C31 Slap
Celine's POV
Dahil sa kaiiyak ko at ka-iisip kung sino si Carla, napa-upo na lang ako sa isang bench at doon ako umiyak nang umiyak.
Hindi ko kase talaga maintindihan eh. Hindi ko na rin kaya pang dalhin iyong bigat ng nararamdaman ko.
Alam kong humihikbi na ako at buti na lang, walang masyadong mga tao ngayon dahil walang klase. Kaming mga councils lang halos ang nandito para sa preparation sa event.
Binuhos ko lang lahat ng sakit nang may narinig akong yabag ng isang tao.
"Celine?" Alam kong si Charles iyon.
Umupo siya sa tabi ko at inangat ang baba ko para maharap ako sa kanya.
"Bakit ka umiiyak? Anong nangyare?" tanong niya sa akin.
Hindi ako nagsalita. Inabot ko lang iyong phone ni Marc sa kanya.
Narinig ko siyang nagbuntong-hininga.
"Tsk. Ano na namang ginawa ni Marc hays. Ayos ka lang ba?" tanong nya sa akin pagkabalik niya ng phone.
Umiling ako. This time nagpakatotoo ako.
"Charles, makikipaghiwalay siya sa akin. HAHAHA." Napahagulgol na ako. Hindi ako makapaniwala sa lahat ng nalalaman ko ngayon.
Inakbayan ako ni Charles at isinandal niya ako sa dibdib niya. Sunod-sunod ang buntong-hininga niya na para bang may gusto siyang sabihin.
"Celine..."
Tumingin lang ako sa kanya.
"Hihintayin mo pa bang mangyare 'yon?" biglang tanong niya sa akin.
"What do you mean?" kunot-noo kong tanong sa kanya.
Huminga siya nang malalim at hinarap ako. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat.
"Look, Celine. Hindi ko sasabihin 'to sa'yo para sirain kayo or what but I just want to ask you. Ilang ulit ka na ba niyang sinaktan? Gaano kasakit? After ka niyang saktan, he'll say sorry then you'll forgive him immediately. Ganoon na lang ba palagi?" Pagkasabi niya no'n, may naramdaman akong kirot.
"Mahal ko siya..." sabi ko.
"Mahal ka ba niya?" Nagulat ako sa tanong niya. Natahimik ako at napa-isip. Mahal nga ba niya ako? Sa ngayon kase hindi ko na alam kung ano ba talagang totoo.
Kahit alam ko sa sarili ko na hindi na ako sigurado, sumagot ako.
"Oo, mahal niya ako."
Nakita ko iyong pagkadismaya at inis sa mukha niya.
"Haaay, ewan ko na sa'yo," sabi niya pero inabot niya sa akin iyong panyo niya. Umiling siya tapos bigla na lang siyang umalis at iniwan ako.
Anong problema no'n? Nagalit ba siya sa akin? Hays. Kinuha ko iyong panyong binigay niya at nagpunas ako ng luha bago tumayo. Nakapagdesisyon na ako. Pupuntahan ko si Marc! Alam ko maipapaliwanag niya ito sa akin. Alam ko... Alam ko na mahal niya ako.
Tumakbo ako papunta sa gym. Malakas ang kutob ko na nandoon pa siya. Please, Marc. Patunayan mong mahal mo ako.
Pagdating ko sa gym, tama ako! Nandoon nga siya. And... and I saw him! I saw him with Martha. And guess what? They're kissing.
Tangina, ilang beses ko ng napanood iyong ganitong eksena ah.
Huminto ako sa paglalakad at pinanood ko lang sila tulad ng dati. Ang tanging pinagkaiba lang, hindi na katulad ng dati iyong naramdaman ko. Kung dati ay sakit, ngayon nakaramdam ako ng galit.
Habang pinapanood ko sila, bigla kong naalala iyong mga sinabi ni Charles kanina. Tama siya! Hindi talaga ako iyong mahala ni Marc.
I cleared my throat. Napahinto sila sa paghahalikan.
"Ooops, sorry! Hindi ko sinasadyang istorbuhin kayo," sabi ko at umismid.
Napapikit si Marc at yumuko.
"Oh babe? Bakit tumigil kayo? Go lang!" Ngumiti ako sa kanila.
Nakayuko lang si Marc, habang si Martha, inirapan ako.
"Ayaw mo na ba Marc? Bakit? Hindi ka ba komportable na may nanonood sa'yo? Ayyy oo nga pala. Magkikita pa nga pala kayo ni Carla," matigas kong sabi.
Lumapit sa akin si Marc.
"Babe, let me—" Naputol ang sinasabi niya nang sampalin ko siya nang malakas. Napayuko na lang siya.
Sinampal ko siya ulit pagkatapos ay ibinalik sa kanya ang phone niya.
"How dare you to slap him!" Bigla akong sinigawan at dinuro ni Martha.
"How dare you to flirt with my boyfriend!" sagot ko naman pabalik sa kanya.
Halatang nagulat siya sa sinabi ko.
"You! You don't have the right to say that to me, you cheap girl!" sigaw niya.
Tumawa ako nang malakas.
"Oh? Cheap? Really? Kung may cheap man sa ating dalawa, ikaw iyon! Hindi ba cheap iyong babaeng nanlalandi ng lalaking alam namang may girlfriend na? Hindi ba cheap iyong babaeng kailangan pang magmakaawa at mamalimos ng atensyon at pagmamahal sa iba? Hindi ba cheap iyong babaeng nakikipaghalikan kahit saan at patagong nakikipagkita dahil walang lalaking naninindigan para sa kanya?" matigas kong sabi.
Bigla niya akong sinampal. Medyo malakas iyong pagkakasampal niya pero sinampal ko rin siya nang kaliwa't kanan.
Napahawak siya sa magkabilang pisngi siya at halatang nagulat sa ginawa ko. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Matapang ka lang kase marami kang alipores na bubuntot-buntot sa'yo. Pero tignan mo man, kapag hindi ka pa nagbago? Kapag naubos na iyong pera mo, unti-unti kang maiiwang mag-isa dahil sa sama ng ugali mo! Walang magmamahal sa'yo nang totoo," sabi ko kanya at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.
Sasabunutan na sana ako ni Martha pero pinigilan siya ni Marc.
"Martha, stop!" sabi ni Marc at dinuro si Martha.
Tumalikod na ako sa kanila at naglakad na palayo. Binilisan ko ang paglalakad ko dahil alam kong sinusundan ako ni Marc.
"Celine." Hinawakan niya iyong braso ko...