C22 Dedicated Sad Song
Celine's POV
Nag-start na iyong intro ng kanta. I don't know why pero parang gusto ko talagang pinapahirapan at sinasaktan iyong sarili ko habang tinitignan ko silang magkasama. Tumingin si Marc sa akin at nagtama ang mga mata namin nang saktong nag-umpisa na akong kumanta.
"Kahit na, nagmumukhang tanga..."
Habang kinakanta ko iyong unang stanza, naalala ko ulit lahat. Kung paano ako nagmukang tanga sa harap nina Shaira at Charles kanina. Iyong pang-aapi, pananakit at pang-iinsulto sa akin ni Martha. Iyong kahit na nasasaktan ako nang dahil sa kanya nang paulit-ulit, mahal ko pa rin siya sa kabila ng lahat.
Iyong pagsisinungaling at panloloko ko sa sarili ko...
"Kahit na, niloloko mo lang ako..."
Ramdam na ramdam ko iyong kanta.
"Babawi ako." Totoo ba iyon?
"Mahal kita." Ako ba talaga?
Hindi ko na napigilan iyong luha ko. Tuluyan ng pumatak habang umaawit ako.
"Dahil mahal, mahal na mahal kita..."
Bumuhos na ng tuluyan ang mga luha ko. Nakatingin sa akin si Marc. Sa nakita ko sa kanya, alam kong balak niya sana akong lapitan pero bigla syang pinigilan ni Martha hinalikan niya ito. Oo, si Martha iyong humalik sa kanya pero hindi siya kumontra. Hindi siya umiwas, hindi siya tumanggi.
Malinaw naman na hindi ba? Si Martha iyong pinili niya. Hindi ako.
Hindi ko na lang namalay ang mga nangyayare, ang alam ko na lang ay natapos ko na iyong kanta. Pinunasan ko iyong mga luha ko nang marinig ko ang palakpakan ng mga tao.
"Maraming salamat po," sabi ko pagkatapos ay bumaba na ako ng stage.
Pagbaba ko, tumakbo ako sa garden nina Shaira. May parte sa akin na umaasang susundan ako ni Marc pero syempre, alam ko rin sa sarili ko na hindi ako niya susundan. Kung susundan man niya ako, magpapaalam muna siya kay Martha. Pero baka magpapigil lang siya ulit katulad kanina.
Umupo lang ako sa ilalim ng puno at doon umiyak nang umiyak. Sumigaw ako at nilabas ang lahat-lahat. Bakit ganoon ba si Marc? Hindi ko siya maintindihan.
Wala akong ibang ginawa kung hindi umiyak nang umiyak at mag-isip. Siguro ilang minuto na rin akong nasa ilalim ng puso nang...
"Babe..." Nakatayo ngayon sa harap ko si Marc.
Kahit alam kong umaagos ang luha ko, tumingin ako sa kanya.
"Are you okay?" tanong niya sa akin.
Tumayo ako at hinarap siya.
"Okay? Oo naman. Okay lang ako. Ayos na ayos!" Ngumiti ako sa kanya habang habang patuloy pa ring umaagos ang mga luha ko.
Yumuko siya.
"I'm sorry," mahinang sabi niya.
Natawa na lang ako sa narinig ko.
"Sorry? Marc, sorry na naman? Maawa ka naman sa akin! Puro ka sorry! Sorry! Sorry!" sabi ko habang humihikbi.
Hinarap ko siya sa akin.
"Marc ang tanga ko na. Sobra. Sobrang tanga ko na! Marc naman eh! Harap-harapan na! Why are you so insensitive? Bakit parang wala ka man lang pakialam kung nasasaktan na ba ako? Palagi na lang ba akong magbubulag-bulagan?"
Sunod-sunod na iyong paghikbi ko, habang siya yumuko lang ulit.
"Marc, bakit ganoon? Anong nangyare? Bakit mo ako sinasaktan nang ganito? Bakit parang— bakit parang hindi mo naman ako mahal?" tanong ko.
Wala akong narinig na tugon mula sa kanya. Tanging buntong-hininga lang.
"HAHAHA, nakahihiya naman sa'yo," sabi ko.
Inangat ko iyong mukha niya para magkatitigan kami.
"Bakit gankon? Parang baliktad 'no? Alam mo ba? Ako iyong nahihiya sayo eg. Nahihiya ako na istorbohin ka habang nakikipaglandian sa iba. Sobrang nahihiya, iyong tipong para bang ako iyong 'other woman' mo at sila iyong legal n girlfriend mo," iyak ko.
Ang bigat ng nararamdaman ko lalo na dahil wala siyang sinasabi.
"Marc, masakit dito oh." I pointed my heart.
Umiwas siya ng tingin.
"Pero kahit gaano kasakit, kapag nagbitaw ka ng 'sorry', 'I love you', 'babawi ako', 'mahal kita.' Nawawala lahat ng sakit. Kasi mahal kita eh. Mahal na mahal kita, pero magsasawa ka rin pala, 'no?" I laughed.
"Tanga ko 'no? Pero okay lang... Ginusto ko naman 'to eh. Pinili ko."
Inangat ko ulit iyong mukha niya at tiningnan siya nang diretso sa mata.
"Marc, lulubusin ko na iyong pagiging dakilang tanga. Pero Marc, pwede bang 'wag masyadong obvious? Iyong sanang hindi naman harap-harapan," sabi ko sa kanya at ngumiti.
"Kapag nakalikod na lang ako," dugtong ko.
Napa-iling ako at natawa sa sarili ko.
"Halatang tanga ako eh 'no? Pero seryoso nga. Pwede bang kapag kaharap mo ako, ako lang iyong mahal mo?" I cried.
"Pwede bang magmahal ka na lang ng iba kapag hindi ko nakikita? Pwede ba ha? Para naman kahit matawag akong tanga, at least hindi masyadong halata. HAHAHA!" sabi ko.
Tinignan ko siya nang diretso.
"Pwede ba?" tanong ko.
Yumuko lang siya ulit at hindi nagsalita kaya nagdesisyon na lang ako na talikuran at iwan na lang siya. Alam ko naman na hindi na niya ako susundan.
Habang naglalakad ako palayo sa kanya, hindi ko maintindihan iyong nararamdaman ko. Ito kase iyong unang beses na sinumbatan ko siya. Ito iyong unang beses na natiis ko siya kahit papaano.
Pero natatakot ako. Natatakot ako na paano kung sundin niya iyong sinabi ko? Paano kung mahalin niya nga si Martha kapag nakatalikod ako? Bakit ba kase ganoon siya?