C33 Marc's Reasons
Celine's POV
At natapos ang performance...
"Ano ka ba? Sinira mo iyong performance!"
"Sinayang mo iyong pinaghirapan natin. Tsk."
Sinisisi ako ng mga members ko dahil sa kapalpakang nagawa ko kanina.
"Sorry..." Iyan na lang ko sa kanila.
"No! Huwag kang magsorry sa kanila. You didn't do anything wrong," sabi ni Charles nang makalapit siya sa amin
