+ Add to Library
+ Add to Library

C28 Me, Not Him

Celine's POV

"You're my everything at hindi ko hahayaang mawala ka sa akin."

Nakita kong nagbuntong-hininga siya.

"I promise, I will not hurt you again. I will not hurt you anymore. Just please give me a second chance. No, let me rephrase that, please give me another chance and I'll prove you that I'll fulfill my promise. Mamahalin at pipiliin kita palagi..."

Hays, kumikirot na naman iyong puso ko. Hindi ko na naman maintindihan nararamdaman ko. Nakikita ko naman sa kanya na sincere siya eh kaso...

Bigla na lang may mga itinaas na banners at tarpaulin iyong mga kasama niya. May iba't ibang mga nakasulat tulad ng "Sorry", "Please give me another chance", "I love you" at iba pa.

Nakatingin lang ako sa kanya.

"Please?" sabi niya habang nakatingin sa akin.

Kahit nasa second floor ako at medyo malayo siya, alam kong seryoso at sincere siya. Nakikita ko 'yon sa mga mata niya pati na rin na rin sa way kung paano siya magsalita.

Ang cute niya kapag seryoso. Huhuhu matitiis ko ba siya? Dahil nahihirapan akong mag-decide, I looked at Shaira, pero nagkibit balikat lang siya. Tumingin din ako kay Charles pero umiwas lang siya ng tingin.

"Celine? Please?" tanong niya ulit.

Haaay, bahala na! Tanga na kung tanga. Ngumiti ako sa kanya then answered...

"Yes, of course! I'm giving you another chance," sabi ko.

"YES!" sigaw niya. Ganoon na ganoon iyong sigaw niya noong sinagot ko siya noon.

Nagtilian iyong mga kaklase ko. Iyong iba naman, halos lahat pala... nagbubulungan na naman. Syempre sasabihin nila pa-importante ako. Oo nga naman, campus heartthrob iyong nanghaharana at nakikiusap sa akin ngayon.

Pero hindi ko na lang pinansin iyong mga nagbubulungan. Nakatingin lang ako kay Marc. Pinagtutulak siya nina Tony na parang nanalo siya sa lotto.

Nagmamadali siyang umakyat papuntang second floor. Noong nakita niya ako, napahinto siya sandali pero tumakbo rin agad palapit sa akin para yakapin ako.

"Thank you," bulong niya sa tenga ko.

Ngumiti lang ako sa kanya.

"For you," nakangiti niyang sabi sabay bigay ng pink rose sa akin.

"Salamat," sabi ko.

"No," sabi niya pagkatapos ay hinawakan iyong mga kamay ko at tumingin sa mga mata ko.

"Thank you. Thank you so much," sabi niya at hinalikan ang kamay ko.

"Kanina ka pa nagte-thank you."

"Kase napasaya mo ako. Kase binigyan mo ako ng pagkakataon. Kase nagtiwala ka sa akin at pinipili mo pa rin ako. Salamat sa lahat, Celine. Promise, hinding hindi na kita sasaktan. Hindi ko kayang mawala ka," saad niya.

"Hindi ko rin kayang mawala ka," sabi ko at niyakap siya.

"I love you," bulong niya.

"I love you too, Marc," tugon ko naman.

Niyakap niya ako ulit at hinalikan ako sa noo.

"Kain tayo?" biglang sabi niya, "Nagutom ako sa performance ko eh."

"Libre mo?" pabirong tanong ko.

"Oo ba! Kahit isama mo pa sina Charles at Shaira. Nanalo ako sa lotto eh." Kumindat siya.

"Asus!" sabi ko sabay tulak nang mahina sa kanya.

"May narinig ako ah, kakain tayo?" biglang tanong ni Shaira.

Tssss, tignan mo nga naman iyong best friend ko. Parang kanina lang galit na galit kay Marc tapos ngayon ang saya dahil sa pagkain. Sabagay, ako rin naman HAHAHA.

"Oo! Tara. Kailangan ko ring bumawi sa'yo eh," sabi ni Marc.

"Buti alam mo. Okay! Tara na!" excited na sabi ni Shaira.

"Ikaw Charles?" tanong ko kay Charles.

"Pass muna ako. Marami akong gagawin," sabi ni Charles tapos biglang umalis. Bipolar din talaga iyon 'no?

"Tara na?" Anyaya ulit ni Marc.

"Tara!" sabay naming sabi ni Shaira at bumaba na kami papuntang canteen.

Habang naglalakad kami, nakaakbay sa akin si Marc. Sabi ko kasi sa kanya ayaw ko ng HHWW, lalo na rito sa school. Nako, nagtetrending na naman ako eh. Tsaka bawal PDA, council pa naman ako. Kaya sabi niya, AAWW na lang daw, "Akbay Ako While Walking". Parang sira 'di ba?

"Babe?" tawag niya sa pangalan ko.

"Oh?" - Me.

"Okay ba yung kanta ko kanina?" Sabi nya.

"HAHAHA oo bagay mo maging April Boy. Pinanindigan mo talaga 'yang cap mo 'no?" natatawa kong sabi sa kanya.

"Dapat talaga sayaw lang iyon eh pero gusto ko kase talagang mapatawa kita. Gusto ko kasi ako lang iyong nagpapangiti sa'yo at hindi siya," sabi niya.

"Ha?" Tanong ko. Ano raw? Sinong siya?

"Wala, sabi ko kahit ano namang suot ko, gwapo ako," sabi niya. Alam kong hindi iyon iyong sinabi niya pero hinayaan ko na lang.

"Tsss. Yabang," sabi ko.

"Ihahatid kita mamaya sa inyo ah. Baka iba pa maghatid." Hindi ko masyadong narinig iyong sinabi niya sa dulo kaya tumango na lang ako.

"Sure, miss ka na rin ng kapatid ko eh."

"Hoy! Ang bagal niyo naman, gutom na ako," reklamo ni Shaira.

Tumawa lang kami ni Marc tapos binilisan na para makarating na sa canteen at makakain agad iyong best friend ko.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height