha.

~Nasan na ang pangako mo?

Noong sinusuyo ako?

Anong tamis? Anong lambing?

Binibigkas ng labi mo?

Ngunit kahit nagbago pa

Sa akin ang damdamin mo

Mananatili kang mahal sa puso ko.~

"Baka friendly kiss lang naman talaga. Tama! Friendly kiss lang," sabi niya at ngumiti. Tumango-tango pa siya.

Hays. Niloloko na naman niya iyong sarili niya. Kung hindi lang ako naaawa sa kanya sasabihin ko talaga na may friendly kiss bang laplapan?

~Halos 'di ko na makaya

Ang isipin kung wala ka

Ang pagmamahal mo nga ba ay nagbago na.

Patuloy na ako'y aasa

Kahit na sa alaala

Ang pag-ibig ko sayo'y hindi mag-iiba.~

"Uyyy ano? Bakit hindi kayo sumasagot? Ano? Friendly kiss lang naman iyon, tama? Wala namang ibig sabihin... Wala namang malisya..." Patuloy pa rin siya sa pagtatanong sa amin ni Charles.

Hays, ginagawa niyang tanga iyong sarili niya. Tsaka ano ba 'to? Hot seat? Life line please! 50:50 na ako dito eh! Bossing help!

Napatingin ako kay Charles na hindi rin makapagsalita ngayon. Nakatingin lang siya kay Celine. Alam kong tulad ko ay naaawa rin siya kay Celine. Alam kong tulad ko, gusto rin niyang sabihin kay Celine na tumigil na siya sa kahibangan at katangahan niya. Pero alam ko rin na tulad ko, ayaw niyang masaktan si Celine lalo dahil sobra-sobra na iyong sakit na nararamdaman niya ngayon.

"Good evening, everyone." Biglang may nagsalita sa stage. That's my mom! Kyla Alcantara. Whoa! Mommy, savior ka!

"Thank you for coming here. Dalaga na ang aking unica hija. Happy birthday, anak!" - kumaway siya sa akin.

Kumaway naman ako pabalik. Napansin ata ni Celine kaya nagpunas siya ng luha at bahagyang inayos ang sarili niya.

Nakita rin ng mama ko si Celine.

"Owww! Celine! You look so pretty," biglang sabi ni mama. Ngumiti naman si Celine sa kanya.

"Celine is Shaira's best friend. She's one of a kind and sobrang ganda ng boses. Celine, hija, can you sing for us? Sayang naman iyong banda natin oh," sabi pa ni Mama.

Sabay kaming napatingin ni Charles kay Celine. Tumango si Celine. Waaah, ano kayang gagawin nito? Nagpalakpakan iyong mga tao.

"Celine, are you—" Pinutol ni Celine kung ano man iyong sasabihin dapat ni Charles.

"Ayos lang ako." Ngumiti siya kay Charles.

Ang akala ko ay aalis lang si Celine o tatanggi pero hindi ko in-expect na pupunta siya sa stage. Pag-akyat niya, nagbeso siya kay mama at sinamahan siya ni mama sa banda.

Celine's POV

Haaay! Ang sakit! Bakit ganoon pa iyong nakita ko? Ayos naman kami kanina ah? Magkasama pa kami. Partners. Pero bakit? Haaay.

Pinipilit ko munang ayusin ang sarili ko habang papunta ako sa stage. Pag-akyat ko sa stage, sabi ko sa sarili ko, kakanta na lang ako. Alam niyo ba kung ano iyong kakantahin ko? Kay Roselle Nava, ito iyong sagot sa kanta niya na "Bakit Nga Ba Mahal Kita?" Itong kanta na 'to ay para kay Marc... "Dahil Mahal na Mahal Kita."

Noong nasa stage na ako, nakita ko sina Marc at Martha. Nakayuko si Marc pero nakasandal sa balikat niya si Martha. Bakit ganoon? Sinasadya niya ba na makita ko iyong ginagawa niya? Sinasadya niya ba akong saktan?

Pinigilan kong umiyak at pinilit ko namang ngumiti.

"Good evening po sa lahat. Happy Birthday, best friend! Alam mo na iyong mga sasabihin ko kase nasabi ko na ata lahat sa letter ko sa'yo."

"Pagbibigyan ko si Tita Kyla kase minsan lang naman mag-request. Pagpasensiyahan niyo na po kase alam ko na itong song na kakantahin ko ngayon is hindi appropriate para sa isang birthday celebration pero gusto ko lang talagang kantahin ito para sa inyo. Para sainyong lahat," pagsisimula ko bago tumugtog ang banda.

"Happy Birthday ulit, Shai! Mag-enjoy po tayong lahat."

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height