+ Add to Library
+ Add to Library

C3 The Stealer

Celine's POV

Haaay, bwisit! Hindi ako nakatulog nang maayos dahil sa kakaisip sa mga nangyare kahapon!

Dahil doon, maaga akong bumangon at naghanda para pumasok. Pagkatapos ng mga dapat gawin ay bumaba ako ng kusina.

"Celine, anak. Kumain ka muna," alok sa akin ni Mama.

"Opo," sabi ko tapos umupo.

"Waaah, ate! Mukha kang zombie. WAHAHA," maagang pang-aasar ni James, ang kapatid kong sobrang kulit. Six years old pa lang siya.

"Ang sama mo!" sabi ko sa kanya sabay pabirong hampas. Pero totoo iyong sinabi niya. Ang laki at itim ng eyebags ko tapos maga pa mata dahil sa kaiiyak.

"Ate Zombie kumain ka na nga lang!" saad niya. Aba! Inutusan ako?

"Opo!" tugon ko naman sa kanya, "Kulit mo," bulong ko.

"Ako makulit? Ikaw nga eh!" Tsk. Pasaway na bata!

"Haaay. Ano ba kayong magkapatid? Tama na 'yan. Kumain na kayo," saway sa amin ni Mama. Luckily, 'pansamantalang' tumahimik si James.

"Ate? Sino ba kaseng iniisip mo? Si Kuya Marc? Nasaan ba siya? Bakit 'di na siya pumupunta rito? Busy ba siya? Kailan siya ulit pupunta rito?" sunod-sunod na tanong ni James.

"Hala, wait! Daming tanong ah. Pwede isa-isa lang?" sabi ko.

"Okay. Ate?" tawag niya sa akin. Wow! Inisa-isa nga? 'Ge bahala na.

"Oh?" Response ko. Makiki-ride na lang ako. Hihi!

"Sino bang iniisip mo?" Iyong playboy kong boyfriend.

"Sino pa ba?"

"Si Kuya Marc?"

"Opo."

"Nasaan ba siya?" Baka kasama si Martha.

"Baka sa house nila or sa school."

"Bakit hindi na siya pumupunta rito?" Kase may iba siyang pinupuntahan.

"Hindi ko rin alam eh."

"Busy ba siya?" Oo! Sa pambababae!

"Ewan, siguro."

"Kailan ba siya ulit pupunta rito?"

"Hindi ko rin alam. Bakit ba ang dami mong tanong?"

"Bakit ang dami mo ring sagot?"

Grabe talaga 'tong batang 'to. Ang kulit.

"Tama na 'yan. Anak, ano ba talagang pinagkakaabalahan niyang si Marc, aber?" pagsingit ni Mama.

Sabi niya tama na? Ba't may tanong na naman? Huhuhu. Well, ano nga ba? Pambababae!

"Sa basketball po siguro. Siya po kase iyong captain eh," pagdadahilan ko na lang.

"O sige, sabi mo yan eh. Sana wala kayong problema," malamang sabi ni Mama.

Hmmm... Sana raw wala kaming problema. Wala nga ba?

After ng question and answer portion naming mag-iina, kumain na kami at pumasok na ako sa school. Well, malapit lang naman, walking distance lang.

So heto ako naglalakad... Waaah! Bigla na lang may dumaang mabilis na kotse!

Napaupo ako bigla. Buti na lang hindi ako nasagasaan dahil kung hindi, pinaglalamayan na ako mamaya.

Narinig kong bumukas 'yong pinto ng kotse tapos may parang patakbong papalapit sakin.

"Oh my God, BG! Okay ka lang ba?"

BG? Isa lang ang tumatawag sa akin na BG!

"Are you okay?" tanong nya ulit tapos inalalayan ako para tumayo.

"Okay lang po, Momskie," sagot ko.

Si Tita Glaiza Rosales pala, Marc's mother.

"Sorry talaga. Nagmamadali lang talaga ako. Gusto kase kitang abutan eh," paliwanag nya.

"Okay lang po talaga Tita. 'Di naman po ako nasaktan," tinulungan niya akong tumayo. "Bakit po nyo po ba ako hinahanap? May kailangan po ba kayo?"

"Buti naman. Well, I just want to ask you kung bakit 'di kana pumupunta sa bahay? I miss you so much."

"I miss you too po. Hmmm, medyo naging busy po kase sa school. Gumagawa po kase ako ng mga panibagong rules and regulations."

"Hmmm, siguro may problema kayo ni Marc 'no?" Pang-uusisa niya. Hinawakan niya ang kamay ko, "Sana BG, hindi ka magsawa sa pag-intindi sa kanya. Mahal mo naman siya, 'di ba? And I know na mahal ka rin niya."

Tumango lang ako. Bigla niya akong niyakap.

"Gusto kita para sa anak ko. Sana talaga 'di ka magsawa." She smiled, ngumiti naman ako pabalik.

"Pasyal ka naman sa bahay," saad niya.

"Hmmm, sige po Tita—I mean Momskie. Next time po."

"Oh sige. Aasahan ko 'yan ah? Ingat ka," sabi nya.

"Yes Momskie. Kayo rin po."

"Osya sige, alis na ako ah? Ingat," paalam nya.

Nang umandar na ang kotse niya, dumiretso na ako sa school.

Pagpasok ko pa lang sa gate.

"Nandyan na pala iyong poor, stupid girl," entrada ni Marth.

Lumapit siya sakin pagkatapos ay ngumiti. Plastik! 'Di ko na lang siya tinignan.

"Kawawa ka naman. Umaasa ka pa rin na mahal ka ni Marc?" sabi niya na may halong pang-iinsulto.

Hindi ako sumagot at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad pero bigla na lang niyang hinila iyong buhok ko.

"Huwag mo akong tatalikuran kapag kinakausap kita!" matigas na sabi niya habang hawak ang buhok ko.

"Ano ba?! Bitiwan mo nga ako! Nasasaktan ako!" sabi ko habang sinusubukang alisin ang kamay niya.

"Itigil niyo nga 'yan!" biglang sabi ng isang pamilyar na boses. Agad namang nataranta ang mga kasama ni Martha. Pagharap ko kung sino iyong nagsalita, si Charles.

"Maswerte ka!" sabi sa akin ni Martha.

Binitiwan ni Martha ang buhok ko at umalis na.

Habang inaayos ko iyong sarili ko ay lumapit sa akin si Charles.

"Salamat," sabi ko.

"No problem. Are you okay?" tanong niya sabay hawak sa balikat ko.

"Palagi naman akong okay," tugon ko at ngumiti sa kanya.

"I know you're not but I'm glad to see you smiling."

Ngumiti lang ako ulit.

"Salamat ulit. I need to go. May gagawin pa ako eh," paalam ko.

"Sure. Take care!" pahabol niya.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height