C29 The Four Of Us
Celine's POV
TWO MONTHS AFTER
"Babe paabot naman ng gunting," pakikisuyo ko kay Marc.
"Heto po, Ms. President," nakangiting inabot sa akin ni Marc iyong gunting.
"Ano ba naman kayo Marc! Celine! Paano tayo matatapos sa ginagawa niyo? Huhuhu kanina pa tayo rito," reklamo ni Shaira.
Nakatingin ako kay Marc kaya lumingon ako kay Shaira.
"Ha? Bakit? Ano bang ginawa namin?" tanong ko.
"Bawat inaabot niya na pinapaabot mo, nauubos iyong 2 minutes sa pagho-holding hands niyo! Tapos 3 minutes naman sa tinginan niyo. Hays!" sabi ni Shaira sabay irap.
"Grabe ka naman Choy," natatawang sabi ni Marc.
"Oo nga. Hindi naman ah," sabi ko rin.
"Anong hindi? Tignan niyo nga 'yang mga kamay niyo mgkahawak pa rin!"
Napatingin naman kami at natawa na lang. BTW, nandito kami ngayon sa faculty room. Kasama ko sina Shaira, Charles at Marc. I asked them to help me para sa project ng school. Gumagawa rin kami ng ilang visuals para sa darating na event.
Binitawan ni Marc iyong kamay ko pagkatapos ay lumapit kay Charles at inakbayan niya pa.
"Alam mo Choy, bitter ka lang kase eh. Kaya lagi mo kaming sinisita ni Celine kase boyfriend. Itong si Charles, okay na ba para sa iyo?" tanong ni Marc kay Shaira.
Haaay nako, umiral na naman ang pagka-abnormal ng boyfriend ko. Akala ko ay masasapak si Marc kay Shaira pero mali ako.
"Ewan ko nga ba r'yan kay Charles! Bakit hindi ako ligawan. Maganda naman ako, mabait, matalino at higit sa lahat sexy!" pagsabay ni Shaira sa trip ni Marc.
Natawa ako sa sinabi niya pero pinigilan ko ang sarili ko. Si Charles naman biglang bumulong kay Marc pagkatapos ay bigla silang nagtawanan.
"Hoy! Anong binulong mo?" tanong ni Shaira sabay duro kay Charles.
"Wala naman akong binubulong ah?" Nagpatay-malisya si Charles pero tumatawa pa rin.
"Hoy Marc! Anong sabi niya?" This time, si Marc naman ang tinanong ni Shaira.
"Wala! WAHAHAHA." Ang lakas ng tawanan ng dalawang abnormal na 'to.
Nagmaktol na naman si Shaira kaya gumawa na ako ng paraan para mapatahimik sila.
"Hoy tama na 'yan. Patapos na tayo oh. Last picture na lang 'to," sabi ko sabay dikit last picture sa kartolina.
"Haaay sa wakas tapos na! Punta na akong canteen! Ba-bye guys!" sabi ni Shaira at sinuot na ang bag niya.
"Uyyy sandali lang! Hintayin mo kami," pigil ko sa kanya.
"Sunod na lang kayo! Gutom na ako! Byeee!" sabi niya sabay takbo palabas ng faculty room. Haaay Shaira talaga basta pagkain.
"Babe, kami na lang ni Charles iyong magliligpit nito. Sunod ka na kay Shaira. Kumain ka na at magpahinga," sabi ni Marc.
"Oo nga. 'Wag kang magpapagutom," dagdag naman ni Charles.
Natawa naman ako sa kanilang dalawa.
"Alam niyo kayo? Masyado kayong overprotective!" sabi ko sabay hampas sa kanilang dalawa.
"Natural lang 'yon. Mahal kita eh. Tsaka girlfriend kita," sabi ni Marc at kumindat pa sa akin.
"Ako naman, best friend mo," tugon din ni Charles nang nakangiti.
Napangiti na lang ako at napa-iling.
"Okay po mga boss. Thank you. Mauuna na ako sa canteen," sabi ko at inayos na ang mga gamit ko.
Nagtataka kayo 'no? After kasi naming mag-usap at magkabati ni Marc two months ago, tinupad niya talaga iyong promise niya na hindi na niya ako sasaktan. Ramdam ko talaga na totoo na at alam kong ginagawa niya ang lahat ng kaya niya dahil hindi na ulit tumulo iyong mga luha ko sa loob ng two months. Kahit isang beses. Nakita ko na umiwas siya kay Martha at sa iba pang babae. Parang niligawan niya ako ulit.
Ganoon din naman si Charles. Pinanindigan din niya iyong sinabi niya na he will always make me smile and I can always count on him. Trustworthy siya at good listener. Heto ngayon, best friends na kami. Ang saya nga eh kase may boyfriend ako na tulad ni Marc at may best friend ako na tulad ni Charles. Masaya kahit na lalo akong kinamuhian ng mga mga tao rito sa school namin.
Last week lang nga lumabas kaming apat. Anim pala kasi kasama sina Mama at James. Kumain kami syempre tapos pumunta rin kami sa circus. Ganoon muna iyong mga pinuntahan namin at hindi na muna sa mga malls para maiba naman. Na-enjoy talaga namin iyong mga rides at games.
Pagkatapos ng araw na iyon, nag-celebrate kami ng Third Anniversary namin ni Marc. Noong araw na 'yun, para talaga akong prinsesa na inaalagaan at pinagsisilbihan ng prinsipe niya. Nakikita ko talaga iyong effort niya na bumawi. And I feel like I love him even more. Hatid-sundo niya ako at pinoprotektahan niya ako palagi.
Ngayon, paano naman naging close si Marc at Charles? Sa basketball HAHAHA. Naging sila iyong ace players ng team namin. Iyong tandem talaga nila, hindi mapigilan. Nanalo nga pala iyong team namin mga last two weeks lang dahil sa kanilang dalawa. Magkasama sila lagi at naging komportable na kaya ayan, close na lahat at masaya.
"Shit!" Napatingin na lang kami kay Charles nang bigla siyang magmura.