C25 Best Friend Over Boyfriend
Celine's POV
Bigla na lang tinugtog ng banda iyong With A Smile. Ito na po ba iyong sign, Lord God? Kailangan kong unahin si Shaira? Oo! Dapat lang. Birthday ng best friend ko at bakit parang binabalewala ko lang iyong ginawa sa akin ni Marc, 'di ba?
"Go best friend!" sabi ni Shaira at ngumiti sa akin.
Hawak ko iyong mic and I need to sing this song for Shaira. Noong kakanta na ako, nakita kong lumabas na si Marc.
"Lift your head, baby don't be scared..."
I felt the meaning of the song. I know na para sa akin din itong song na 'to. Just smile no matter what happened. Kailangan, huwag kong isipin iyong mga negative na nangyayare. Ang kailangan, isipin ko iyong mga bagay, mga tao at dahilan that will make me smile and happy. Happy thoughts lang kumbaga.
Lumapit ako kay Shaira at hinawakan ang kamay niya while singing the chorus part. Nag-thank you din ako nang pabulong sa kanya.
"Baby you don't have to worry..."
I sang the song habang nakangiti. Niramdam ko lang iyong kanta. I was about to sing the next part nang biglang may humawak sa kamay ko.
"Girl I'll stay, through the bad times, even if have to fetch you everyday..."
Si Charles. He sang the song habang nakatingin sa akin at hawak-hawak ang kamay ko. I didn't know na maganda pala ang boses niya. Wow, ideal talaga.
"In a world where everybody, hates a happy ending story..."
Nagpatuloy siya sa pagkanta at nagpalakpakan ang mga tao. Bigla na lang lumapit sa akin si Charles at binulungan ako.
"May I see that beautiful smile?" bulong niya.
Napangiti naman ako.
"Good. Mas maganda ka kapag nakangiti ka." He winked.
Tsss, bolero. But he made me smile at gumaan ang pakiramdam ko.
We sang the last part of the song together habang hawak namin pareho si Shaira.
"Now its time to kiss away those tears goodbye..."
Nang matapos na iyong kanta, niyakap nila akong dalawa. Huhuhu naiiyak tuloy ako dahil nata-touch ako.
"Ano ba 'yan, bakit akong pinapasaya niyo? 'Di ba si Shaira iyong may birthday?" sabi ko sa kanila.
"Okay lang 'yan. Kapag masaya ka, masaya na rin ako," sabi naman ni Shaira at ngumiti sa akin.
"Salamat sa inyo!" Hinawakan ko mga kamay nila.
"Kaya dapat smile ka lang palagi," sabi naman ni Charles habang nakatingin sa akin.
Pagkatapos no'n, nagpakasaya na lang ako. Dinaan ko na naman sa ice cream ang lahat ng bigat. Well, ganoon talaga HAHAHA.
Mga dalawang oras ang lumipas, nagpaalam na ako kay Shaira. Medyo late na rin kase at kailangan ko ng umuwi.
"Happy birthday ulit!" bati ko kay Shaira.
"Thank you! Ingat kayo ha? Salamat sa pagpunta," sabi naman ni Shaira.
"Ahhh Charles? Pwede mo bang ihatid si Celine sa kanila?" biglang tanong ni Shaira.
"Eh, huwag na. Okay lang ako," agad kong sabi.
"Sure, no problem. Ihahatid ko siya. Actually itatanong ko nga talaga dapat sa kanya kung ayos lang," sabi naman ni Charles.
"Huwag na Charles, ayos lang ako," pagtanggi ko.
"Huwag ng makulit, ihahatid ka raw niya," pamimilit ni Shaira.
"Oo na po, sige na," sabi ko na lang.
"Pahatid ka na para hindi ako na ako mag-alala," dagdag pa ni Shaira.
Tumango na lang ako at nagpaalam na kami ni Charles sa kanya. Dinala ni Charles iyong mga gamit ko at lumabas na kami ng bahay nina Shaira.
Pagdating sa labas, sabi niya sundan ko lang daw siya. Hindi ko naman kasi alam kung saan naka-park iyong kotse niya.
Huminto siya tapos nilagay iyong mga gamit ko sa loob ng kotse. Ang ganda ng kotse niya. Ibang kotse 'to dun sa nakita ko noong dati.
"Oh, tara na?" sabi ni Charles at ngumiti sa akin.
Ngumiti lang ako sa kanya. Pasakay na sana kami ng kotse niyaa nang biglang may tumawag sa pangalan ko.
"Celine!" Si Mark.
Nakasandal siya sa kotse niya habang nagsisigarilyo. Aist. Nagsisigarilyo na naman siya ulit?
Lumapit siya sa amin. Tinignan niya iyong mga gamit ko na dala-dala ni Charles. Tinapon niya iyong sigarilyo niya sa kalsada. Haist. Lasing din ata 'to!
"Pahahatid ka sa kanya?" tanong niya sa akin. Iyong itsura niya noong tinanong niya iyon, parang sobrang lungkot at dismayado. Haaay nauutal pa. Lasing nga. Namamaga iyong mga mata niya. Amoy sigarilyo na rin.
"Ahm..." Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya.
"Ako na lang maghahatid sa'yo," sabi ni Marc sabay hawak sa kamay ko.
"Marc! Ano na? Late na," sigaw ni Martha. Nasa loob pala siya ng kotse ng boyfriend ko.
Hindi ko maintindihan. Paano niya ako nakukuhang kausapin at sabihin na ihahatid niya ako kung nasa loob ng sasakyan niya si Martha?
Nagulat na lang ako nang bigla akong hinawakan ni Charles pagkatapos ay tinanggal ang kamay ni Marc sa pagkakahawak sa akin. Nagsalita si Charles...