My Boyfriend's Secret Lover/C27 You're My Everything
+ Add to Library
My Boyfriend's Secret Lover/C27 You're My Everything
+ Add to Library

C27 You're My Everything

Celine's POV

"Uy Celine! Ano ka ba? Kanina ka pa lingon nang lingon diyan! Nahihilo na ako sayo eh!" reklamo ni Shaira.

"Eh sorry na. Si ano kase eh hindi ko pa nakikita. Wala ata," sabi ko habang palingon-lingon pa rin sa paligid. Nasa labas kase kami ng room at tumingin ako sa baba at sa ibang building.

Sinapak niya ako bigla. Aray naman huhuhu.

"Aray! Ano bang problema mo?" sabi ko habang hawak iyong ulo ko.

"Ikaw kase eh! Dapat ka talagang masapak nang matauhan ka. Niloloko ka nga nga! Sinasaktan ka na! Hinahanap mo pa rin!" sigaw niya at umismid.

"Hmmm ako rin naman eh. Nasaktan ko rin siya kagabi ah..." malungkot kong sabi.

Naglakad na ako papasok sa room at umupo. Sinundan naman ako ni Shaira.

"Tsk, tsk. Iyong sa inyong dalawa ni Charles, pagiging friendly lang 'yon, concern and comfort. Iyong sa kanila ni demonyita, flirting and cheating ang tawag doon!" sabi niya sa akin.

"Ehhh kahit na..." 'Yan lang iyong nasabi ko.

"Celine naman! Ewan ko na talaga sa iyo. Ginagawa ka na niyang tanga!" straight to the point niyang sabi sabay pingot sa akin.

"Aray naman!" sabi ko at lumayo nang bahagya, "Mahal ko siya."

Napakamot na lang siya ng ulo.

"Haaay nako. Ewan ko sa iyo. Parang kahit anong sabihin ko hindi mo naman pakikinggan. May naaalala ako sa'yo eh, listen," sabi niya at bumubwelo.

"Ano?"

"Ano ba naman! Listen nga, shhh," sabi niya at hinampas ako. Nakakailan na 'to ah.

Bigla niyang tinaas ang isa niyang kamay, iyong isa naman ay nasa bandang tenga niya. Nag-clear siya ng throat tapos pumikit pa.

"Cause Darling, I'd still catch a grenade for ya..." Bigla na lang kinanta ni Shaira iyong Grenade habang iniikutan ako.

Hindi ko alam kung maiinis ba ako, maiisulto o matatawa eh. Parang siraulo.

"Ano ba 'yan, Shaira Morales! Tumigil ka nga! Kinikilabutan ako sa boses mo eh. Ang panget!" pabiro kong sabi habang tinatakpan ang tenga ko.

"Tsss. Nangingilabot ka kase relate na relate na relate na relate na relate ka sa kanta. Kase iyong lyrics pinaninindigan mo at ina-apply mo sa totoong buhay!" gigil na sabi niya. Triggered?

Inirapan ko lang siya.

"Celine naman kasi... Seryoso na. Dap—" Pinutol ko iyong sinasabi niya nang may marinig ako.

"Shhh, teka. May narinig ka bang tumatawag sa pangalan ko?" tanong ko sa kanya.

"Celine Santos!" May narinig na naman akong tumatawag sa akin.

"Oo nga 'no? Parang galing doon! Tara tignan natin," sabi niya at lumabas kami ng room.

Noong nasa labas na kami, narinig namin na galing sa baba iyong boses. Pagsilip namin sa baba...

M-marc?! Tumingin siya sa akin at kumaway. Nakasuot siya ng cap kasama sina Tony at ang buong basketball team. Naka-jersey pa sila eh.

May mga sound system sa tabi nila, mic at speakers.

Kinuha ni Tony iyong mic pagkatapos ay itinapat sa bibig ni Marc. Nakatingin silang lahat sa akin tapos bigla na lang nilang tinaas iyong kamay nila at pinagpatong nang na-kacross. Nagulat ako nang biglang kumanta si Marc.

"Hindi ko kayang tanggapin, kung mawawala ka na sa akin..." kanta ni Marc habang nakatingin sa akin.

Gayang gaya niya si April Boy ah! Natatawa ako na ewan kase habang kumakanta, hawak-hawak niya iyong dibdib niya at turo-turo ako.

"Hindi ko na kayang mabuhay sa mundo, kung mawawala ka, sa piling ko..." Tumingin siya sa akin.

Binaba ni Tony iyong mic pagkatapos ay bigla silang nag-formation na parang diamond.

Biglang nagtilian ang lahat ng estudyante nang magsayawan sila ng Dying Inside. Grabe, ang swabe talaga sumayaw ni Marc. Ang lakas ng dating. Sino bang hindi mai-inlove diyan? Sabay-sabay pa ah, nag-practice?

Noong tapos na ang dance performance nila, kinuha ni Marc iyong mic. Tumingin siya sa akin at nagsalita.

"Celine Santos, babe. I know na hindi ganoon kaseryoso iyomg pagkakakanta ko ng kanta, alam mo namang sintunado ako eh, 'di ba? Kase kung maganda boses ko, panigurado perfect na talaga ako."

Napa-iling na lang ako and sobrang lakas na ng tawa ko inside.

"Pero bumawi naman ako sa sayaw, 'di ba? Alam kong mas pumogi pa ako sa paningin mo."

This time, hindi ko na napigilang matawa.

"Just kidding. I just wanna make you smile at sana nagawa ko naman. Pero sa mga sasabihin ko ngayon, gusto kong malaman mong seryoso ako," sabi niya at biglang naging seryoso iyong mukha niya.

"Babe, sorry kung palagi kitang nasasaktan or sinasaktan. Alam ko puro sorry na lang ako pero 'yon lang talaga masabi ko eh. Kase alam kong may nagawa ako at wala akong dapat ikatwiran o idahilan sa mga iyon," malungkot niyang sabi.

Tumingin siya nang diretso sa mga mata ko.

"Pero alam mo ba sa mga nangyare? May na-realize ako. I just realize na hindi ko kayang mabuhay nang wala ka," sabi niya.

Parang naiiyak ako na ewan.

"Hindi ko kayang mabuhay nang wala ka kase ikaw iyong buhay ko. Masyado akong kampante noon pero ngayon alam ko na na wala ako kung wala ka. Celine, you're my everything."

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height