My Boyfriend's Secret Lover/C24 When I Was Your Man
+ Add to Library
My Boyfriend's Secret Lover/C24 When I Was Your Man
+ Add to Library

C24 When I Was Your Man

Celine's POV

"Ha?" Wala akong ibang nasabi kung hindi iyan dahil sa pagkabila.

"Pwede ba kitang isayaw?" pag-uulit niya at nilahad ang kamay niya.

Nagulat ako nang bigla akong inalok ni Charles na sumayaw, and I don't know why ay pumayag ako.

Tumango ako at nilagay ko ang kamay ko sa palad niya. Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming pumunta sa gitna kung saan maraming nagsasayaw. Napansin ko na malapit lang kami kina Marc at Martha. Napatingin ako sa gawi nilang dalawa at hindi ko inaasahang nakatingin pala si Marc sa amin kaya nagtama ang mga mata namin.

Nagulat ako nang biglang hawakan ni Charles ang baba ko at ihinarap niya ako sa kanya. Hinawakan niya ang bewang ko pagkatapos ay inilagay niya ang mga kamay ko sa batok niya at nagsimula na kaming sumayaw.

~ It all just sounds like oooh...

Mmmm too young, too dumb to realize

That I've should've bought you flowers

And held your hand

Should've give you all my hours

When I had the chance

Take you to every party

Cause all you wanted to do was dance

Now my baby's dancing

But she's dancing with another man.~

Hindi ko alam kung bakit pero ang lakas ng impact ng kanta sa akin. Siguro dahil may guilt akong nararamdaman na hindi naman ata dapat ako iyong nakararamdam. Bigla na lang hinaplos ni Charles ang pisngi ko at doon ko lang na-realize na umiiyak pala ako.

"Ako na lang muna ang tingnan mo, please," bulong ni Charles sa akin.

Parang may kung anong kumirot na naman sa puso ko. Nagpatuloy lang kami sa pagsasagaw but this time, nakatingin kami sa mata ng isa't isa.

~My pride, my ego my need and my selfish ways

Caused a good strong woman like you to walk out my life

Now I never, never get to clean up the mess I made

And it haunts me everytime I close my eyes.~

Kahit na sumasayaw kami ni Charles, hindi ko mapigilang sulyapan sina Marc. Doon ko napansin na hindi umaalis ang tingin niya sa amin at nang nagtama ulit iyong mga mata namin ni Marc, I knew it! He's jealous. No, let me rephrase, he's hurting.

Nakita ko na tinanggal niya yung kamay ni Martha palayo sa kanya at pagkatapos ay mabilis na umalis sa gitna. Naiwan si Martha sa gitna at nakita kong umupo si Marc at uminom ng wine.

Habang nakaupo siya, alam ko na nakatingin siya sa amin ni Charles. Nasasaktan ko ba talaga siya? Sana naman, hindi.

Napansin ko na unti-unting nagsisiupo ang mga tao at kaming dalawa na lang ni Charles ang natirang samasayaw. Lalong humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Charles at mas naglapit kami sa isa't isa. Hindi ko maintindihan. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Kaba at confusion kay Charles then sakit at guilt naman kay Marc.

Muli kong sinulyapan si Marc! Is he crying?

Hindi kaya ng puso ko na makita siyang umiiyak. Bibitaw na sana ako kay Charles, pero...

"Please, don't leave me," seryosong sabi ni Charles.

Hindi niya binitawan ang kamay ko, bagkus ay lalo niya itong hinigpitan. We continue to dance.

~Although it hurts, I'll be the first to say that I was wrong

Oh I know I'm probably much too late

To try and apologize for my mistakes

But I just want you to know...~

Habang sumasayaw kami, ang sakit sa puso. Ang bigat. At bigla na lang akong nagulat nang bigla akong bigyan ng bulaklak ni Charles. Waaah! Ewan ko ba! Pero habang naririnig ko iyong song, nakikita ko si Marc, at sa mga ginagawa ni Charles, parang ang sakit.

~I hope he buys you flowers

I hope he holds you hands

Give you all his hours

When he has the chance

Take you to every party

Cause I remember how much you love to dance

Do all the things I should have done

When I was your man...~

Saktong pagkatapos ng musika, nakita kong tumayo si Marc sa kinauupuan niya at pumunta malapit sa pool. I want to follow him! I need to! I should! Pero noong susundan ko na sana siya, biglang lumapit sa akin si Shaira then natutok sa akin iyong spot light.

"Syempre hindi matatapos iyong birthday ko, hanggat hindi kinakanta ng best friend ko iyong favorite song ko," nakangiting sabi ni Shaira.

Hinawakan niya ako sa braso pagkatapos ay ibinigay sa akin iyong mic.

"Sige na please, best friend," request sa akin ni Shaira. Of course! Para sa best friend ko lalo na at birthday niya.

Desididong desidido na ako na kakanta pero nang makita ko si Marc na nakatingin sa akin n para bang hinihintay niya na puntahan ko siya, para bang... gusto ko siyang yakapin. Gusto ko siyang puntahan lalo na't nakikita kong umiiyak siya.

Pero paano naman si Shaira? Paano? Huhuhu, Lord God sino po ba ang dapat kong unahin? Sign please...

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height