C39 He's My Hero
Celine's POV
Pagkaalis ni Charles, pumasok na ako sa loob ng bahay. Bumungad si James sa akin na ngayon ay umiiyak.
"James? Bakit? Anong nangyare? Bakit ka umiiyak?" tanong ko sa kanya paglapit ko.
"Si Mama..." sabi niya habang umiiyak pa rin.
"Bakit? Napano siya? Nasaan siya?"
"Sa banyo po."
Tumakbo ako agad papuntang banyo. Nakita kong nagsusuka si Mama. Nilapitan ko siya.
"Ma
