+ Add to Library
+ Add to Library

C30 Who's Carla?

Celine's POV

"Shit." Napamura si Charles.

"Napano ka?" sabay naming tanong ni Marc sa kanya.

"Ahhh HAHAHA wala. Na-lowbatt kase phone ko," nahihiyang sabi niya.

Napa-facepalm na lang ako samantalang si Marc, binato ng papel si Charles. Akala ko naman kung anong nangyare. Grabe naman kase siya maka-react.

"Pwede ba akong makitawag Celine?" tanong sa akin ni Charles.

"Sure! He—" Kinapa ko iyong cellphone ko sa bulsa pero wala. Tiningnan ko rin sa bag, wala rin, "Hala, na kay Shaira pala iyong phone ko. Pasensiya na."

"Ito na lang sa akin oh," sabi ni Marc sabay abot ng phone niya kay Charles.

"Salamat, Marc. Labas lang ako ah," paalam niya sa amin.

"Sige lang," sabi namin ni Marc.

Paglabas ni Charles...

"Babe, 'wag kang magpapapagod. Pumunta ka na sa canteen. Sige na," sabi sa akin ni Marc.

"Ayos lang ako, hintayin ko na kayo. Hindi pa naman ako gutom eh," nakangiti kong sabi sa kanya.

Ngumiti rin siya sa akin pabalik. Haaay, pakiramdam ko mas lalo akong napapamahal sa lalaking 'to.

"Marc!" sigaw ng isang lalaki.

Biglang bumukas ang pinto ng faculty at sumilip si Tony.

"Oh Tony. Bakit? May problema ba?" tanong ni Marc.

"Kase—" Napahinto si Tony nang makita ako, "Celine, n-nandito ka pala."

Alanganing ngumiti sa akin si Tony pero nginitian ko naman siya ulit.

"Pwede ko bang makausap si Marc?" tanong niya sa akin.

"Tungkol saan ba? Bakit hindi mo sabihin?" biglang sabat ni Marc.

"Tungkol sa... team?" Hindi siguradong sagot ni Tony.

"Siguro Tony mamaya na lang. Puntahan na lang kita mamaya. Kakain pa kami ni Celine eh," sabi ni Marc.

"Pero pare, importante lang," saad ni Tony. Sa nakikita ko, halos pilitin na niya si Marc para lang sumama siya. Ano kaya 'yon? May problema ba?

"Gaano ba ka-importante na hindi pwedeng mamay—" Pinutol ko iyong sinasabi ni Marc.

"Babe, sige na. Ayos lang. Kausapin mo na," pagkumbinse ko kay Marc.

Nagbuntong-hininga si Marc pero tumango rin.

"Okay sige. Babalik ako babe ah? Kung abutin ako ng five minutes, punta ka na sa canteen, doon na lang kita pupuntahan," paalam at bilin niya.

Tumango ako sa kanya at lumabas na siya. Umupo muna ako. Mamaya na lang ako pupunta ng canteen.

Mga ilang minuto lang, bumalik na ulit si Marc. Mukhang wala siya sa mood. Bakit kaya?

"Babe, kita na lang tayo bukas. May aasikasuhin lang ako," sabi niya at kinuha ang mga gamit niya.

"Ha? Bakit?" tanong ko.

"Basta. Sorry. I love you," sabi niya pagkatapos ay hinalikan ako at tumakbo na palabas.

Hala? Ano kayang nangyare?

Halos kaaalis lang ni Marc nang dumating na si Charles.

"Oh? Mag-isa ka? Nasaan si Marc?" tanong sa akin ni Charles.

"Ahhh kaaalis lang," tugon ko.

"Ahhh, heto pala iyong phone niya." Inabot sa akin ni Charles. Grabe, kakamadali niya pati phone niya hindi na niya naalala.

"Thank you."

"Sige na, Celine. Punta kana sa canteen. Ako nang bahala rito," sabi ni Charles.

"Sigurado ka?"

"Yeah," nakangiti nyang sabi.

"Oki. Salamat. Sunod ka na rin ah?" sabi ko.

"Sige-sige."

Ngumiti ako sa kanya pagkatapos ay lumabas na ako ng faculty room. Haaay, hindi maalis sa isip ko si Marc. Ano na naman kayang nangyare? Ano kayang problema? Haist.

Napahinto ako sa paglalakad nang may mag-vibrate sa bulsa ko.

Ano iyon? Tinignan ko iyong bulsa ko. Oo nga pala iyong cellphone ni Marc. Tinignan ko iyong phone niya. Wala naman akong balak mag-invade ng privacy kaso baka para kay Charles iyong text or baka si Marc iyon at hinahanap na niya iyong phone niya.

Kahit na kinakabahan ako, binuksan ko iyong message. Hindi naka-save sa contacts niya iyong nag-text.

"Babe, on the way ka na ba? Nag-prepare ako ng food para sa'yo. Hiniwalayan mo na ba si Celine? 'Di ba sabi mo ako naman talaga iyong mahal mo at hihiwalayan mo na siya bago Anniversary natin? Pero ayos lang naman, I'll wait for you hanggang sa mahiwalayan mo na siya. I love you, babe! See you later! #CarlaAndMarcForever."

Hindi ko alam kung anong gagawin at mararamdaman ko sa nabasa ko. May pa-hashtag pa? Sinong Carla? Anong Anniversary? Hihiwalayan niya ako? Iyong Carla na iyon talaga iyong mahal niya? Ano 'to? Hindi ko maintindihan!

Napabuntong-hininga na lang ako at naramdaman kong may mga luha ng pumapatak mula sa mga mata ko.

Kaya ba siya nagmamadaling umalis kase magkikita sila? Anniversary ba nila ngayon kaya bukas na lang kami magkita? Iyon ba iyong sinabi ni Tony sa kanya?

Sa sobrang gulo na ng isip ko at sobrang bigat ng puso ko, hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin. Kung pupunta ba ako ng canteen, kung pupuntahan ko ba si Marc... Hindi ko na alam!

Ang alam ko na lang ay tumutulo ang mga luha ko habang dinadala ako ng mga paa ko patungo sa kung saan.

"Niloloko mo na naman ba ako Marc?" tanong ko habang tumatangis.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height