My Boyfriend's Secret Lover/C26 I'll Take Care Of Her
+ Add to Library
My Boyfriend's Secret Lover/C26 I'll Take Care Of Her
+ Add to Library

C26 I'll Take Care Of Her

Celine's POV

"Marc, ako na lang ang maghahatid sa kanya," sabi ni Charles at nilayo ako kay Charles.

"Hindi ikaw ang kausap ko!" sigaw ni Marc at tinulak si Charles.

Nataranta ako na natakot. Nakita ko kaseng ngumisi si Charles samantalang si Marc, handang handa na manakit. Alam ko iyong body language niya kapag ganyan.

Nag-ayos lang sarili si Charles at muling hinarap si Marc.

"Lasing ka. Baka may mangyari pang masama sa inyo kapag nag-drive ka nang ganyan. At isa pa, may kasama ka na." Bakas ang inis sa boses ni Charles nang sinabi niya iyon.

Bagkus na sumagot kay Charles, hinarap ako ni Marc.

"Celine, sasama ka sa kanya?" Tinanong niya iyon sa akin habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko. Kunot-noo, nanginginig. Ramdam na ramdam ko iyong inis, galit, selos at sakit sa bawat salitang binitawan niya.

"L-lasing ka kasi..." 'Yan lang ang nasabi ko sa kanya.

Ngumiti siya at tumango-tango pero parang umagos ang luha niya.

"Ganoon ba?" Tiningnan niya ako ulit sa mata, this time, yumuko ako.

"Sige, basta ingatan mo sana siya," biglang sabi ni Marc.

Nagulat ako sa sinabi niya. Halatang nagseselos siya pero bakit ganon? Dahil ba kay Martha? O dahil ba na-disappoint siya sa akin? Tiningnan ko siya ulit pero bigla siyang yumuko.

"I'll take care of her." Napatingin ako kay Charles nang sabihin niya iyon.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Marc bago siya umalis sa harapan namin. Sinundan ko siya ng tingin at nakita siyang sumakay sa kotse niya. Magkatabi sila ni Martha. Bago niya paandarin ang kotse niya, tumingin muna sya sa akin at umiling. Umaagos pa rin ang luha niya.

Nakokonsensya ako. Haaay. Bakit parang pakiramdam ko nasasaktan ko siya nang sobra-sobra?

Umiwas ako nang tingin at ang alam ko na lang ay mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan niya.

"Lets go?" tanong ni Charles sa akin.

Tumango lang ako tapos pinagbuksan niya ako ng pinto sa harapan. Dahan-dahan lang siyang nagmamaneho.

"Ayos ka lang?" tanong niya habang nagmamaneho.

"Ayos lang ako. 'Wag mo akong intintindihin." Pwede ba iyon?

"Tsss. Pwede ba yun?" Alam kong may karugtong pa ang sinabi niya pero hindi ko naintindihan dahil pabulong.

"Ha?" tanong ko.

"Wala," sabi niya at ngumiti.

"Ehhh, okay," sabi ko na lang din.

Haaay! Ang daming pumapasok sa isip ko. Buti naang nandito palagi para sa akin si Shaira. Pati na rin itong si Charles. Hindi ko alam kung bakit pero komportable ako kapag kasama ko si Charles. Parang pakiramdam ko, ligtas ako. Parang walang makapapanakit sa akin when I'm with him.

"Matunaw ako niyan ah," nakangisi niyang sabi.

Doon ko lang na-realize na nakatingin pala ako sa kanya.

"Tsss. Hindi naman kita tinitingnan. Nakatulala lang ako," sabi ko naman at umiwas agad ng tingin.

"Defensive masyado ah?" Tumawa siya, "Ayos lang naman, tingnan mo lang ako, alam kong namang gwapong gwapo ka sa akin."

Lumalabas talaga pagiging mayabang nito ngayong gabi ah.

"Hmf!" sabi ko lang.

"HAHAHA, pinapatawa lang kita," sabi niya at ngumiti sa akin.

Grabe iyong ngiti niya at kung paano niya ako tingnan. Ang gwapo nga niya.

Ano ba 'yan? Bakit ang weird ng pakiramdam ko. Kung ano-ano pa naiisip ko. Dahil nga naweweirdohan ako sa sarili ko, tumingin na lang ako sa daan hanggang sa makarating sa bahay.

Pagdating sa bahay, pinagbukas niya ako ng pinto tapos dinala ulit iyong mga dala ko. Gentleman, parang si Marc. Hays naalala ko na naman si Marc.

"Salamat sa paghatid mo sa akin. Gusto mo munang pumasok?" tanong ko sa kanya.

Umiling siya.

"Hindi na. Uuwi na rin ako niyan. Salamat, Celine," seryoso niyang sabi.

"Ha? Salamat saan?" tanong ko.

"Sa lahat. Basta! Sige una na ako, mag-iingat ka. Huwag ka na iiyak. Bye!" sabi niya pagkatapos ay nagmamadaling umalis nang hindi man lang ako hinintay na makasagot.

Ehhh? Ang bilis nawala ah. Hindi ko man lang nasabi na mag-ingat siya. Pero ano yun? Bakit nagpasalamat iyon? Aish. Hindi ko talaga maintindihan iyong mga tao ngayon.

Pumasok na ako sa loob ng bahay namin. Medyo late na pala, tulog na kaya sila? Pagkapasok ko, nakita ko si Mama sa sala na umiiyak na naman. Ngayon alam ko na talaga kung kanino ako nagmana ng pagka-iyakin.

Umupo ako sa tabi niya tapos niyakap siya.

"Ma, bakit na naman?" tanong ko sa kanya.

Pinunasan niya iyong mga luha niya.

"Wala ito anak. Ikaw, kumusta? Ilang taon na nga ulit si Shaira?" tanong niya.

Oh 'di ba change topic? Parang ako lang! HAHAHA.

"Haaay. Twenty years old po Ma," sagot ko naman.

"Heto po pala." Binigay ko sa kanya iyong mga dala ko galing sa party ni Shaira. Uso rin take home sa kanila kahit mayaman sila HAHAHA.

"Si James Ma? Tulog na ba?" tanong ko.

Humarap sa akin si mama.

"Oo. Umiyak ka ba?" tanong niya nang mapansin ang mga maga kong mata.

Naks, parang kanina lang ako iyong nagtatanong non sa kanya ah.

"Hindi po Ma. Matutulog na po ako ha? May gagawin pa po ako bukas nang maaga sa school eh. Matulog na din po kayo. Goodnight Ma. I love you. Matulog ka na rin," sabi ko sabay yakap sa kanya.

Tumango naman siya. Itatabi lang daw niya iyong mga pagkain pagkatapos ay matutulog na siya. Ako naman pumunta na sa kwarto at humiga.

Haaay ano ba 'yan! Ang sakit sa ulo! Ang daming nangyare ngayong araw na 'to! Sinaktan na naman ako ni Marc. Harap-harapan na naman niyang pinamukha sa akin na mas pinili niya si Martha.

But I know na nasaktan ko rin naman siya. Kanina rin, parang mas pinili ko si Charles kaysa sa kanya. Pero gusto ko naman siyang i-comfort talaga eh. Kaso everytime na ico-comfort ko sana siya, nandoon na si Martha para sa kanya.

Haaay! Makatulog na lang nga!

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height