C23 Can I Have This Dance?
Celine's POV
Pagkatapos kong mag-walkout kay Marc, bumalik na lang ako sa party. Kakain na lang ako. Nagutom ako eh HAHAHA. Mood swinger din pala ako lol.
Pero may na-realize ko, hindi naman pala talaga mood swinger iyong mga tao. Kase minsan, iyong mga tawa ng iba, peke lang. Kaya kapag 'yan natulala asahan mo may papatak na luha.
Haaay ang sakit talaga sa puso. Buti na lang may ice cream! HAHAHA.
Kumuha ako ng ice cream, tinikman ko. Wow! Caramel flavor! Hmmm! Ang sarap HAHAHA. Napapikit pa ako para lang ma-feel talaga iyong flavor.
"Waaah!" Natisod ako.
Pumikit ako at hinihintay kong bumagsak ako pero hindi. Pagmulat ko, nakita ko si Charles. Nasa likod ko pala siya kanina. Buti na lang nahawakan niya iyong bewang ko at nasalo niya iyong batok ko kase kung hindi, baka na-out-of-balance na ako. Pero ang awkward ah... Kase wala lang. Titigan lang kami.
Eh? Hanggang ngayon nakatingin lang kami sa mata ng isa't isa.
Haaay, ang bango pala niya. Ang gwapo talaga. Iyong mga mata niya OMO! Bigla siyang ngumiti sa akin. Shocks! Iyong dimples nyaaa!
May narinig akong tunog na mabilis. Parang 'tug, tug, tug'.
Hala ano iyon? Tibok ng puso ko? Waaah! Bakit ang bilis naman? Tsaka bakit ang lakas?
~ There's a fire, starting in my heart ~
No! Sa music pala galing 'yon, hindi sa puso ko. Hehehe. Pero salamat sa intro ng Rolling in the Deep at natauhan na kaming dalawa nitong si Charles. Itinayo niya ako at dahan-dahang binitawan.
"Ang lampa mo!" pang-aasar niya sa akin.
"Ako? Lampa? Eh ikaw kaya may kasalanan! Nandiyan ka pala sa likod ko, hindi ka man lang nagsasalita," sabi ko.
Ayyy! Iyong ice cream pala malapit ng matunaw! Buti naalala ko kaya kinain ko na ulit.
"Tsss. Buti na lang hindi mo natapon 'yang ice cream sa damit ko. Sayang naman 'tong napakagandang jacket para sa isang napakagwapong katulad ko." - sabi nya.
"Mayabang ka din pala." - natatawa kong sabi.
"Haha, totoo naman na gwapo ako, 'di ba?" sabi niya sabay kindat.
"Hmmm... kung nagkataong natapon nga, hindi 'yang napakaganda mong jacket iyong sayang kung hindi itong napakasarap na ice cream," sabi ko at inirapan siya.
"Oo na lang. Ayaw mo pang aminin eh titig na titig ka nga sa akin kanina," sabi niya sabay tawa.
"Ha? Ano iyon?" Nagkunwari ako na wala akong narinig.
"Wala po. Sabi ko sinalo na nga kita hindi ka man lang magpasalamat." Ayyy oo nga 'no?
"Sorry na. Thank you, Charles!" Ngumiti ako sa kanya.
He chuckled then tinitigan ako. Grabe makatitig itong si Charles, malapit ba akong matunaw tsk.
Dahil medyo nakaramdam ako ng awkwardness, tumingin na lang ako sa mga nagpe-perform sa stage.
"Oo nga pala, okay na ba kayo ni Marc?" biglang tanong niya.
"Ha?" Iyan lang ang nasabi ko dahil nagulat ako sa biglaang shift ng topic.
"Nag-usap kayo kanina, right?" dugtong niya.
"Hindi ah!" sabi ko na lang.
"Narinig ko kaya," pilit niya.
"Ayon, tsismoso ka pala ah!" biro ko at tumawa.
"Hindi naman ako nakinig talaga. Eh sinundan kase kita pagbaba mo ng stage tapos lalapitan sana kita pero nakita ko kayong nag-uusap kaya umalis na lang ako," paliwanag niya. Eh? Sinundan niya pala ako?
"Well, hindi naman talaga kami nag-usap. Ako lang naman iyong nagsalita talaga? Ang drama nga eh HAHAHA."
Natawa lang siya at napa-iling, habang ako inuubos iyong ice cream. Nakatingin lang siya sa akin habang tumatawa.
"Bakit ka tumatawa?" tanong ko sa kanya.
"Ang takaw mo kasi eh." Tumawa siya.
"Ganoon? Ang sama mo!" sabi ko sa kanya sabay hinampas siya nang mahina.
"Ice cream talaga nagpapatigil sa iyo sa pag-iyak?" tanong niya.
"Oo eh HAHAHA!" Tumawa ako.
"Sabagay, naalala ko nga na inubos mo mag-isa iyong extra large na ice cream." Ngumisi siya sa akin.
I laughed at him sarcastically. Ang lakas din pala mang-asar ng lalaking ito grabe!
Naputol ang asaran namin nang bigla na lang namatay iyong mga ilaw at napalitan ng mga sari-saring ilaw na dim. Bigla na lang din nag-play iyong When I Was Your Man ni Bruno Mars.
~ Same bed but it feels just a little bit bigger now
Our song on the radio but it don't sound the same
When our friends talk about you, all it does is just tear me down
'Cause my heart breaks a little when I hear your name ~
May mga nagsasayawan na sa gitna. Maraming tao pero yung pinaka nakakuha ng attention ko ay sina Marc at Martha. Ano ba 'yan, naiiyak na naman ako. Nakuha pa talaga nilang sumayaw? Hindi ako makapaniwala. Pagkatapos ng ginawa nila? Seryoso ba talaga 'to?
Narinig ko na nagbuntong-hininga si Charles.
"Celine..." Nabaling ang tingin ko kay Charles nang banggitin niya ang pangalan ko at iharap niya ako sa kanya.
Napatingin lang ako sa kanya. Teka, bakit kinakabahan ako?
"Can we dance?" tanong niya sa akin.