My Boyfriend's Secret Lover/C4 Hurt Then Heal
+ Add to Library
My Boyfriend's Secret Lover/C4 Hurt Then Heal
+ Add to Library

C4 Hurt Then Heal

Celine's POV

Pagdating ko sa room, agad kong hinanap si Shaira pero wala pa siya.

"Babe!"

Bigla na lang sumulpot si Marc sa harap ko sabay yakap sa akin.

"Oh, why are you here?" I asked.

"I heard na inaway ka ni Martha. Are you okay?" he asked. I saw sincere concern and care sa mga mata niya, dahilan para makaramdam ako ng tuwa.

"I'm okay. Don't worry," I smiled.

"Good." He sighed then kissed me forehead.

"I'm so sorry."

Tinignan ko lang siya.

"For everything," dugtong niya. Everything? Nakapagtataka...

I only smiled as an answer.

"Anyway before ako umalis, mamayang recess don't look for me in the canteen. Punta ka sa court, may tryout kase and I need to choose ng mga qualified sa team. Okay lang ba na pumunta ka sa court?" he asked.

"Oo naman. Sige pupunta ako," I answered.

"Thanks babe. I need to go. I love you," he said with a smile on his face.

"I love you too." Ngumiti ako sa kanya. Ang sarap sa pakiramdam.

Nagpaalam na siya at umalis. Ilang saglit lang ay dumating na si Shaira.

"Anong ginagawa no'n dito?" agad na tanong ni Shaira.

"Si Marc?"

"Ayy hindi! Ako! Anong ginagawa ko rito? Of course si Marc tinutukoy ko!" High blood agad best friend ko.

"Tsk. Wala lang. Nagtanong lang siya kung okay ako. He heard daw kase na inaway ako ni Martha," paliwanag ko.

"Dapat lang na kumustahin ka niya kase siya rin naman 'yong dahilan kung bakit ka nila inaaway!"

Alam ko na concern lang siya at ayaw niya lang na sinasaktan ako pero natatawa talaga ako sa kanya.

"Bakit ba parang ayaw na ayaw mo kay Marc?" natatawa kong tanong sa kanya.

"Hindi naman sa gano'n. Nagsimula lang naman akong magalit diyan sa Marc na iyan no'ng inaway ka ni Martha tapos 'di ka man lang niya prinotektahan."

Nagbuntong-hininga ako pero ngumiti siya bigla sa akin.

"Pero nakita ko na concern talaga siya kanina," bawi niya.

"Oo nga," I agreed then smiled.

He's my happiness. Sa maliit na bagay lang na 'yon, napasaya na niya ako nang sobra-sobra.

***

After class, tulad ng sinabi ni Marc ay pupuntahan ko siya sa court. I'm on my way going to the basketball court when suddenly...

"Celine..." May tumapik sa braso ko.

"Oh Charles, ikaw pala!"

He smiled. Ayan na naman 'yong cute na dimples niya.

"Hi!" bati niya.

"Hello. Ano 'yang mga dala mo?" Tukoy ko sa mga dala niyang bag.

"Ah, P.E. uniform. Magta-tryout ako sa basketball," tugon niya.

"Ah, sa court? Do'n din ako papunta." masigla kong sabi.

"Magkikita kayo ni Marc?" Biglang nawala 'yong ngiti niya.

"Hmmm, yup. Why?" I asked.

"Nothing. Sabay na tayo?" alok niya.

"Sure," saad ko.

Kinuha niya 'yung mga gamit ko at siya iyong nagdala. I refused but mapilit siya. While we're on our way, lahat ng mata nakatingin sa amin. Sanay na ako sa ganyan lalo na kapag kasama ko si Marc. Pero ngayon, iba ang dahilan kung bakit ako pinagtitinginan. At dahil ito ngayon sa famous, campus crush at heartthrob kong kasama, Charles Sevilla.

Noong malapit na kame sa court bigla akong kinabahan. Bakit? Baka kase may makita na naman ako at masaktan.

Pagtapak ko sa sahig ng court...

"Babe!" sabi ni Marc sabay halik sa pisngi ko nang makalapit na siya.

Hala, ang sama ng tingin niya kay Charles. Si Charles naman nakangiti lang habang nakatingin lang din kay Marc.

I cleared my throat then speak.

"B-babe, si Charles nga pala. New student dito, and gusto niyang magtry out sa team. Charles, si Marc. Boyfriend ko. Siya rin iyong team captain ng basketball team natin dito," pagpapakilala ko sa kanila.

"Nice to finally meet you," sabi ni Charles sabay alok ng kamay niya.

"Hi," maikling tugon ni Marc.

They shook hands. Hindi na rin masyadong masama iyong tingin ni Marc kay Charles.

"Charles, punta ka muna roon sa naka-black shirt. He's Tony, player namin. Sabihin mo magta-tryout ka para makapag-warm up ka na," Marc instructed.

"Sige Marc, Celine..." paalam ni Charles pagkatapos ay tumakbo papunta kay Tony.

"Tara, doon tayo. May pagkain na roon." Hinawakan ni Marc 'yong kamay ko pagkatapos ay umupo kami sa bench.

"Babe, nagkita pala kame ni Tita Glaiza kanina," sabi ko kay Marc namg maalala ko 'ylng nangyare kanina.

Bigla niya akong pinitik sa ilong.

"Nakwento ni Mommy sa akin. Next time mag-iingat ka ha? Paano kung nasaktan ka?" Kunot-noo niya akong pinagalitan.

"Sorry na po. Hindi na mauulit," natatawa ko namang sabi sa kanya.

"Good. By the way, sa Saturday nga pala, if it's okay with you, dinner sana tayo sa bahay?" he asked.

"Sure!" tugon ko sabay ngiti.

Hindi ko alam kung bakit pero sobrang saya ko. Una, concern siya. Tapos wala akong nakitang babae niya. Tapos niyaya niya ako for dinner at gusto niya akong makasama. Sana tuloy-tuloy na. Sana bumalik na iyong mapagmahal, maalaga, seloso pero sweet na Marc. Sana talaga.

Hinawakan niya yung kamay ko then hinalikan niya.

"Babe, puyat ka 'no? Bakit?" tanong niya.

"HAHAHA. Wala 'to. 'Di lang ako pinatulog ng mga lamok," pagsisinungaling ko.

He sighed.

"Sige, kumain ka na. 'Wag kang papagutom tsaka matulog ka ha?" Bilin niya.

"Opo!" natatawa kong sagot sabay kurot sa pisngi niya.

"Good. Kain na," sabi niya na para bang suplado talaga.

***

After naming kumain, nagpaalam na ako.

"Babe sorry ha? 'Di kita mahatid. Hindi ko pwedeng iwan 'tong team eh," sabi ni Marc.

"Ayos lang babe, sige aalis na ako." Nag-wave din ako kay Charles kase nakatingin din siya sa amin. Ngumiti naman si Charles.

Tumalikod na ako at naglakad.

"Babe!" sigaw ni Marc tapos tumakbo papalapit sa akin. He kissed my lips then hugged me tight.

"Ehhh, baka may nakakita sa atin," sabi ko.

"Bakit? Bawal ba?" tanong niya sabay halik ulit sa akin.

"M-marc, no public display of affection!"

"Is that an order from the highest supreme government that even your handsome boyfriend can't do anything about it?" pang-aasar niya.

I just rolled my eyes.

"I love you," he smiled.

This time parang may kung anong kumurot sa puso ko. Pakiramdam ko natutunaw na naman 'yong puso ko sa sobrang tuwa.

"I love you too."

He hugged me again. This time tighter. I noticed Charles na nakatingin sa amin. Malungkot ba siya o ano?

After the hug, nagpaalam na ako at pumasok na sa room.

*** After Class

Dumaan ako ulit sa court. Gusto raw sana ako ihatid ni Marc kaso busy siya. I understand naman.

So heto ako ngayon, naglalakad ng mag-isa. Huhuhu. For the first time! Joke! HAHAHA. Lagi akong mag-isa umuuwi.

"Celine!"

I think si Charles iyon. Tumakbo siya palapit sa akin

"Uuwi ka na?" tanong niya.

"Yup. Kumusta tryout?"

"Ayun... Tanggap nako! Part nako ng basketball team!"

"Naks. Congrats!"

"Salamat. Gusto mong mag-coffee muna?"

"Eh, kailangan kong umuwi eh. Tsaka nakakahiya."

"Shhh, ako nang bahala bilis. Tara na."

Hinawakan niya iyong kamay ko then naglakad. Sumusunod lang ako.

Huminto kami sa isang restaurant.

"Oh? Bat 'di nalang sa coffee shop?" I asked.

"Mas mura dito," he winked.

Mura daw?

Pumasok kame sa loob. Ang daming tao. Naghanap kame ng vacant table then umupo.

"Good afternoon. Here's the menu," sabi ng waiter sabay abot ng menu.

Inabot sa akin ni Charles iyong menu. Pagtingin ko... Halos lumuwa iyong mata ko.

Ito ba 'yong mura? Gosh!

"Ahhh... Charles sigurado ka ba—"

"Akong bahala. 'Di ba favorite mo 'yong pasta?"

"Paano mo nalaman?"

Ngumiti lang siya pagkatapos ay siya na 'yong um-order para sa akin. Tahimik lang kami habang naghihintay ng order.

Pagdating ng pagkain ay kumain na kami.

"Sir Charles, galing mo pala 'yong kaibigan ni Ma'am Silva rito," biglang sabi ng waiter kay Charles.

"Nasabi mo na ba kay Mommy?" tugon naman ni Charles.

"Hindi po namin ma-contact, wala raw po sa office."

"Okay, no problem. Ako na bahalang magsabi kay Mommy."

Tumango na lang 'yong waiter tapos nagpaalam ng umalis. Pag-alis ng waiter na-tempt akong magtanong.

"Charles, kilala no'ng waiter iyong mama mo?" tanong ko.

"Oo HAHAHA. Kami kase owner nito," natatawa pero parang nahihiya niyang sabi.

"Ha?" I gasped.

"Kami nga HAHAHA. Kaya sabi ko sa iyo mura lang eh. I mean libre lang."

Napanganga na lang ako sa nalaman ko. Grabe pala ang yaman nga nila kase hindi lang basta ordinaryong restaurant ito eh.

Nang naka-move on na ako sa nalaman ko, tinanong ko siya para basagin iyong katahimikan sa pagitan namin.

"Charles, if you don't mind, bakit ka nga pala lumipat ng school?"

Halatang nabigla siya sa tanong ko pero ngumiti rin naman.

"Ahhh, ewan?" Tumawa siya.

"Ang ganda mo kausap!"

"HAHAHA sige na nga magkukwento na ako. Valedictorian ako sa dati kong school. Noong elementary until high school. Kaso dumami kalaban at hindi ko na gusto 'yong atmosphere doon. Gusto ko ng tahimik na buhay kaya lumipat ako."

"Ahhh," sabi ko habang tumatango-tango.

"Mas maganda na 'yong normal student, 'yong hindi ako top one."

"Paano mo naman nasabi na 'di ka na magto-top one sa atin?"

"Nandito ka eh."

"Tsk. Kaya mo iyan!"

"HAHAHA ayaw ko na pag-usapan," sabi niya. Nakita ko na hindi siya masyadong komportable kaya um-agree na lang ako.

"Celine, ako namang magtatanong."

"Sure, ano ba 'yon?"

"Ayos lang naman kung 'di mo sagutin."

"Sige. About saan ba?"

Huminga siya nang malalim then asked...

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height