+ Add to Library
+ Add to Library

C32 It's Over

Celine's POV

"Celine..." Hinawakan niya ako sa braso.

Huminto naman ako at hinarap siya. Nang makita ko siya, hindi ko napigilan ang sarili ko na sampalin siya ulit.

Alam kong mas malakas ang pagkakasampal ko ngayon. Yumuko lang siya ulit. Sa sobrang galit ko, pinagsusuntok ko siya sa dibdib habang umiiyak ako. Pinagsasampal ko siya at tinulak-tulak pero parang tinatanggap niya lang lahat iyon. Nakayuko lang talaga siya.

"Ano pa bang gusto mo, ha Marc? Hindi ka pa ba kuntento? Kase ang sakit-sakit na eh. Hindi ka pa ba masaya? Hindi ka pa ba nagsasawa? Hindi ka ba napapagod manakit, manloko? Magsinungaling ha? Kase ako? sawang sawa na ako at pagod na pagod na!" sigaw ko habang umiiyak.

Nakita ko na tumulo na rin ang luha niya. Napailing na lang ako.

"Tsss ano? Iiyak ka lang?! Hindi ka na naman magsasalita? Marc hindi kita naiintindihan! Hindi ko maintindihan kung bakit mo ako sinasaktan! Kung bakit paulit-ulit na lang! Ano bang mali? Ano pa bang kulang? Ano bang totoo? Gulong gulo na kase ako Marc eh." Sunod-sunod na ang paghikbi ko.

Nakayuko lang siya kaya hinarap ko siya sa akin.

"Marc, mahal mo ba ako? Minahal mo ba ako?" diretsahan kong tanong sa kanya.

Nakatingin lang ako sa kanya habang naghihintay ng sagot pero nakayuko lang siya. Hindi siya sumagot, ni hindi siya tumingin sa akin. Parang may biglang kumirot sa puso ko. Bakit hindi siya makasagot?

Tumawa ako.

"Alam ko na iyong sagot," sabi ko at tumango-tango.

Huminga ako nang malalim tapos tumingin sa kanya.

"Marc, ayoko na. Graduate na ako sa pagiging dakilang tanga. Tapos na tayo!" sabi ko sabay talikod sa kanya.

Naglakad ako palayo, but this time hindi man lang niya ako sinundan. Ang sakit! Ang sakit-sakit!

Naglakad lang ako kahit saan ako mapadpad basta malayo sa kanya... Hanggang sa napagod na ako... Napaupo na lang ako sa ilalim ng puno at doon umiyak nang umiyak.

"Hindi mo ako minahal..." Iyak ko.

Niyakap ko na lang ang tuhod ko at nagsimula na akong humagulgol. May narinig ulit akong yabag, si Charles. Umupo siya sa tabi ako at inangat niya ang mukha ko.

"Anong nangyare?" tanong niya habang pilit akong pinapatahan.

Niyakap ko lang siya at umiyak nang umiyak. Hinayaan niya lang akong umiyak hanggang sa handa na akong magsalita.

Kumawala ako sa bisig niya at tumingin sa kanya

"Wala na kame, Charles... Tinapos ko na..." sabi ko habang humihikbi.

"Shhh..." sabi niya at niyakap ako pagkatapos ay sinandal niya ako sa dibdib niya.

"Wala na kami..." Ayaw na huminto ng mga luha ko.

"Tahan na... ayos lang 'yan. Nandito lang ako," sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko.

Umiyak lang ako sa bisig niya hanggang sa kumalma ako. Noong medyo ayos na ako, inalalayan niya ako at sinamahan papunta ng canteen. Siya na lang nagkwento ng lahat kay Cyra. Pinakain at pinainom nila ako ng gamot.

Kinakausap nila ako pero halos wala ako sa sarili ko. Laman ng isip ko, si Marc. Laman ng puso ko, si Marc din. Alam ko mahirap, sobra. Pero alam ko rin na kakayanin ko...

Balang araw malilimutan ko rin siya. Matututo rin ako na balewalain iyong taong binabalewala lang din naman ako.

Pero balang araw iyon... Dahil sa ngayon, alam kong sa kanya pa rin umiikot ang buhay ko.

MAKALIPAS ANG ISANG LINGGO

One week na pala iyong lumipas simula nang maghiwalay kami ni Marc. Pero aaminin ko, hanggang ngayon masakit pa rin. Hanggang ngayon, mahal na mahal ko pa rin siya. Hanggang ngayon magulo pa rin at hindi ko pa rin alam ang sagot kung minahal ba talaga niya ako.

Nakikita ko iyong sarili ko na nahihirapan at nawawala sa focus. Nawawalan ng gana kumain at makipag-usap, matamlay. Minsan nakikita ko rin siya... malungkot at tulala. Pero kapag kasama na niya si Martha, masaya na siya. Haist. Ang sakit kaya para sa akin no'n.

"Uy Celine? Hello?" Kumakaway si Shaira sa harapan ko.

"Ha?" nagtataka kong tanong.

Napa-face palm na lang siya.

"Anong ha? Tulala ka na naman! Kayo na po iyong next na magpe-perform! Hay nako, Celine. Umayos ka na please," sabi niya sa akin.

Hala. Kami na ba niyan? Lagot, patang nabablangko ako.

Kahit gulong gulo ako at hindi ako sigurado sa gagawin ko, umakyat ako ng stage kasama ang mga kagroup ko. Magpe-perform kami ng role play. Ewan ko ba, sanay na sanay na akong mag-perform kahit sa harap pa ng maraming tao pero iba talaga nararamdaman ko ngayon.

Kinakabahan talaga ako. Iyong para bang may masamang mangyayare. Wala talaga ako sa focus. Waaah, ako na pala iyong magsasalita.

Naglakad ako palapit sa gitna ng stage nang...

"HAHAHA..."

"Ano ba 'yan?"

"Ayyy ang tanga."

"Celine, okay ka lang?"

"OMG, are you okay?"

"Ano ba lampa! Tayo na nga!"

Ha? Ano bang nangyare? I shook my head para matauhan ako at nalaman ko na lang na nakadapa pala ako sa sahig. Nadapa ako? Hays. Sabi ko na nga ba may mangyayare eh.

Kahit masakit iyong katawan ko at naguguluhan pa rin ako, kinalimutan ko na lang muna yung nangyare at sinubukang mag-focus sa performance.

At natapos ang performance...

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height